Chapter 45

1007 Words
Matapos bumagsak ang halimaw sa ilalim kaagad na nagtungo si Asyanna sa kinaroroonan ni Xáxa. Inis namang tumingin ang Frost Byte young Ladynne sa heneral ng Rebellion. "Labanan mo ako," hamon ni Asyanna sa Frost Byte young Ladynne. "Hindi kita uurungan," ani Xáxa. Hinawakan ni Asyanna nang mahigpit ang espada niya. Samantala, si Xáxa nagpakawala ng mga snow flakes. Bumulusok ito papunta sa direksyon ni Asyanna. Pero, tinagpas lang itong lahat ng heneral. Nagpalabas muli si Xáxa ng tipak ng mga yelo at binato itong lahat kay Asyanna. Dinagdagan niya pa ito ng mga snow flake at matatalim na yelo. Hindi pa siya nakuntento at ginawa niyang yelo ang lupa na puno ng mga nyebe. Samantala, si Asyanna kinakalaban lahat ng ginawang atake ng Frost Byte young Ladynne ng Ferrox. Napansin ni Xáxa na abala ang lahat sa pakikipaglaban. Kaya, nakaisip siya ng paraan. Bumaba siya at ginaya ang posisyon ng isang frostwolf, ang racial pet ng Frost Byte. Tumingala siya sa langit at umungol nang malakas. Napatigil ang lahat dahil sa ginawa niya. Maya-maya, maririnig ang mga ungol sa 'di kalayuan. Papunta ito sa direksyon nilang lahat. "Frostwolves!" sigaw ng mga rebelde at umurong. Nabuhayan naman ng loob ang mga Frost Byte dahil nadagdagan ang kanilang dalang racial pet. Mas malaki ang mga ito kumpara sa sinasakyan nilang frostwolves. "Frostbitus! Avante!" malakas na sigaw ni Xáxa kaya nagpatuloy sa pagsugod ang mga Frost Byte at Frost Seccu. "Frost!" galit na sigaw ni Asyanna. Nanggagalaiti siyang tumingin sa Frost Byte young Ladynne ng Ferrox. "Wala kayong racial pet Asyanna. 'Yan ang magpapatalo sa inyong lahat," sabi ni Xáxa. "Nagkakamali ka," sabi ni Asyanna at ngumisi. Napakunot noo ang Frost Byte young Ladynne dahil sa sinabi ni Asyanna. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito. "Amaris!" malakas na tawag ni Asyanna. Maya-maya, may paparating na nilalang na lumilipad sa himpapawid. "Paanong?" bulalas nito. Hindi ito makapaniwala sa nakikita. Umungol ng malakas ang tamarra kaya napatigil ang lahat. Mababakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Lumapag sa tabi ni Asyanna ang tamarra at parang kinausap pa siya nito. "Paano mo naitawag ang racial pet ng Azthian?" 'di makapaniwalang tanong ni Xáxa. "Sumama siya sa'kin," pagmamalaki ni Asyanna. "Hindi ka isang Azthic kaya paanong nagkaroon ka ng tamarra?" ani Xáxa. "Wala ka na roon," sagot ni Asyanna at sumakay kay Amaris. Lumipad ito sa himpapawid at umikot. Sinundan naman ito ng tingin ni Xáxa. Pero, nanlaki ang mga mata niya nang bumuga ng kakaibang enerhiya ang tamarra. Agad siyang nagpakawala ng mga ice spike at tinira ito sa enerhiyang ibinuga ng tamarra. Pero, nadismaya siya dahil hindi manlang nito napuksa ang kapangyarihan ng tamarra. "Argh!" ani Xáxa. "Young Ladynne, masyadong malakas ang tamarra!" sigaw ng Frost Seccu. Napakuyom ng mga kamay ang Frost Byte young Ladynne ng Ferrox. Naiinis na siya sa ginagawa ni Asyanna. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at binuka ang mga palad. May lumabas na nyebe rito na iniikutan ng malamig na hangin. Inihagis ito ni Xáxa sa himpapawid kaya lalong lumamig ang paligid. Umihip nang malakas ang hangin at dumami ang nagbabagsakan na mga nyebe. Kumapal din ito kaya halos hindi na makita ang mga naglalabanan. Umungol nang malakas ang tamarra dahil hindi na nito kaya ang tindi ng lamig. "Hey, hey, Amaris," ani Asyanna at hinimas ang ulo nito. Umungol lang ito na tila nagsusumbong sa amo. "Amaris, huminahon ka," alalang sabi ni Asyanna. Maya-maya, nakarinig ang lahat ng sipol. Hinanap ito ni Asyanna pero hindi niya makita dahil sa kapal ng nyebe. "Babalikan kita Frost!" nanggagalaiting sigaw ni Asyanna. Umungol na naman si Amaris pero tila natatakot na ito kaya nag-aalala nang tuluyan ang heneral ng Rebellion. "Amaris, anong problema?" alalang tanong ni Asyanna. Umungol lang ito. Natigilan si Asyanna dahil parang naririnig niyang papalapit na ang sipol. Pinakiramdaman ni Asyanna ang paligid. Pero, nagulat na lang siya nang hagupitin siya ng malakas na hangin na may kasamang nyebe. "Amaris!" sigaw ni Asyanna dahil nawalan ng balanse ang tamarra na sinasakyan niya. Sinubukan ni Amaris na makaahon sa hagupit ng nyebe pero hindi kinaya ng mga pakpak nito. Hanggang sa bumagsak ito sa ilalim. Tumalsik si Asyanna sa malayo at napunta sa mga bitak na yelo. Tumama ang ulo niya rito kaya nasugatan ito. Umagos ang dugo niya sa pisngi. "Ah!" daing ni Asyanna at pilit na bumangon. Pero, sa pagbangon niya bumigay naman ang yelo kaya nahulog siya sa nagyeyelong tubig. "Ah!" sigaw ni Asyanna dahil sa tindi ng lamig. Nanginig ang buo niyang katawan at nanlamig ang pakiramdam niya. "Amaris! Amaris!" sigaw ni Asyanna dahil hindi niya mahagilap ang tamarra. Nahihirapan din siyang lumutang sa itaas ng tubig dahil sa lamig. "Seven's sh*t!" mura niya dahil hindi niya magawang umahon. Sinubukan niyang gamitin ang kakayahan niyang maglaho pero hindi niya magawa dahil hindi maayos ang pakiramdam niya. "Heneral! Heneral!" sigaw ng isang revro. "Narito ako! Tulong!" paos na sigaw ni Asyanna. "Heneral, sandali iaahon kita," sabi ng revro nang matagpuan siya sa nagyeyelong tubig. Nagpalabas ito ng ugat at inihagis sa tubig. Agad na lumapit dito si Asyanna at kumapit. Gumalaw ang ugat hanggang sa maiahon nito ang heneral ng Rebellion. "Heneral, ayos ka lang?" alalang tanong ng revro. "Ang katawan ko, namamanhid. Hindi ko maigalaw nang maayos," sagot ni Asyanna. Naawa ang revro sa heneral nila kaya tinawag niya ang rebelde na Ignis. "Gumawa ka ng apoy. Gagawa ako ng masisilungan," sabi ng revro na isang Terra. "Pagbabayaran ito ng Frost na iyon. Kapag may nangyaring masama kay Amaris, ako mismo ang papaslang sa kaniya!" galit na sabi ni Asyanna kahit nanginginig na siya sa lamig. Bumaling sa kaniya ang rebelde na Terra at nagsalita," Tuso talaga si young Ladynne Xáxa, heneral. Hindi mo siya basta-basta maiisahan. Mautak siya pagdating sa labanan. Mahihirapan ka muna bago mo siya matatalo," "Puwes, pahihirapan ko rin siya. Hindi niya alam ang kaya kong gawin. Nakakalimutan niya yata ang espadang hawak ko," asik ni Asyanna at tiningnan ang sandata. "Tiyak kong hindi ka niya matatalo, heneral. Malakas ang sandata mo," sang-ayon din ng rebelde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD