Isang linggo na ang pananatili namin dito sa condo ni Zach. Noong pumupunta ang mga kaibigan ko dito, gulat na gulat sila dahil hindi ko sinabing may anak na ako. Nag-tampo sila sa akin dahil hindi nila nalaman kaya humingi din ako ng tawad sa kanila. Hindi na ulit kami nag-usap ni Zach tungkol sa issue namin, nag-uusap lang kami kapag may kailangan ako o kaya kapag tatawagin ko siya para ipabuhat ang bata. Tinanggap ko na ang dahilan ng Mama niya kung bakit niya nagawa iyon. Pero kahit nasaktan ako ay napatawad ko siya dahil inintindi ko siya. Siguro, nagawa niya iyon dahil mas kilala niya naman talaga si Thalia kaysa sa akin kaya nadala din siya dahil gustong gusto niya si Thalia. Hindi umalis si Zach ng condo sa loob ng isang linggo, gaya ng sinabi niyang nag leave siya ng isang buw

