"Pakilagay na lang sa gilid please, thank you!"
Abala ako sa laptop ko nang dumating 'yong kape. Tumigil muna ako para inumin ang kape at binalik ulit ang atensyon sa laptop. Tumunog 'yong cellphone ko kaya napatigil ulit ako.
"Hello," panimula ko.
"Hi, how are you? Are you at your office?"
"Yeah. Ikaw wala ka bang trabaho?"
"Break muna. Are you busy?"
Kinuha ko ulit 'yong kape at nang malapag iyon sa lamesa ay narinig ko ang pag katok sa pintuan. "Hindi naman. Wait lang may tao," tumingin ako sa pintuan at hindi pa naman bumukas iyon kaya tinawag ko na lang.
"Good morning, Architect I just want to give you this if you're not busy." Nick said.
"Good morning, uhh... Pasok ka."
Hindi siya nag dalawang isip na pumasok. Hawak ko pa rin 'yong cellphone ko sa kamay at alam kong rinig na rinig ni Zach 'yong mga sinasabi ko. Nilapag ni Nick ang maliit na envelope sa lamesa ko at mukhang hindi siya tungkol sa trabaho... Parang...invitation card?
"Invitation for my birthday, sa katapusan pa naman kung free ka!" ngumisi siya.
Birthday? Ako? Pinapunta niya? Hindi ko alam kung paano sasagot. Bumaba ang tingin ko sa cellphone na nilapag ko sa lamesa at hindi pa rin iyon binaba ni Zach. Hindi din siya nag salita kaya sigurado akong nakikinig siya!
"Birthday? Ah! Susubukan ko kung free ako," tumango lamang ako para umalis siya sa harapan ko.
Nag pasalamat lang siya at tumango lang din ako. Lumabas na siya kaya pinulot ko ang cellphone sa lamesa. Hindi ko pa rin marinig si Zach na nag salita.
"Hello? Andyan ka pa ba? Sorry, tao kasi kaya binaba ko muna akala ko importante."
"That was, Nick? Your... " malamig niyang sabi.
"Ano? Your what?" tumaas ang kilay ko.
Narinig ko ang pag tawa niya sa kabilang linya. Alam kong pinag seselosan niya si Nick una pa lang. Pero birthday lang naman 'yon at hindi nga ako siguradong makakapunta ako!
"Me? Why would I, Celine? You want to go? I'll come with you," halos bulong na lang ang huling salita na sinabi niya.
Tumawa ako ng malakas! Akala ko ba hindi siya nag seselos tapos ngayon, sasama siya sa akin? Hindi nga ako sigurado kung pupunta ako o hindi!
"Hindi ako pupunta do'n don't worry. Baka mag selos ka pa kapag pumunta ako,"
Narinig ko ang pag buntonghininga niya sa kabilang linya kaya mahina akong natawa. Akala ko ba gusto niya akong pumunta at sasama siya tapos ngayon, parang maayos na siyang makakahinga ah!
"Alright. Glad that you don't want to go so... Maybe... I can book a date with us later?"
Napangiti ako. Kaya pala tumawag siya dahil gusto niyang mag date kami.
Ngumuso ako. "Fine."
"And... I'll pick you up later maaga ako,"
Pinatay ko ang tawag pagkatapos mag paalam. Nag patuloy ako sa trabaho hanggang sa dumating si Nicole sa office ko may kinuhang files at lumabas lang din pagkatapos.
Nag hapon ay naabutan ko Nick sa lobby kaya sabay kaming lumabas. Hindi naman kami sabay na bumaba galing sa taas pero nang makita niya akong pababa na ay tumayo kaagad siya at sinabayan akong mag lakad palabas.
Umalis si Nicole nang hapon dahil may pupuntahan siyang kliyente kaya hindi kami sabay na umuwi ngayon. Kahit sa isang kompanya lang naman kami nag ta-trabaho pero hindi kami ganun kadalas mag kita dahil parehong busy. Kapag may oras ay sabay kaming kumain sa sa canteen o kaya sa labas kapag wala halos trabaho.
"So, pupunta ka?"
"Ah. Sorry mukhang hindi ako makakapunta, Nick dahil may importante din akong pupuntahan da araw na 'yon."
Ayoko man mag sinungaling sa kanya pero alam kong ayaw ni Zach kay Nick kaya lalayo ako. Hindi naman din kami gano'n ka close ni Nick para madali niya akong mapapunta sa birthday party niya.
"Oh, it's okay, Architect sa susunod na lang alam kong marami ka ding trabaho."
Nakita ko ang palapit na sasakyan at sa 'di kalayuan, huminto ito kaya nilingon ko si Nick. "Maybe, sa susunod try ko. Mauna na din ako, Engineer,"
Tumango lang siya at ngumiti kaya nag lakad din ako papunta sa sasakyan ni Zach. Nakababa na siya ng sasakyan at kunot noo siyang napatingin sa likuran ko.
"Hi!" salubong ko sa kanya.
Tumingin pa siya sa likuran ko at mabilis na hinawakan ang bewang ko at ngumiti. "Hi, baby how are you?" pinatakan niya ako ng halik sa pisngi kaya lumaki ang mata ko.
Alam kong ilang beses na namin 'tong ginawa sa condo pero andito kasi kami sa maraming tao at sobrang lapit namin sa isa't isa baka ano pang sabihin ng mga tao sa paligid. "I-i.. I'm okay,"
Binitawan niya ang pagka hawak sa bewang ko at umayos siya ng tayo na hinarap ako. Inayos niya ang damit niya at binuksan ang pintuan para pumasok ako at mabilis naman akong pumasok matapos niyang buksan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang abala siya sa pag mamaneho.
Nagulat ako nang ilagay niya ang isang kamay sa hita ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala siyang reaksyon doon at para bang ginagawa niya na iyon dati pa dahil sa sobrang komportable niya.
"I'll cook. Sa condo tayo." sagot niya at sabay na pinisil ang hita ko kaya napatingin ako sa kanya.
Ano bang nakain nitong lalaking 'to! May plano siguro 'tong hindi maganda. Akala ko ba sa labas kami, well... Okay na rin sa condo niya na lang, tutal, siya naman 'yong mag luluto!
"Okay." tanging sagot ko.
Napalingon siya sa akin kaya tinaas ko ang kilay para mag tanong. "Are you okay?"
Tumango ako. "Bakit?"
"Nothing." umiling siya at binalik ang tingin sa kalsada. "Do you want to attend on his birthday party?"
Hindi ko maintidihan. Bakit ba niya tinatanong e ayaw niya naman akong papuntahin doon. Pero hindi naman ako nagbabalak na pumunta doon 'diba? Gusto ko bang pumunta?
"Gusto mong pumunta? Ibibigay ko na lang sa'yo 'yung invitation kung gusto mo," ngumisi ako dahil sa sinabi.
Bahagyang kumunot ang noo niya dahil doon kaya tumawa ako. "I'm not invited and I'm not interested. I just think... If you want to then go but I'll come with you on that day."