Chapter Twenty One

1689 Words

NAKATAYO si Irish sa tapat ng gate ng kaniyang townhouse unit. Wala siyang dalang susi. Malapit na ang gabi at wala siyang matutuluyan. Kung bakit kasi hindi bag niya ang dinala niya. Kailangan niya tuloy bumalik sa condo ni Brian. Pero ayaw na niyang bumalik pa roon. Hindi niya alam kung bakit may kurot sa kaniyang puso. Hindi pa rin niya malimutan ang sinabi ng babae kanina. Siya, s*x slave? Dinala lang naman siya ni Brian sa condo unit nito, hindi naman sa madahas na paraan. Pero parang ganoon na rin dahil kung umasta ito ay parang pag-aari na siya. Alam niyang kahit tumanggi siya ay hindi siya nito patatahimikin. Tapos sa unang gabi ay inangkin pa siya nito. Bagay na hindi pa rin niya mapaniwalaang nangyari dahil parang napakadali niyang bumigay rito. Na sinabi niya noong hinding-hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD