TULALA si Irish habang nakatanaw sa mga nagliliwanag na building. Nakatayo siya sa harap ng glass window sa kuwarto ng condominium unit ni Brian na nasa ika-thirtieth floor ng gusali. Hindi pa rin siya makapaniwalang napapayag siya nitong sumama. "Isn't it a good spot?" Nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ni Brian at pagyakap nito mula sa kaniyang likuran. Langhap niya ang amoy nitong bagong paligo. Nakasuot ito ng sando at boxer. "It's your turn now," bulong pa nito sa kaniya. Halos magtayuan ang mga balahibo niya sa batok dahil halos idikit nito ang mga labi sa kaniyang punong tainga. Kakaibang pakiramdam ang dulot niyon lalo na nang maramdaman niya ang init ng hininga nito. Inilayo niya ang mukha sa mukha ni Brian. Pinakawalan naman siya nito. Pigil ang hiningang nagtungo si Irish

