Chapter 20

1009 Words
Ngayon ang unang araw ng semi-finals at ilan na lang kaming natitira. Ako, Kai, Onaeus, Zefirine, at Chaross. Tatlong Magium, isang Aqua, at isang Aer. Bale ang mangyayari sa laro, kung anong magkasunod na magic force ang unang lalabas sa magic canon, ito ang unang magtutuos. At, ang natitirang tatlong champs ay maglalaban-laban para makuha ang isa pang slot sa champion battle. "Asya, sana manalo ka!" sabi ng espiritu. Maya-maya, bumuga ng magic force ang magic canon. Kulay lila ito kaya nagkatinginan kaming tatlo dahil isa sa amin ang unang sasabak sa semi-finals. Pumaibabaw ang magic force at sumabog ito. Unti-unti itong nakabuo ng wangis. Napatingin sa'kin ang mga champ dahil ako ang ipinapakita sa magic force. Naglakad ako papunta ng sentro ng battlefield at hinintay ang makakalaban ko. Bumuga na naman ng kulay lila na magic force ang magic canon. Pumaibabaw ulit ito at sumabog. Unti-unti itong nakabuo ng wangis at si Onaeus ang ipinapakita roon. Umingay ang paligid dahil sa masasaksihan ng lahat ang labanan sa pagitan ng mga Puerre. "Azthamen, ang susunod na laban ay kapana-panabik sapagkat magtutuos ang dalawang Puerre! Young Ladynne Asyanna at Lorde Onaeus!" anunsyo ni Hydrox kaya lalong lumakas ang ingay sa paligid. Nahahati ang pagsigaw ng mga pangalan namin. "Natatakot ka, Yanna?" yabang na tanong ni Onaeus. "Asa ka," asik ko at pumosisyon. Napadako ang tingin niya sa hawak kong sandata. "Tingnan natin kung mananalo ka pa sa'kin," sabi niya at iwinagayway ang hawak niyang espada. May namumuo ritong enerhiya pero hindi kasing lakas ng espada at ng punyal ni Asilah. "Si Asyanna at Onaeus ay naghahanda na. Sino sa tingin ninyo ang mananalo? Ang young Ladynne at Seeker Game Victor kaya? O, ang ipinagmamalaki ng Magium Racial Forces? Sino?! Kaya, simulan na ang laro!" ani Hydrox kaya agad kaming sumugod sa isa't isa. Mabibigat at malalakas ang binibigay naming atake sa bawat isa. Alam kong hindi siya magpapatalo at ganoon din ako. "Ang lakas pa rin talaga ng loob mong kalabanin ako Asya. Kahit na hindi ka na kalakasan. Nasaan na 'yong pinagmamalaki mong espada?" sabi ni Onaeus sa gitna ng laban namin. "Wala man ang espada. Malakas pa rin ako. At, kapag hawak ko ang espada mas magiging malakas ako. Magpasalamat ka na lang at wala sa'kin ang espada," sagot ko. Sumeryoso ang mukha niya kaya napangisi ako. Malaking kawalan ang espada ni Asilah. Kung hindi sana ito naglaho baka mas napadali ang laban ko. "Nawala sa'yo ang espada dahil hindi ka karapat-dapat doon," sabi niya. Sa inis ko, naglaho ako at lumitaw sa tabi niya. Agad ko siyang sinugatan sa braso saka naglaho ulit at lumitaw sa harapan niya. "Bastarda," mariin niyang sabi at sumugod sa'kin. Magkasalubong na ang mga kilay niya at madilim na ang mukha. Batid kong galit na siya dahil mas mabigat at mas malakas na ang mga atake niya. "Duwag," ani ko kaya hinampas niya nang malakas ang sandata niya na agad ko namang naisangga. Umatras nga lang ako nang kaunti dahil nagulat ako sa kilos niya. "Bawiin mo ang sinabi mo," sabi niya. "Hindi ko babawiin," matigas kong sabi. Hinampas niya ulit nang malakas ang espada niya. Napaatras ako sa medyo kalayuan dahil bukod sa lakas niya dumagdag pa ang puwersa ng espada niya. "Nakita mo iyon? Mas malakas pa ako sa'yo," pagmamayabang niya. Bigla akong naglaho at lumitaw sa tabi niya. Agad ko siyang sinugatan sa tagiliran at lumitaw ulit sa harapan niya. Agad niyang naisangga ang punyal ko. Nanlilisik ang mga mata niya nang tingnan ako. Hindi niya inasahan ang ginawa kong atake. Nakalimutan niya yata ang kakayahan kong maglaho. "Hindi ko ito palalampasin, bastarda," asik niya. Sinalag ko lang ang espada niya. Pero sunod-sunod naman ang atake niya. Parang gusto na niyang tapusin ang laban. "Ah!" daing ko nang masugatan niya ako sa braso, "Nagmamadali ka yata Onaeus. Masyado kang atat na manalo," "Dahil ayoko nang makalaban ka pa nang matagal," sagot niya. "Bakit sawa ka na ba sa pagmumukha ko?" ani ko. "Oo, nakakawalang gana," sagot niya. "Kung ganoon tapusin na natin ang laban na ito," sabi ko at malakas na hinampas ang espada niya. Sinalag niya ito kaya magkadikit na ang mga sandata namin. Nagkaroon ulit ito ng kislapan hanggang sa may namuong enerhiya sa pagitan namin. Mas diniinan ko ang pagkakadikit ng punyal ko sa espada niya kaya lalo ring lumakas ang puwersa. "Tingnan ninyo! Ang reaksyon ng mga sandata nina Asyanna at Onaeus. Nakakamangha pero mapanganib," komento ni Hydrox. "Hindi ka ba natatakot? Magkadikit ang mga sandata natin," sabi ko sa kaniya. "Hindi mo naman hawak ang espada ni Asilah," sagot niya kaya napangisi ako. "Talaga? Pero sa kaniya rin ang mga punyal na ito. Hindi ka ba natatakot na baka pareho lang sila ng espada?" sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya. Pero, naningkit din kaagad at mas diniinan ang espada niya. "Asya, itigil mo na 'yan!" sigaw ng espiritu. "Pero, bakit?" nagtatakang tanong ko. "Ang punyal na iyan ay kambal ng espada. Hindi man iyan kasing lakas ng espada. Pero, kaya niyan ilagay sa kritikal na kondisyon ang isang nilalang," sagot nito. Napalunok ako sa nalaman ko. Kaya pala nang pagsamahin ko ang mahika ko at ang enerhiya ng punyal pareho ang naging resulta. Magkapatid pala ang punyal at ang espada. "Anong iniisip mo?" tanong ni Onaeus. "Ang talunin ka," sabi ko at binuhos lahat ng lakas na meron ako. Lalong nadagdagan ang lakas ng puwersa sa paligid namin. Mas maliwanag na ito. "Paumanhin, Onaeus. Pero, ang laro mo ay dito na magtatapos," sabi ko at tinulak ko nang malakas ang espada niya na nakadikit sa punyal ko. Tumilapon siya sa malayo kasabay ng mga tipak ng lupa. Tinanaw ko siya pero hindi na siya nakatayo pa. "Ang unang laro ay opisyal nang nagtapos at ang nanalo ay si Asyanna. Siya ang unang champ na sasabak sa championship game!" anunsyo ni Hydrox kaya umingay na ulit ang paligid. Sinisigaw nila ang pangalan ko at ramdam ko na ipinagmamalaki nila ako. "Pagbati para sa'yo, Asya. Ang galing mo," sabi ng espiritu kaya napangiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD