MAAGANG nagising si Irish kinabukasan. Pagdilat niya ay ang mahimbing na natutulog na si Brian ang nakagisnan niya. Mahigpit itong nakayakap sa kaniya. Sakop ng mga hita nito ang mga hita niya na para bang ginawa siya nitong unan. Magkadikit ang kanilang mga hubad na katawan kaya halos hindi siya makahinga. Sinubukan niyang kumalas dito pero bigla itong naalimpungatan. "Good morning," matamis na ngiti ang unang sumilay sa mga labi ni Brian. He immediately gave her a kiss on her lips. "I love you too, sweetie." Namula siya sa sinabi nito. Hindi niya matandaang sinabihan niya ito ng 'I love you'. "Maaga pa," sabi pa nito matapos i-check ang oras sa cellphone. "Dito ka muna sa tabi ko." He hugged her again tightly. Bahagya pa itong umusog sa bandang baba at pilyong pinagdikit ang kanilang

