Tahimik lang na nakaupo sa passenger seat si Ella habang pabiyahe na sila paluwas sa manila. Madaling araw din silang umalis doon sa bahay niya. Hinatid nalang ito ng kuya nito gamit ang motor dahil isinakay na din niya ang mga bagahe ng dalaga bago siya umuwi sa bahay niya galing doon kahapon.
"So, you’re leaving without saying goodbye to me?" Kompronta nya sa dalaga. Hindi ito umimik.
Mabigat syang napabuntong hininga.
“May problema ba? May nagawa ba ako?” Tanong nya na maitago ang sama ng loob.
"Galit kaba sa akin?"
"H-hindi. B-bat naman ako magagalit?" Nauutal nitong sagot.
"Then bakit aalis kang hindi nagpapaalam?" Inis nyang tanong. Pero wala siyang nakuhang sagot kaya itinabi niya ang kanyang sasakyan.
Ilang sandali silang tahimik. Pinuno muna nya ng hangin ang dibdib "Kung hindi pa ako tinawagan ni Keith hindi ko pa malalaman." Sumbat nya pero nanatili parin itong walang imik.
Hinarap nya ito at pinakatitigan. "Ano ba talaga ako sayo Ella?" Mahina nyang tanong. "Am I nothing to you?"
"H-hindi naman sa ganon. Hindi lang ako makahanap ng magandang tyempo at h-hindi ko alam ang sasabihin ko." Nanginginig ang boses nitong sagot sa kanya.
"What a bullshit alibi is that Ella?Nandiyan lang ang cellphone mo oh. You have my number and you can call me anytime you want. Asa sayo lahat ng pagkakataon para masabi sa akin. Kahit sabihin mo lang na 'hoy! aalis ako!' Magpapasalamat na ako kasi kahit papaano alam kung umalis ka. Hindi naman kita pipigilan e." Masakit sa kanya na aalis ito pero maiintindihan naman nya. Basta alam nya kung nasaan ito, maayos ba ang kalagayan. Hindi iyong iiwan sya sa ere.
"S-sorry. N-nahihirapan na din ako eh" nakita nya ang pagbagsak ng luha sa pisngi nito. Para siyang sinikmuraan ng sinalubong nito ang titig nya. Pinaghalong takot at sakit ang nakikita nya doon.
"What do you mean?” Nahihirapan saan.
Napahikbi ito. "A-ang sakit dito.” Turo nito sa dibdib. “Oo. alam kung may dahilan kayo ng asawa mo kung bakit kayo nasa sitwasyon ninyo ngayon. Pero Ron kasal parin kayo sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Pakiramdam ko, nagkakasala ako tuwing kakausapin kita o kaya kahit tignan ka man lang. pakiramdam ko napakaimoral kong tao."
Ikinabigla nya ang mga sinabi ng dalaga. Hindi niya alam na ganon pala ang nararamdaman nito.
“Huwag mong isiping wala ka lang sa akin. Dahil hindi mo lang alam kung ano ka sa akin. Gustong gusto kitang makasama. Tulad mo, hinintay ko din ang mga ganitong pagkakataon na makasama ka, mapalapit sayo. Pero gaya nga ng sabi mo, Hindi kana malaya." Punong puno iyon ng lungkot at sakit kaya ginagap nya ang isa nitong palad.
Madamdamin syang hinaplos ng dalaga sa mukha. "Aalis ako hindi lang para sa akin kundi para rin sayo." Sabi nito kaya hinawakan naman niya ang kamay nitong nasa mukha niya. "ayaw kong makagawa tayo ng pagkakasala. Natatakot ako dahil hindi ko din sigurado sa sarili ko kung makakapagpigil din ako sa nararamdaman ko sayo. Dahil habang tumatagal mas lalo kitang m-minamahal." Tuloy tuloy ang luhang tumulo sa mga mata nito.
Nangilid din ang kanyang luha. Masakit na pakawalan ito pero alam nyang hindi na sya makakabuti dito "Hihintayin ko ang pagbabalik mo, sana mahal mo parin ako pag dating ng araw na iyon."
Pinilit nitong ngumiti kahit natulo ang luha. "Oo naman. Ikaw lang ang mamahalin ko. Pangako." Pangako nito at ito na mismo ang humalik sa kanya.
*. *. *
6 years later
"Daddy can we buy ice cream?" Malambing na tanong ng anak sa kanya na ngayon ay five years old na. Sinundo niya ito sa isang private school kung saan ito nag-aaral.
Siya na ang tumayong ama at ina nito dahil namatay ang ina nito noong ipinanganak ito. hindi kinaya ni Kimberly ang panganganak kaya binawian ito ng buhay. Hanggang ngayon ay lihim parin ang pagkatao ng kanyang anak. Inako niya ito na parang totoo niyang anak. Hands on din siya kaya danas niya ang hirap ng pagiging single parents. Walang nagtatagal na yaya nito dahil salbahe ito at masungit pero napakalambing naman nito sa kanila.
"Okey baby, but you need to eat your meal first, okey." Napangiti siya ng paghahalikan siya nito sa pisngi at niyakap pa ng mahigpit.
"So, how's school today?" Tanong niya dito.
"I've got a lot of star." Masaya nitong balita at halos iduldul sa kanyang mukha ang star nito.
"No AWAY today?" Paninigurado nya. Palagi kasi itong napapaaway. Parang hindi babae kung kumilos.
"No dad." Sabi naman nito kaya napangiti siya dahil bihira lang ang araw na hindi ito makipag-away.
"Very good."Natutuwa nyang puri. "And because of that you have a price from me."
"Yeeeeyyyy!!! Tomorrow too, dad. I will not make AWAY to my classmate." Sabi pa nito kaya napangiwi siya. Nanlaki ang mata nito "Ah..Tomorrow is saturday!" Bulalas nito ng maalalang wala silang pasok bukas. "Then on monday I will not make away to my classmate." Pangako nito na hindi niya mapigilang matawa.
"Anak. Hindi lang ngayon o bukas o sa monday pa. Diba sabi ko sayo bad ang nakikipag-away." Mahinahon niyang paliwanag.
"Okey dad. I love you." Sabi nito na parang wala lang ang kanyang sinabi. Kaya napailing nalang siya.
"Daddy. Can we go to mommy 'la now?" Lambing uli ng anak. Isang linggo na kasi silang hindi nakakadalaw sa mga ito.
"Tomorrow baby, we will visit them." Promise naman niya. "But promise me baby. You'll behave, okey." Sabi niya dito. Marami kasing kalokohan ang kanyang anak, lalong lalo na sa mga kasambahay. Nitong nakaraan na dalaw nila ay hinaluan nito ng napakaraming asin ang mga niluluto ng mga ito. Mayroon pang naglagay ng buhangin sa plastic at binutasan nito iyon saka pumasok sa loob ng bahay.
"Okey dad, Promise." Sagot naman nito pero duda siya.
"Mommy 'la..." Matinis na sigaw ng kanyang anak ng makababa na ito sa sasakyan. Hindi na siya nito hinintay kaya napailing nalang siya.
"Oh Amber. My beautiful baby." Masayang sinalubong ng kanyang ina ng yakap ang kanyang anak.
"I miss you very much mommy 'la." Mahigpit na yumakap sa leeg ng kanyang ina.
"Who's that lady mommy 'la?" Tanong nito sa itinuro kung nasaan ang sinasabi nito.
Napaawang ang kanyang labi dahil nakita niya si Ellang pababa sa hagdan. Naka short ito at naka longsleeve ng white. Ang mahaba nitong buhok ay maiksi na sa bandang harap na umabot hanggang balikat lang pero tingin niya mahaba parin sa likod at may kulay na din na laong nagpatingkad ng kaputian nito. Lalo itong gumanda. Mamumula mula ang pisngi nito at mapupula ang mga labi na parang nakalipstick palagi.
After six years. Ganon parin ang epekto ng dalaga sa kanya. Malakas parin ang kabog ng dibdib niya.Mula ng umalis ito ay wala nadin siya contact dito kaya ipinagpalagay nalang niya na baka nakalimutan na siya ng dalaga. Siguro hindi ganon kalalim ang nararamdaman niya sa akin. Sabi nalang niya sa sarili.
"It's tita Ella, Amber." Narinig niyang sabi ng kanyang ina. Nakapako din sa kanya ang tingin ng dalaga. Kaya siya nalang ang nag-iwas ng tingin.
"Hello hija, kumusta ang tulog mo?" Tanong ng kanyang ina sa dalaga. Nagtataka siya bakit nandoon ang babae sa bahay nila. 'Kaylan pa kaya siya dumating?' Lihim niyang tanong sa sarili.
"Okey lang tita." Kimi nitong sagot.
"Ella, ito pala ang anak nila Kim at Ron. Si Amber." Pakilala nito sa dalawa.
"Hello Amber. I’m tita Ella. Can I hug you baby?" Tanong nito sa anak niya. Tumango naman ang bata kaya niyakap ito ng dalaga. "Ang laki muna. Parang kailan lang nasa loob kapa ng tummy ng mommy mo." Sabi pa nito at hinaplos ang buhok ng bata.
"Kilala mo si Mommy ko?"Nanlaki ang mata ng anak.
"Yes baby." Nakangiti nitong sagot.
"Galing ka din po sa heaven?" Nagulat sila sa tanong nito.
"No baby." Magiliw paring nakikipag usap sa kanyang anak.
"Akala ko po galing kayo sa heaven kasi para po kayong angel. Ang ganda niyo po." Sabi naman ni Amber sa dalaga.
"Kahit naman ikaw e. Maganda."Puri din ni Ella sa anak niya.
"H-hi" baling ng dalaga kay Ron.
"Hello" seryoso namang bati ni Ron sa dalaga. "Ma. Alis na po ako. Iiwan ko muna si Amber. Daanan ko nalang siya mamayang hapon." Paalam niya sa kanyang ina. Actually, he have a plan to spend more time to his family this day. Pero parang hindi niya kayang umaktong normal sa harap ng dalaga.
"Hindi kaba magestay dito ngayon?" Tanong ng kanyang ina.
"May lakad ako ma e." Sagot niya at nagkunyari nalang na nagmamadali. Humalik na siya dito at hinalikan naman niya sa noo ang kanyang anak.
"Baby behave ha." Bilin naman niya sa kanyang anak. Saka niya tinanguan ang dalagang nakatingin lang sa kanya. Saka na siya umalis sa bahay ng mga magulang.
Wala naman siyang gagawin kaya umuwi nalang uli siya sa bahay niya.
Nakasunod lang ng tingin si Ella sa lalaking nakatalikod na paalis. May naramdaman siyang kirot sa kanyang puso dahil parang wala nalang siya sa lalaki. 'What do you expect?' Kutya nya sa sarili. Sa loob ng anim na taon ay hindi niya ito kinontak kahit minsan. Pero nakikibalita naman siya kay Keith tungkol dito.
"Uuwi kana ba mamaya sa bahay ninyo Ella?" Tanong Ng tita Inna niya sa kanya.
"Opo tita. Pag kagising po ni Keith. Sabi ko nga po huwag na niya akong ihatid e. Mapilit naman po siya." Sagot niya kay Tita Inna niya.
"Alam mo naman iyong batang iyon pagdating sayo. Buti nga hanggang ngayon ay magkaibigan parin kayo."
Napangiti sya. "Si Keith po siguro iyong hindi ko po siguro basta basta bibitawan. Matagal na po kaming magkakilala at mahal na mahal ko po siya." Sabi niya. Marami na kasing nagdaan sa buhay nila ni Keith pero matatag parin ang pagkakaibigan nila.
"Aha.. kaya nga sabi ko sayo pakasalan mo na ako e." Sabi naman ni Keith na nasa likuran na pala niya.
"Haha... darating din tayo dyan."
"Gurlpend mo siya tito Keith?" Nabulol na tanong ni Amber sa tito niya.
"Hindi ko siya type baby." Sabi naman ni Keith sa pamangkin at kinandong ito.
"Bakit ang aga eh nandito ka?" Kiniliti nito ang bata.
"Iniwan ng ama may pupuntahan daw." Sabi naman ng ina nito.
"Let me guess.. wala ka na namang yaya noh?" Kunyari at pinaningkitan ni Keith ng mata ang bata.
"Yes po. Umalis po si yaya. Pagod daw po kasi." Inosenteng sagot nito.
"Palagi nalang pagod ang mga yaya mo ha."
"Pag po kasing beauty po ni tita Ella ang yaya ko hindi ko po papagorin." Cute na ngumiti ito saka pumunta sa kanya at nagpakandong.
"Gusto nyo pong kayo nalang magbantay po sa akin tita Ella?" Tanong ng bata sa kanya.
Natawa si Keith at mama nito"Hoy mahiya ka naman. Gagawin mo pang yaya si tita mo e." Saway naman ni tita Inna.
Pero napangiti sya ."Gusto mo bang ako ang magbantay sayo?" Tanong niya sa bata.
"Opo. Gustong gusto po. Pareho po kasi tayong maganda." Sabi naman ni Amber kaya natawa siya.
"Okey, Magbabakasyon lang si tita tapos, after non. Ako ang magbabantay sayo." Pangako nya. Niyaya din kasi siya ni Keith magbakasyon. Malay mo, mahiram nila si Amber. Tuwang tuwa ito at tumalon talon pa.
"Ay naku lagot ka dyan. Hindi nakakalimut ng pangako yan."Pananakot ni Keith habang napapailing.