Nakatayo na ang ilan sa mga ito at matalim na nakatingin sa kaniya. Marahil ay nainis ang mga ito sa ginawa ni Asyanna. Napuruhan sila sa atakeng iyon. Kaya, tiyak na hindi nila palalampasin ang pagkakataong nag-iisa na lang ang Magium-Azthic young Ladynne "Nag-iisa ka na lang ngayon, bastarda," sabi ng rebelde. "Hindi ako nag-iisa," sagot ni Asyanna at hinimas ang espada. "Bakit? Pinagmamalaki mo iyang espada ni Asilah? Kayang-kaya namin iyang sirain," sabi nito. "Paano kayo nakasisigurong magagawa ninyo iyon?" tanong ni Asyanna. "Hindi lang kami basta rebelde, Asyanna. May paraan kami," pagmamayabang nito. "Hindi lang rin ito basta espada. May basbas ito ng Argon," ani Asyanna. Pero, tinawanan lang siya ng mga rebelde. Kaya, napakunot noo siya. Hindi manlang natakot sa kaniya ang

