Sa dalawang buwan na relasyon namin ni Zach ay walang nag bago. Nagulat ako na kaya pala naming intindihin ang isa't isa kahit na halos wala kaming oras na naibibigay para sa amin dahil sa trabaho. No'ng unang linggo pinuntahan niya ako sa opisina at dinalhan ako ng bulaklak para sa second monthsarry namin. Actually, hindi ako sanay sa ganun na surprise dahil medyo matagal na din na may gumawa ng ganun sa akin. Kailan pa ba? Ilang taon na ang lumipas at hindi ko na alam kung anong feeling ng gano'n hanggang sa ginawa ulit ni Zach! Holiday ngayon at pupunta kami sa bahay nila. Kanina pumunta siya dito para sabihin sa akin na pupunta kami sa bahay nila at nag dadalawang isip ako dahil hindi man lang ako naka pag handa para doon. Kinabahan din ako dahil family dinner ang pupunta namin at al

