Nakatulala ako na naka tingin sa kisame habang hinihintay ang reply ni Zach. Kakauwi ko lang galing sa opisina at umupo kaagad ako sa sofa para I text si Zach. Nag-iisip ako sa nangyari kanina, nag-iisip ako bakit parang kinabahan ako nang makita 'yong eksena kanina na hindi naman dapat. Hindi pa ako naka bihis at tinitingnan ko lang 'yong cellphone ko dahil wala akong gana na gumalaw dahil sa naiisip. Kanina matapos kong ihatid si Coleen at Aubrey sa restaurant, pag balik ko sa opisina ay lutang ako hanggang sa pag punta namin sa project kanina at hanggang ngayon ganun pa rin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala pero bumalik lang ako sa aking sarili nang mag ring ang cellphone ko sa gilid. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinuklay ang buhok bago kinuha ang cellphone para

