NAALIMPUNGATAN si Irish nang maramdaman niya ang pagbagsak ng kaniyang katawan. Nang magmulat siya ay una niyang nasilayan ang kisameng yari sa pawid. Dahan-dahan siyang bumangon upang sipatin kung saang lugar siya naroroon. "Nasa loob na siya boss," narinig niyang sabi ng isang lalaki na nasa labas. Marahan siyang naglakad patungong pinto upang mas marinig ang pag-uusapan ng mga ito. "Good! Dala mo na ba 'yong drugs?" sabi ng isang lalaki na sa palagay niya ay ang tinutukoy na boss ng unang lalaki. Pamilyar ang boses na iyon at hinahagilap niya sa isip kung saan iyon narinig. "Yes, boss! Malakas ang tama niyan. Tiyak na wala siyang maaalala sa nangyari kapag nakarami siya niyan." "Sige. Bantayan n'yo ang buong paligid. Baka may maligaw dito." Narinig niya ang mga yabag na papalapit

