HINDI makatulog si Irish. Kanina pa siya papihit-pihit sa kaniyang higaan. Malapit nang mag-twelve midnight pero gising na gising pa rin ang kaniyang diwa. Bumangon siya at nagbalak magpunta sa banyo. Kinapa niya kung saan niya nailagay ang kaniyang cellphone. Sobrang dilim kasi ng paligid at baka madapa siya sa daan. Ngunit nagulantang siya nang maramdamang may ibang bagay na nakapa ang kaniyang kamay. Wala siyang ideya kung ano iyon pero parang pahaba na medyo matigas. May humawak sa kaniyang kamay na nakasapo sa bagay na iyon. Then biglang nagkaroon ng liwanag na nagmumula sa flashlight ng cellphone. Para siyang binuhusan ng tubig nang mapagtanto kung ano ang hawak niya. "My God, sweetie!" Bumalikwas ng bangon si Brian at hindi pa rin pinakakawalan ang kaniyang kamay. "Why are you

