Chapter 44

1128 Words
Sa panig ng Rebellion... "Rebellion! Limang kaharian na ang nasakop natin pero hindi roon magtatapos ang lahat. May tatlo pang kaharian ang hindi pa bumabagsak. Ang Ferrox, Nuclos at Karr," sabi ni Necós. Matagumpay na napatalsik ng Rebellion ang Aeries sa Tarll kaya sila ngayon ang may hawak ng lupain. "Kung ganoon, halina't lusubin natin ang Ferrox, panginoon," sabat ni Asyanna. Simula nang magtuos sila ni Zefirine, palagi na siyang nagsasalita. Kaya, naninibago ang buong Rebellion. "Kailangan muna magpahinga ng hukbo, Annaysa," sagot ni Necós. "Hindi ba't may inumin kang binibigay na pampawala ng pagod?" ani Asyanna. "Pero, heneral—" Sumenyas si Asyanna na huminto siya sa pagsasalita kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya. "Gusto kong lusubin natin ngayon ang dalawang kaharian, ang Ferrox at Nuclos. Hahatiin natin sa dalawang batalyon ang hukbo. Ako ang mamumuno sa batalyon na sasalakay sa Ferrox at ikaw Necós sa Nuclos," sabi ni Asyanna na sinang-ayunan naman ng lahat. Kaya, walang nagawa si Necós kun'di sumang-ayon din sa desisyon ng heneral ng Rebellion. Hindi pa siya maaaring tumutol sa Magium young Ladynne dahil hindi pa nila nasasakop ang buong Azthamen. "Kung iyan ang iyong nais heneral Annaysa, pagbibigyan kita," ani Necós. "Ang gustong sumama sa akin sa paglusob sa Ferrox, humiwalay sa batalyon," utos ni Asyanna sa mga revro kaya umalis ang ilang revro sa puwesto nila at bumuo ng panibagong batalyon. Marami ang lumipat sa bagong buong batalyon kaya nabahala ang panginoon ng Rebellion. Kung kakaunti lamang sila na sasalakay sa Nuclos, hindi nila kakayanin ang puwersa ng Aqua Racial Forces. "Necós, kapag natapos na kami sa Ferrox, susunod kami sa Nuclos," pagtitiyak ni Asyanna. Matapos maghanda ng Rebellion, nagsimula na silang maglakbay patungo sa destinasyon nilang lahat. Sa Ferrox... "Frostbitus! Harapin ninyo kami!" malakas na sigaw ni Asyanna. Nasa labas sila ng kastilyo at hinihintay na lumabas ang mga Frost para harapin sila. Huminga nang malalim si Asyanna dahil napakalamig sa Ferrox. Kada magsasalita siya ay may lumalabas na usok sa bibig niya. Nababalutan ang kastilyo ng mga yelo at puno ng mga nyebe ang buong kalupaan. Kaya, nanginginig ang buong Rebellion sa lamig. "Frostbitus! Kapag hindi pa kayo lumabas sa lungga ninyo, mapipilitan kaming pasukan ang kastilyo!" sigaw muli ni Asyanna. Pero, nagulat silang lahat sa biglang pagkapal ng mga nyebe at lalong lumamig ang buong Ferrox. Kaya, tuluyang nanginig sa lamig ang mga rebelde. Maya-maya, umulan ng mga yelo. Pero, matutulis itong lahat kaya may mga revro na nasusugatan. "Xjield!" malakas na sigaw ni Asyanna kaya gumawa ng mga harang ang Rebellion para hindi sila matamaan ng matutulis na yelo. Ngunit, may isang revro ang napuruhan ng matutulis na yelo. Nilapitan ito ni Asyanna at inalalayan. "Ayos ka lang?" tanong ni Asyanna pero hindi nagsasalita ang revro. Nanginginig ito sa sobrang lamig. Hinawakan ni Asyanna ang balat niya pero napabitaw din kaagad nang maramdaman ang lamig na nagpapahirap sa revro. "Heneral, hindi na siya magtatagal. Sa loob ng isang minuto tuluyan nang titigas ang buo niyang katawan at magiging yelo na ito," sabi ng revro. Napakuyom ng mga kamay ang heneral ng Rebellion. Kung patuloy na uulanin sila ng matutulis na yelo hindi nila maipapanalo ang laban. "Ako nang bahala," ani Asyanna. Naglakad si Asyanna papalapit sa tarangkahan habang nasa loob ng isang xjield. Nagsisimula na naman siyang makaramdam ng matinding galit at gusto na nitong makawala. "Asyanna, ang bastarda ng Gránn," sabi ni isang babae. Nanggaling ito sa itaas kaya nalaman ni Asyanna kung sino ang may gawa ng matutulis na yelo. Lumapag sa nyebe ang isang Frost. "Nagkakamali ka, Frost. Hindi Asyanna ang pangalan ko. Ako si Annaysa, ang heneral ng Rebellion," sabi ni Asyanna kaya humalakhak ang Frost. Nainsulto siya sa ginawa nito kaya ginamit niya ang kakayahan niyang maglaho at mabilis na umatake sa Frost. Hindi iyon inasahan ng Frost kaya nasugatan siya sa braso niya. Tumalsik ang pulang dugo nito kaya napadaing ang Frost sa natamong sugat. "Xáxa!" sigaw ng isa pang Frost at pumunta sa kinaroroonan nito. "Wala siyang karapatan na insultuhin ako," asik ni Asyanna kaya tumingin sa kaniya ang kararating na Frost. "Asya?!" 'di makapaniwalang sabi niya habang nanlalaki ang mga mata. "Annaysa ang pangalan ko," giit ni Asyanna pero umiling lang ito. "Hindi. Asyanna ang pangalan mo. Isa kang Puerre," giit nito. "Lescha, hindi siya naniniwala na siya si Asyanna," sabat naman ni Xáxa. "Asya, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Lescha at lumapit sa heneral. "Lescha, huwag kang lalapit sa kaniya!" sigaw ni Xáxa. Pero, huli na siya sa pag-awat sa kambal niya. Nakalapit na si Lescha at yakap ang heneral ng Rebellion. Ngumisi si Asyanna kay Xáxa kaya kinabahan ito para sa kambal nito. "Asya, nag-alala kaming lahat sa iyo," ani Lescha. "Paumanhin, pero nagkamali ka yata ng niyakap," bulong ni Asyanna at bigla na lang sinaksak ang Frost na yumakap sa kaniya. "Lescha!" sigaw ni Xáxa. "Asya, bakit?" tanging lumabas lang sa bibig nito bago bumagsak. "Kailangan niyo nang isuko sa amin ang Ferrox," ani Asyanna at tinutok ang espada sa bumagsak na Frost Byte young Ladynne ng Ferrox. "Hindi, Asya. Pakiusap, bumalik ka na sa dati," pagsusumamo ni Lescha pero tumawa lang ang Magium young Ladynne ng Gránn. "Kung ganoon, mapipilitan akong tapusin ka," sabi ni Asyanna kaya nagpakawala si Xáxa ng matutulis na yelo papunta sa direksyon ni Asyanna. Hinarap naman ito ng heneral ng Rebellion. Nagpakawala muli si Xáxa ng mga tipak ng yelo at ginawa niya itong mga halimaw. Kaya, tuluyan nang nawala ang atensyon ni Asyanna sa nakahandusay na Frost Byte young Ladynne. Kinuha naman ni Xáxa ang pagkakataong iyon para maitakas ang kambal niya. Ginamit niya ang nyebe sa pagtakas nito. Nag-anyong nyebe siya at kinuha ang wala nang malay na Frost Byte young Ladynne. Mabilis siyang nagtungo sa Healing Wing at inasikaso kaagad ng mga healer ang sugatan na Frost Byte young Ladynne. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kinaroroonan ng Frost Racial Forces. "Frostbitus! Ihanda ang hukbo nilulusob tayo ng Rebellion!" sigaw niya kaya agad na kumilos ang mga Frost Byte at Frost Seccu. Sa kabilang banda, si Asyanna ay nakikipaglaban pa rin sa halimaw na yelo. Hindi niya ito mawasak dahil hindi niya matukoy kung saan ang kahinaan nito. "Heneral! Nariyan na ang Frost Racial Forces!" sigaw ng rebelde. Nilingon ito ni Asyanna at napataas ang isang kilay. "Rebellion! Sugod!" sigaw ni Asyanna. Hinarap muli ni Asyanna ang halimaw at nakaisip siya ng plano. "Kung hindi kita mapaslang titiyakin kong hindi ka na magbibigay ng perwisyo sa akin," usap ni Asyanna sa halimaw. Umungol lang ito. Tumakbo si Asyanna paikot sa halimaw habang nakasaksak sa nyebe ang talim ng espada. Samantala, patuloy pa rin sa pag-atake ang halimaw. Pero, hindi nagtagal bumigay ang nyebe na kinatatayuan nito. Kaya, bumagsak ito sa ilalim sa malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD