Nag lalakad ako sa hallway papunta sa opisina ni Nicole nang tumunog 'yong cellphone ko sa bulsa. Tumigil muna ako sa pag lalakad at kinuha muna iyon para tingnan kung sino 'yong tumawag. Si Coleen pala! "Hello," sagot ko. "Busy ka ngayon?" mahina 'yong boses niya sa linya pero naririnig ko pa rin 'yong sinasabi niya. "Hindi naman. Wala nga akong ginagawa kaya pupuntahan ko ni Nicole baka may pagkain siya. Mamayang hapon pa ako may trabaho e, bakit?" "Pwede bang pa bantay ngayon ni Aubrey? Wala kasi 'yong tatay ni Aubrey at pupunta sana ako ng hospital... Ihahatid ko lang 'yong papers ni Aubrey," "Hindi mo pala 'yan na hatid?" "Hindi pa... Pero okay lang naman kung may trabaho ka, pwedeng ihatid ko na lang dyan si Aubrey para 'di ka na pupunta dito, dadaanan ko lang." "Ah, sige hih

