Nag makarating kami sa condo niya ay pinag buksan niya ako ng pintuan. Madilim na ang labas pero dahil sa buwan ay mas lumiwanag ito. Nang nasa elevator kami ay kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang isang kamay at kasabay nun ay ang pag bukas ng pinto kaya hinila niya ako.
Sa unang beses kong pumunta dito sa condo niya ay may nangyari sa amin, kaya naman medyo kinabahan ako. Pumasok siya sa kwarto para mag bihis at hinintay ko lang siya sa labas hanggang sa bumalik siya. Suot ang puting t-shirt at shorts, sinuklay niya ang buhok palapit sa akin.
Napalunok ako nang makita ko siyang ganun. Hindi ko alam pero parang bumagal ang takbo ng lahat! Kahit pag lakad niya lang parang ... sinadya ba niyang dahan-dahan lang habang nag tama pa ang mga mata namin? Hindi pa ako nakaramdam ng ganito, kahit kay Luis, hindi pa...
"What's with your face? Why are you looking me like that?" nagulat na lang ako nasa tabi ko na pala siya at naiwan man lang ako doon sa pintuan ng kwarto niya?
Nakaharap na siya sa akin nang humarap ako sa kanya. Nakataas na 'yong kilay niya na para bang inaasar niya ako dahil din sa paraan ng pag-titig niya sa akin. "Wa-wala!" umiling ako.
Umiwas siya ng tingin at ngumisi. "What?" umangat na naman 'yong dalawang kilay niya at mukhang naiinip nasa akin.
"Wala! Sabi mo mag luluto ka? Bakit andito ka pa?" iniba ko 'yong topic para hindi na siya nag tanong pa. Wala naman akong masasagot!
Ngumiti siya at tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at nang maintidihan iyon ay inabot ko 'yon. Dinala niya ako sa kusina at pinaupo sa mataas na upuan. Tiningnan ko siya nang buksan niya ang stove at sinandal na lang ang dalawang siko sa lamesa.
Hindi ko pa nakilala 'yong pamilya niya. Gusto kaya niyang makilala ko ang pamilya niya? Naka punta na siya sa probinsya kung saan si Mama at maayos naman 'yong pakikitungo sa kanya doon. Eh, sa akin kaya? Paano kapag hindi ako gusto ng Mama niya?
"What are you thinking?" napaangat ako ng tingin nang mag salita siya sa harapan ko.
Nasa harapan ko na pala siya ngayon at hindi ko man lang napansin dahil sa pag-iisip. Umiling na lang ako at yumuko ulit pero hinawakan niya ang baba ko para makaharap siya.
"You're thinking something, what is that? Tell me I'll listen,"
"Anong lulutuin mo?" pag iba ko ng topic kaya tumingin siya sa likuran niya.
"I'm asking you what are you thinking,"
"Wala! Na-naisip ko lang na baka... Nagugutom na kasi ako!" nilihis ko ang topic at nag panggap na lang na 'yon ang naiisip ko.
Nakakahiya kapag nalaman niyang iniisip kong gusto ko din ma meet 'yong Mama niya. Pero...hindi naman ako ganun. Hay naku, Celine! Ano ba 'tong inisip mo ngayon! Masyado pang maaga para ipakilala ka sa Mama niya, sa pamilya niya kaya huwag ka munang mag isip ng kung anu-ano!
"You are hungry? You're thinking something... Is that important? Confidential?" intresado siyang nag tanong kaya kumabog 'yong dibdib ko dahil wala akong maisagot sa kanya.
"No." umiling ako at tumingin ulit sa lamesa.
Napansin ko ang pag lapit niya sa pwesto ko at agad na hinawakan ang baba ko para umangat. Kunot ang noo niya na para bang nag-iisip kung anong iniisip ko pero hindi niya maisip. Tumingin siya sa mata ko at hindi ko at ganun rin ako sa kanya. Lumipat ang mata niya sa mga labi ko bago siya yumuko para bigyan ako ng halik sa labi.
"I love you." sabi niya bago binitawan 'yong baba ko.
Hindi ako nag salita nang bumalik siya sa niluto niya. Para akong nanghihina. Any ba 'to! Ilang beses niya na naman akong nahalikan pero bakit iba 'yong pakiramdam ko ngayon. Kinakabahan ako na parang... parang lumabas 'yong puso ko dahil sa ginawa niya.
"I love you!" ulit niya pero hindi ako lumingon sa kanya dahil dinadama ko 'yong nararamdaman ko.
"I love you."
Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na din pala siya sa akin. Umangat ang kilay niya na nag hihintay ng sagot ko kaya tumango na lang ako. Kumunot kaagad ang mukha niya at mag sasalita na sana pero inunahan ko na.
"I love you," parang bulong lang 'yong sa hangin pero alam kong rinig niya dahil nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Are you that hungry? Hmm, something bothering you. Tell me about it later if you're ready, I can wait though..." tumawa siya.
"Ah, okay later."
Nag patuloy siya sa pag luluto at bumabalik sa akin para kulitin ako sa tanong niya. Para na akong teenagers nito dahil kilig na kilig ako kapag tinagilid niya 'yong ulo niya na nakayuko para tingnan ako at tanungin pero hindi ko pinahalata. Nag patuloy siya sa ganun at bumabalik ulit sa pag luluto hanggang sa natapos.
"It's almost ten! Dito ka na matulog?" ngumisi siya.
Wala akong damit dito kung dito ako matutulog. At tsaka kaya naman niya akong ihatid kung gusto niya akong ihatid. Ayaw yata akong pauwiin nito! "Wala akong damit. Ayaw mo bang ihatid ako?"
"What?" tumaas ang kilay niya. "Gusto kitang ihatid pero gabi na dito ka na matulog."
"Wala nga akong damit dito kung dito ako matutulog."
"May damit ka pa naman. Hmmm maybe you want to take that off para wala ka ng damit?" ngumisi siya at tumingin sa labi ko.
Umiwas ako ng tingin dahil masyadong mariin ang titig niya sa akin. "Ihatid mo na ako, kung ayaw mo mag ta-taxi na lang ako." kung sasagutin ko 'yong sinabi niya sa ibang usapan na naman 'to mapupunta.
"Well.. I can't let my girlfriend going home with a stranger so... "
"Kaya nga ihatid mo ako." iritado ko nang sabi dahil halata haman na hindi niya ako gustong ihatid. Ayaw niya akong umuwi pero wala akong damit dito.
Umusog siya papalapit sa akin at kinuha ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko. Nagkatinginan kami. Tinaas ko ang kilay ko para mag tanong. "Ask me why?" halos bulong niya na iyon na pagkasabi.
"Ano ba 'yan! Tumigil ka nga ihatid mo na lang ako!"
"Alright. Sa Monday na lang," tumayo siya at hinawakan ang labi niya bago ako sumunod.
"Anong sa Monday?" tanong ko at hinarap siya.
"Nothin... Let's go," hinigit niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa pintuan at hindi niya ako binitawan.
Tahimik lang kami nang nasa loob ng sasakyan. Gaya ng ginawa niya kanina sa akin, nilagay niya ang kamay sa hita ko pero ngayon naging komportable na ako kaysa sa kanina kaya pinabayaan ko siya.
"Thank you," sabi ko nang huminto ang sasakyan.
"Good night, baby see you tomorrow." humalik siya sa pisngi ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan.
"Good night! Ingat sa byahe ha?"