"Mom, Dad," bati ni Zach nang makaharap namin ang magulang niya. Hindi ako tumingin sa Mama niya, hindi ko alam kung ano 'yong sasabihin ko sa kanya. Napatawad ko na siya kahit na hindi pa siya humingi ng tawad sa akin. Ngumiti ako bahagya sa tatay niya at dahan-dahan din akong tumingin sa nanay niya, sa mata. "Celine..." sabi ng Mama niya. "G-good morning po." Nagulat ako sa biglang pag tayo ng Mama niya at lumuhod sa harapan ko kaya napatayo din ako. "Mom..." tawag ni Zach. "Ma'am, ayos lang po hindi niyo po kailangan gawin 'yan." hinawakan ko siya sa braso para tumayo pero ayaw niya. "I'm so sorry, Celine... I'm sorry." yumuko siya habang hawak ko pa rin 'yong braso niya. Sinubukan ko siyang iangat, tumayo na din si Zach para tulungan ako. Hindi niya naman kailangan gawin 'to.

