Sa mga sumunod na araw ay naging busy ako dahil sa project ko. Nag-usap na rin kami ni Zach tungkol sa nangyari na hindi niya pag punta sa akin noong gabing iyon at bumawi naman siya. "Hindi siya sasama ano ba!" sagot ko kay Nicole nang tinanong niya ako kung sasama ba si Zach papunta sa Palawan. Gusto ko nga din siyang isama pero masyado siyang busy sa trabaho niya at alam kong kailangan siya doon kaya hindi ko na pinilit! Kami lang ang pupunta at hindi rin kasama ang anak ni Coleen dahil ilang taon na rin na hindi kami nag kasama lumabas ng ganito. Totoo nga, na kapag sa ganitong edad na kayo, mawawalan na kayo ng oras. Kaya nga dati sakto lang na sinulit namin ang bonding no'ng college pa. Tahimik ang loob ng van papunta sa Palawan dahil pagod din sila sa byahe papunta dito. [Hi,

