Sa unang dalawang linggo na relasyon sa kanya ay masaya. Kahit pa na madaming oras na hindi kami nag kikita dahil sa trabaho. May oras na susunduin niya ako at minsan din hindi dahil sa trabaho niya. Nung unang linggo lang din kami lumabas apat ni Zach kasama si Gab at Nicole malapit lang sa kompanya na pinag ta-trabahoan namin ni Nicole. "Matanong ko lang," panimula ko. Nakaupo kami sa bench sa labas ng hospital niya. Pumunta ako dito kanina para samahan si Coleen para sa check up ng anak niya kaya lang nakita ko si Zach kaya naiwan ako dito. Hindi ko naman alam makikita ko siya sa laki ng hospital. Nag pahatid kasi si Coleen sa akin at wala naman akong gagawin kaya hinatid ko na sila. Kakakuha ko lang ng sasakyan no'ng nakaraang linggo kaya kapag umuwi ako hindi na ako matatagalan

