"GOOD MORNING!" masuyong halik sa mga labi ang gumising sa diwa ni Irish. Ang nakangiting si Brian ang una niyang nasilayan. "Breakfast is ready." Akmang babangon si Irish nang maramdaman niya ang matinding sakit sa kaniyang balakang at hita. Naalala niya ang nangyari kagabi. Nakatulog pala siya nang walang ano mang saplot sa katawan. Inalalayan siyang tumayo ni Brian. Tumambad sa kaniya ang kapiraso ng dugong natuyo sa kobre kama. Patunay na nakuha na nito ang pagkabirhen niya. Ibinalot niya ang kumot sa katawan at sinikap niyang maglakad patungong banyo. Deretso siya ng shower upang linisin ang kaniyang katawan. Sinabon at kinuskos niyang maigi ang mga bahaging hinawakan at hinalikan ni Brian. Hindi niya mawari sa isip kung may pagsisisi ba siya sa nangyari. Nakasuot siya ng roba na

