"Keith. Ano bang sinabi ninyo kay Amber at ayaw niyang pumasok sa school." Inis niyang tanong sa kapatid dahil ayaw ng anak niyang pumasok tapos palagi pa nitong tinatanong kung tapos na ang bakasyon ni Ella.
"Wala, bakit?" Takang tanong naman ng kapatid.
"Iyon nagtatantrums at palagi nitong tinatanong si Ella." Para namang napaisip ang kapatid dahil matagal bago nakasagot sa kanya.
"A.. naalala ko na. Tinanong kasi ni Amber kung pwedeng si Ella nalang ang magbantay sa kanya."
"And?" Inis niyang hintay ang kasunod ng sasabihin pa nito.
"Sabi ni Ella magbabakasyon muna siya pagkatapos non ay babantayan niya si Amber. Diba nga kauuwi nya lang, syempre gusto ding makasama non tao ang pamilya. Nasabi nga sa akin na baka daw pwede namin hiramin si Amber pag nagbakasyon din kami. Niyayaya ko kasi sya sa resort natin” Pagkwekwento nito.
Inis syang napasuklay sa buhok. "Bakit kailangan niyang mangako kung hindi naman niya gagawin." Inis nyang tanong.
"Hey relax bro. One week palang na nagbabakasyon iyong tao."
Mabigat syang napabuga ng hangin. "Sana niliwanag niya kung kailan matatapos ang sinasabi niyang bakasyon para hindi naghihintay sa wala ang anak ko." Bulalas nya.
"Ok. Relax. Pwede ko bang makausap si Amber?" Tanong ng kanyang kapatid.
"Amber. Tito Keith is on the phone. He wants to talk to you." Aniya sa anak na nakasimangot at matalim ang matang tumingin sa kanya at nakacross arms pa.
Kinuha naman nito sa kanya ang cellphone. Pinapakinggan ito ng kanyang anak.
"Kaylan siya babalik dito?"Nakanguso ito habang nakikipag usap. "Ang tagal naman." Reklamo nito sa tito. Hindi niya naririnig kung anong pambibilog na ginagawa ni Keith sa ulo ng anak. "But I want tita Ella." Nagsimula na itong pumalahaw na ito sa iyak kaya lalong napupuyos ang kanyang loob.
Bumalik lang ito sa kwarto nito at nagkulong na ito doon hindi niya ito napilit na pumasok kaya hindi din siya nakapasok sa opisina.
Natigilan siya nang magring ang phone niya at unknown number iyon.
"Hello" Sagot niya sa tawag.
"Emm. Hello. Si Ella to." Pagpapakilala ng nasa kabilang linya. "Tumawag kasi sa akin si Keith, nasabi niya yong tungkol kay Amber." Parang nag-aalangang sabi ng nasa kabilang linya.
Napabuga sya ng hangin. "Sana kasi ay hindi ka nangangako kung hindi mo din naman tutuparin." Sumbat nya. "O kaya binigyan mo man lang sana siya ng specific date kung kaylan ka babalik kung babalik ka pa nga ba. Baka naman abotin na ng taon ang anak kong naghihintay sayo." Matagal na hindi ito nakasagot.
"I’m sorry." bulong nitong sabi sa kanya.
"You should be. Dahil ayaw niyang pumasok sa school at ikaw lang ang hinahanap. Sa susunod na magkrus uli ang landas niyo ng anak ko. Huwag na huwag mo na siyang pangangakohan."Ayaw nyang maging bastos pero pinatayan na niya ito ng cellphone dahil napupuyos ang loob nya.
Kinabukasan ay napilit din niya ang kanyang anak na pumasok. Pero laking gulat nilang mag ama ng pag-uwi nila ng hapon ng madatnan nila ang kanyang kapatid at si Ella na nasa salas at naghihintay sa kanila.
Agad na yumakap ang kanyang anak dito at nagpakarga pa.
"How are you Amber?"Malambing na tanong nito sa kanyang anak at hinalikan pa sa pisngi.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Takang tanong niya sa mga ito. Nakita niyang parang matamlay ang itsura ng dalaga at parang namumutla.
"Ihahatid ko lang ang yaya ng anak mo." Nanunuyang sagot ni Keith sa kanya at parang naiinis.
"Ella alis na rin ako dahil may dinner meeting pa ako. Tawagan kita uli mamaya."Paalam nito dalaga at hinalikan na niya ito sa noo.
"Be nice to her." Babala naman ng kanyang kapatid sa kanya. Saka na ito umalis.
Hindi agad sya tuminag. Nagtama ang mata nila ni Ella pero agad din itong nag iwas.
Napabuga sya ng hangin.
"Aling Lucing." Tawag niya sa isa niyang katulong.
"Bakit po sir?" Humahangos ang matanda.
"Paki samahan po muna si Amber sa taas at kakausapin ko po muna si Miss Almuete." Utos niya sa matanda.
"Amber. Sama ka muna kay Aling Lucing at kakausapin ko muna si tita Ella mo. Okey." Sabi niya sa anak na ayaw pang iwan ng anak ang dalaga.
"Go Amber. Hindi ako aalis." Pangungumbinsi ng dalaga dahil iniilingan lang sya ng anak na nakanguso.
"Follow me Miss Almuete." Formal naman niyang sabi sa dalaga. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito pero hindi nalang niya pinansin. Bumaba ang mata nya sa bitbit nitong bag.
Tihimik lang itong sumunod ng pumasok siya sa office niya. Tinanggal niya ang kanyang suit at isinabit niya iyon saka niya niluwagan ang kanyang necktie at tuluyang inalis dahil para syang sinasakal at nagbukas sya ng tatlong botones ng kanyang longsleeve. Habang sinusundan lang sya ng tingin ng dalaga.
"Take a sit Miss Almuete." Turo nya sa upoang nasa harapan ng kanyang table.
Mataman nyang pinag aralan ang mukha nito habang ito naman ay hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya. "So. Pwede ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo ngayon sa bahay ko? Ang alam ko ay nasa bakasyon ka pa." seryoso nyang tanong.
May lungkot itong tumingin sa mga mata nya. "G-gusto kong tuparin ang pangako ko."
Mabigat syang bumuga ng hangin. “Sa tingin ko, hindi na kailangan. Baka mas mapalapit siya ng husto sayo tapos iiwan mo din siya mas lalo siyang mahihirapan." Sabi ni Ron sa dalaga. Kitang kita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito pero ipinawalang bahala niya.
"Ron. Alam kung galit ka sa akin. I’m sorry." Kitang kita nya ang pangingilid ng luha nito.
Pinatigas nya ang anyo. "Ano ang tinutukoy mo, iyong nangyari six years ago? Come on. Six years na iyon sobrang tagal na. Nakalimutan ko na nga e." Pero deep inside ay sariwa pa sa kanyang puso at isipan.
Nakita nya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito pero pilit na ngumiti habang kumikislap ang luha sa gilid ng mata. "Wala nadin palang kwenta na bumalik ako dahil sabi mo nga anim na taon na ang nakakaraan at nakalimutan mo na. Sorry ha kung nagulo ko kayong mag-ama." Tumayo at dinampot ang bag saka lumabas. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Matagal siyang nakatunganga lang sa pintong nilabasan ng dalaga.
Nagulat nalang siya ng kumulog ng malakas kaya napatayo siya at hinawi ang kurtina at tumanaw sa labas. Naalala niya ang dalaga kaya agad siyang lumabas para hanapin ito.
"Nasaan si Ella?" Tanong niya sa isang kasambahay niya.
"Iyong magandang babae sir? Wala na ho."Sagot ng kasambahay.
"Anong ibig mong sabihin na wala na?" Gilit nyang sigaw.
Nataranta ito "N-nakaalis na po. Nagmamadali e. Umiiyak po." Sabi nito sa kanya kaya agad siyang kumuha ng payong ay dali daling lumabas.
"Guard nasan na iyong babae." Tanong niya sa guard na nagbabantay sa gate nila.
"Umalis na sir. Pinipigilan nga namin dahil malakas na ang ulan pero hindi kami pinansin tumakbo nga e papunta doon."Turo nito kung saan dumaan ang dalaga. Tinatawagan niya ito pero hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Malakas ang ulan at hangin kaya paniguradong mahihirapan iyong sumakay.
"Manong akin na nga iyong susi ng motor." Pagmamadali nyang utos dito. Agad naman nitong inabot iyon at agad nitong binuksan ang gate. Kahit malakas ang ang ulan ay binagtas parin niya ang daan kung saan dumaan ang dalaga.
Hanggang sa marating niya ang isang maliit na waiting shed at nakita niya ang dalagang nakayukyuk ang ulo sa bag nitong dala. Hindi nito alintana kahit nababasa din ng ulan. Nakaupo lang ito doon. May awa siyang naramdaman dito. Kaya lihim niyang pinagalitan ang sarili.
Pinagilid nya ang motor bago ito nilapitan niya ito. "Ella." Mahina niyang tawag pero hindi siya pinansin.
"Ella." Tawag niya uli. Tiningala sya.
"Bakit ka nandito?" Tanong nito at iniwas ang tingin sa kanya.
"Alam mong malakas ang ulan pero umalis ka parin." Sermon niya.
"Alam mo palang malakas ang ulan e. Bat nandito ka sa labas?"Pamimilosopo din nitong tanong sa kanya.
"Kargo kita dahil hinatid ka sa bahay ni Keith." Pilit syang nagpapakahinahon.
Nakita niya ang pagguhit ng mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
"Basang basa kana kaya tara na." Aya niya.
"Huwag na. Natawagan ko na si Keith. Maya maya nandito na iyon." Pagmamatigas nito pero lalo syang nainis. Sya na ang nandoon pero kaptid parin nya ang gusto nitong makasama.
"No. Sa akin ka sasama at kung ayaw mo ay mapipilitan akong buhatin ka kaya sumama ka ng maayos." Banta niya dito.
Inis itong tumayo. "Ano ba. Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko. Sabi ko may susundo na sa akin." Pansin nyang nanginginig ito kaya lihim syang napamura. Kaya naman walang babala niyang isinampa ito sa kanyang balikat at ipinunta kung nasaan ang motor niya.
"Wag kang magalaw. Ibabagsak kita." Banta niya dito dahil panay ang hampas nito sa likod niya. Ibinaba niya ito sa motor niya at saka nito binalikan ang bag nitong nahulog.
Sumakay na siya sa motor at pinihit ang susi. "Sakay" utos niya sa dalagang hindi tumitinag at masama ang tingin sa kanya. Inilagay niya ang bag nito sa kanyang harapan.
Nakipaglaban pa ng tingin sa kanya pero wala ding magawa kundi ang sumakay . Padaskul na sumakay ito sa likoran nya at walang balak na humawak sa kanya kaya siya na ang kumuha ng mga kamay nito at iniyakap niya iyon sa kanyang baywang. "Kumapit ka kung ayaw mong magkalasog lasog ang katawan mo."Aniya. Sinigurado muna nyang maayos ito saka niya pinatakbo ang kanyang motor. Nang nasa kalagitnaan na sila ay inalis nito ang kamay sa pagkakayakap sa kanya kaya binagalan niya ang pagpapatakbo niya. Isinubsob nito ang mukha sa likod niya at mas Idinikit ang katawan. Ramdam niya na mainit ito at nanginginig.
" F**k!" Mariin niyang mura.
Inalalayan nya lang ang pagpapatakbo dahil baka mahulog ang dalaga. Agad naman silang pinagbuksan ng guard ng makita sila.
Inalalayan nya munang makababa ang dalaga bago siya bumaba pero halos hindi pa siya nakakababa ay bigla nalang itong natumba at nawalan ng malay.
"F**k!" Mura niya dahil hindi niya agad nasalo ang dalagang nakahandusay na sa sahig.
Agad naman silang dinaluhang ng guard na nakakita sa kanila.
"Ella, Ella" tawag niya dito at tinapik tapik sa pisngi pero sobrang init nito kaya binuhat niya agad ito at pinasok.
"Hay maryosep...anong nangyari diyan." Tarantang sumalubong naman si Aling Lucing.
"Sundan niyo po ako sa kwarto." Mando niya dito. Agad niyang pinasok sa loob ng banyo ang dalaga at ibinaba niya sa loob ng bathtub na nandoon saka niya tinimpla ang ang tubig ng shower. Medyo mainit iyon. Agad niyang itinutok dito para mainitan ng kunti ang katawan nito. Pagkatapos ay tinawag niya ang matanda para mabihisan ang dalaga na mukhang nagkakamalay na.
"Manang halika. Kunin ninyo po yong tuwalya at yong roba." Utos niya sa matandang babae na agad naman tumalima. Pinatanggal niya dito ang damit ng dalaga at pinapunasan saka pinasuot ang roba.
Habang binibihisan ito ng matanda ay mabilis na din siyang nagbihis saka niya binalikan ang mga ito ng matapos na.
Binuhat niya uli ang dalaga at pinahiga sa kanyang kama. Agad niya itong binalot ng comforter dahil nanginginig na naman ito sa lamig.
Mainit na mainit ito kaya nilagyan niya ng basang bimpo ang noo nito at saka niya ibinlower ang buhok nito dahil basang basa.
Nagulat siya ang magring ang kanyang phone. Si Keith iyon.
"Hello kuya. Kumusta na si Ella?" Tanong nito. Hindi niya agad ito nasagot dahil kumilos ang dalaga.
"Hindi naba siya nilalagnat?" Tanong nito. Kaya nagtaka siya dahil alam nitong nilalagnat ang dalaga.
"Paki silip mo naman siya kuya. May lagnat na kasi siya kanina bago ko siya inihatid diyan e." Pag aalala ng kapatid.
"Sige ako ng bahala sa kanya." Sagot nalang ni Ron sa kapatid.