Jealous

2346 Words
Maaga siyang gumising kagaya ng pangako niya sa dalaga. Bago siya bumangon ay pinagmasdan muna niya ito habang tulog. Nakaunan ito sa kanyang braso. 'It's feel’s good waking up with you beside me babe.' Bulong niya saka hinalikan ito sa noo. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa kanya at sa ulo nitong nakaunan sa braso niya. Lumabas na siya para ihanda ang kanilang breakfast. Hinahalo na niya ang sinangag na kanyang niluluto ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya ang dalagang tahimik na nakamasid. Kimi itong ngumiti. katatapos lang yatang maligo dahil amoy niya sa hangin ang kanyang shampoo. Ito din kasi ang ginamit nito kagabi. Napangiti sya ng bumaba ang mata nya sa mga legs nito na nakalitaw. Naka short lang ito ng maiksi kaya litaw na litaw ang mahahaba at mapuputi nitong binti at nakaV-neck t-shirt na medyo maluwang pero lumilitaw parin ang angking kasiksihan. Kaya hindi niya maitago ang paghanga sa kanyang mga mata. . "Ehemm." Tikhim niya at ibinalik ang mata sa mukha nitong nangungulay kamates dahil sa paninitig nya. Alam nyang naiilang parin ito sa kanya. Hindi nya pagsasawaang pagmasdan ito pero baka matakot. Isipin pang m******s sya. "Gusto mo ng kape?" "Emm.. ako nalang ang magtetimpla ng kape ko." Ito na ang lumapit sa may coffe maker. "I-ikaw nagkape kana?" Tanong nito na hindi sya tinatapunan ng tingin. Napangiti sya. "Hindi pa e. Pwedeng paki damay mo na din ang kape ko."Paglalambing nya. Tahimik nya itong pinagmasdan habang inihahanda nito ang kape nila. "Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya para sana alisin awkward na pakiramdam nito sa kanya pero nabigla yata sa tanong niya dahil nabitawan nito ang kutsarang hawak nito at parang nataranta. Lulong lumawak ang ngiti nya dahil ang cute nito sa paningin nya. "Hey. Okey ka lang?” Natatawa nyang tanong dahil alam na niyang hindi ito kumportable sa kanyang tanong. Inirapan sya saka napasimangot kaya mahina syang natawa. Gusto pa sana nya itong tuksuhin pero dumating na si Kim. "O, ang aga naman ninyong nagising? Akala ko mamaya pa kayo bababa" bungad nito. "A. Good morning ate." Nahihiyang bati naman ni Ellas. “Kape po?” Alok pa pero inilingan lang ni Kim. Gatas kasi ang iniinom nito kaya sya na ang naghanda. "Kumusta ang tulog mo Ella? Nakatulog kaba ng maayos?" Nanunuksong tanong ni Kim na kumindat pa sa kanya. Pakana kasi nito ang pagpapatulog sa dalaga sa kwarto nya. Ang akala nya ay sa guest room ito matutulog kaya laking gulat nya kagabi ng madatnan ito nahimbing sa kama nya. Kung alam lang sana nya ay hindi na sya uminom at inagahan pa nya ang umakyat. "A. O-oho naman ate." Nauutal na sagot nito na hindi makatingin ng deretso. "Akala ko hindi na kayo natulog eh. Ang aga ninyo kasing nagising." Tukso pa nsa kanila. "Ang ganda ng ngiti natin honey a."Puna pa nito sa kanya. Napailing sya pero kuntudo ang ngiti "Kim. Stop it." saway nya. Malakas ito tumawa sabay taas ng kamay. “Okey.. nagbibiro lang eh. Ginanahan syang magluto. Hindi maiwasang ni Ella ang mapangiti habang pinapanood si Ron na nagluluto. Ayaw kasi nitong patulung kaya pinanood nalang nila. Ang gwapo nito sa suot nitong apron na may mga bulaklak pang design. Ang liksing kumilos. Ang lapad ng likod nito. At kitang kita ang mga muscle nito sa braso. "Ella baka matunaw niyan si Ron ha." Ayan na naman ang biro ni Kimberly sa kanya kaya hindi nya maiwasang pamulahan ng pisngi. "Huwag mo ng tuksohin si Ella Kim." Saway naman ni Ron sa asawa. "Okey lang na titigan mo ako babe." Baling naman nito sa kanya at saka siya kinindatan, kaya lalong umakyat yata ang dugo nya sa kanyang pisngi. "Wow ang ganda ng view dito sa kusina a." Bungad ni Alex na nakatingin sa kanya. Nakatayo parin kasi sya malapit sa lababo at nakasandal siya doon habang nagkakape. "Tsk!" palatak ni Ron. "Possessive lang bro." Natawang buska nito sa kaibigan. "Gusto nyo po nang kape?" Nakangiting alok kay Alex. "O sige, please. Para naman matikman ko ang timpla mo ng kape." Kindat nito sa kanya. Ipinagtimpla niya ito. “Ganado sa pagluluto ha. May insperasyon.” Parinig pa nito. Natawa si Kim habang haplos haplos ang tyan. “Napuna ko nga rin.” Pagsakay pa nito kay Alex. “Tsk.. ingit lang kayo.” Natatawa at halatang hindi affected ang isa. “Kaya pala halos ayaw ng lumuwas.” Natawa si Ron. “Gago, busy lang din ako.” Maingat nyang inilapag ang kape ni Alex sa harapan nito. “Salamat.” "Emmm.. pwede kanang mag-asawa Ella. Masarap kanang magtimpla ng kape e." Biro nito ng matikman ang kapeng tinimpla niya. "Hehe... " sagot nalang nya. "Babalik ka pa ba ng manila o dito kana maglalagi sa inyo?" Tanong ulit ni Alex . "Hindi ko pa po alam e. Pero baka po." Magulo niyang sagot. "Ang galang mo naman masyado. Alex nalang ang itawag mo sa akin." Napangiti sya "Tawagin ko nalang po kayong kuya. Naiilang po kasi ako e." Mahiyain nyang sabi. Naiilang kasi sa mga ito. Parang ang dami dami ng alam sa kanya samantalang ngayon lang naman sila nagkakaharap. "O sige. If you call me kuya,then, kuya din dapat itawag mo kay Ron." Nakangisi nitong sabi sa kanya. "F**k you asshole." Mura naman ni Ron sa kaibigan saka pa ito binato ng basahan na ikinahalakhak naman ni Kimberly. "Ang aga naman ninyong nagmumurahan." Gising na ang limang kapapasok lang sa kusina. "Good morning sweetheart. Ang sexy mo ngayon ha." Bati ni Keith na pinasadahan pa talaga sya ng tingin bago lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Lihim siyang napatingin kay Ron. Nakita nitong napatiim bagan ito. Inilagay pa ni Keith ang braso sa likod nya at ang kamay ay nasa bandang baywang saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat. Para sa kanila ni Keith ay normal nalang nilang ginagawa iyon. "'La. Pahingi naman ako ng kape." Lambing nito kaya inabot nya ang sariling tasa. Inabot naman nito iyon saka humigot. "Anong klaseng kape naman iyan. Ang lamig na." Reklamo pa. "Tsk! Magtempla ka kaya." Pahagyan nya itong siniko saka itinulak palayo dahil para na itong kakaining buhay ng kapatid. Naaaliw namang nakatingin lang sa kanila ang anim na nakaupo na sa lamesa. "O sige. Ipagtimpla kita uli ng kape." Bumitaw na sa kanya. "Nagkape na siya." Seryosong sabi ni Ron kay Keith. Pero parang baliwalanlang iyon sa kaibigan. "Matakaw ito sa kape kulang sa kanya ang isang baso." Sagot naman nito sa kapatid. "Hindi maganda sa katawan ang sobra sa kape Keith." Halatang inis na si Ron. Kinabahan tuloy sya. "Hayaan mo na tol. Hiyang naman niya e." Nakangising giit naman nito sa kapatid. Madilim ang mukha ni Rom habang ipinagpatuloy pagluluto. "Kami nalang ang ipagtimpla mo Keith." Sabad naman ni Macky dahil nakita nitong naiinis na ang panganay nila. Which is ngayon nya lang ito nakitang nagseselos. "Ang dami nyo e." Reklamo naman ng bunso nilang manhid at isinandal pa talaga ulit ang baba sa balikat niya! "Tulungan nalang kita." Presinta nya saka umatras ng kaunti para makalayo sya dito. "Maupo kana Ella pabayaan mo siya diyan." May igting na utos ni Ron na madilim parin ang mukha. Hindi nya alam kung papaano nila nairaos ang agahan ng hindi nababangasan ang kanyang kaibigan. Tumuloy na silang lahat sa sapa. Nandoon na ang kuya Bryan niya at ang asawa nito. Naging masaya ang araw nilang lahat pwera nalang kay Ron na patay na patay sa sobrang selos sa kapatid. Hindi naman nya maiwasan ang kaibigan dahil nasanay din siyang sweet ito sa kanya. Day’s and month’s past. Umuwi na din sila ni Kimberly sa manila dahil eight months na ang tiyan nito. Sa manila kasi ito manganganak at hiniling nito na kung pwede ay sa bahay nila ito mamalagi. And he have no choice kundi ang sumama dito dahil mag-asawa sila. "Kim. I want to visit the farm tomorrow. I'll stay there maybe two to three day's. Is it ok with you?" Paalam niya sa babae. Tumawa naman si Kimberly. "Are you sure na farm ang bibisitahin mo ha." Tukso naman nito. Napangiti naman siya. Naging open sila ni Kim lalong lalo na ang tungkol kay Ella. Parang ito pa ang gumawa ng paraan para maintindihan siya ng dalaga. Pero halatang iniwasan na siya nito. pero naiintindihan naman niya na hindi muna sila pwedeng maging malapit sa isa't isa. Nagkasya nalang siyang makita ito sa malayo. "May problema kasi sa farm kaya bibisita ako, syempre para makita na din siya pero alam mo namang iniiwasan na nya ako." Napanguso si Kim. Alam nyang naguguilty ito pero palagi naman nyang sinasabi na darating din ang tamang time nilang dalawa ni Ella. "Magmomotor kaba?" Umiling sya. "No. Gagamitin ko ang ranger ko." Nakahinga naman ito ng maluwag. "Okey. take care. Magpahinga kana para maaga kang makabiyahe. Ako nalang magsasabi kila dad.". "Salamat, goodnight." Aniya at hinalikan na niya ito sa noo. Magkasama sila sa kwarto pero hindi sila magkatabing natutulog. Dahil sa sofa bed siya. Hanggang nagyon ay hindi parin malinaw ang pagpapaimbistiga nya sa nangyari dito. Kinabukasan ay maaga siyang gumising para makabiyahe siya ng maaga. Tumawag kasi si Bryan na may problema daw ang kanilang mga alaga at parang kailangan ng mag ito ng injection kaya gusto niyang makita ng personal ang mga iyon. Karamihan pa naman ng baka niya ay mga buntis. Tanaw na niya iyong bahay niya ng may natanggap siyang tawag mula kay Keith. "O napatawag ka." Bungad niya dito. "Papunta ka daw ngayon sa farm mo?" Tanong ng kanyang kapatid. "Oo, malapit na ako sa bahay." Nakakataka nyang sagot. "Kailan ka babalik dito sa manila?" Tanong uli nito kaya napakunot siya ng noo. "Bukas o sa isang araw siguro." "Pwedeng bukas ka bumalik dito. Sunduin mo si Ella sa kanila at isabay mo siyang pumunta dito." Sabi ni Keith. "Bakit saan siya pupunta?" Takang tanong niya. Bumuntong hininga ito. "Flight na niya kasi sa susunod na araw at ako ang maghahatid sa kanya sa airport. Dapat susunduin ko siya kaya lang nandiyan kana naman na eh. Paki nalang tol may meeting kasi ako ngayon. Ayaw ko namang magcommute sya sa pagluwas ." Paliwanag naman ni Keith. Kumunot ang kanyang noo. "Anong flight? Saan naman siya pupunta?” "Tinanggap niya ang offer ng kaibigan niya sa Canada. Sige bro.Magsisimula na ang meeting." Nagmamadali nitong paalam. Humigpit ang hawak sya sa manobela kasabay ng pag igting ng kanyang pangan. Mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at bahagyang namula ang kanyang mukha. “Tang*na!” Mahina pa nyang mura. Mag aabroad na pala ito pero hindi man lang nito nabanggit sa kanya. Imbis na tumuloy siya sa bahay niya ay dumiretso nalang siya sa bahay ng mga ito. Mahirap ang daan pero kaya ng pasokin ng sasakyan, kawawa nga lang. "O boss. Buti at dinala mo ang sasakyan mo." Bakas ang gulat sa mukha ni Bryan ng salubungin siya nito. "Oo. Tinatamad na akong maglakad e." Aniya habang iniaabot ang grocery na binili nya para sa mga ito. "Nag abala kapa, halika tuloy ka ang aga mo. Siguradong hindi kapa kumakain." Anyaya nito na nagpatiuna na bibit ang dalawang malaking plastik bag ng grocery. Sumunod na siya dito sakto namang lumabas ang dalaga sa bahay ng mga ito at nagulat ito ng makita siya. Pero ng makabawi ay tumakbo ulit at pumasok sa bahay nila kaya kumunot ang kanyang noo. "Bianca. Ipaghanda mo nga ng makakain si boss." Utos ni Bryan sa asawa. Lumabas si Bianca"Ikaw pala boss pasok ka." Bati ni Bianca habang pinupunasan ang basang kamay. Naghuhugas siguro ng dumating sya. Umupo sya sa papag "Dito nalang sa lilim ng mangga." Nginitian nya ito. Naghain na ito ng pagkain sa papag na kawaya kung saan sya nakaupo kaya lumipat sya sa mahabang upuan. Tabla iyon na nilagyan ng paa. "Saglit lang at may nakita akong kakanin diyan kila nanay kanina." Paalam uli nito at pumasok na sa kabilang bahay. Hanggang sa lumabas ang dalagang may dala dalang kakanin na nasa platong may sapin pa na dahon ng saging. "M-magandang umaga po. Pinapalabas ni Ate." Nauutal na bati sa kanya at hindi makatingin ng deretso. Inalis nya ang sunglasses at pilit na hinuhuli ang mga mata nito pero tudo iwas iyon. "Kain tayo." Yaya niya dito na pilit hinuhuli ang tingin nito. "Hindi kapa yata kumakain Elling. Sabayan mo na si boss..” Ani Bianca na kalalabas lang dala ang thermos. "Ha, e. Sumubo na ako kanina ate eh." Halatang nagdadahilan lang ito. Sa maiksing panahon nya itong nakasama ay kilala na nya ito. "Tsk, subayan mo ng kumain para hindi naman mailang si boss na mag isang kumakain.” Utos naman ni Bryan sa kapatid. Inabotan nya ito ng plato. "Sabayan mo ako." Mariin nya itong tinitigan. Naiinis na siya dahil sa pag iwas nito sa kanya. Wala na itong magawa kundi abotin iyon. Imusog sya para makaupo ito sa tabi nya. Nagpaalam si Bryan para ituloy ang naantalang pagpapakain ng manok nito at itinuloy ni Bianca naman ang paghuhugas daw ng pinggan kaya naiwan sya kay Ella. Tahimik sila, siya na din ang naglagay ng pagkain sa plato nito at ulam. “Tama na.” Pigil nito ng magdadagdag pa sya. Mabigat syang bumuntong hininga. Pinipigil ang sariling tanongin ito. Tahimik silang kumain. “Ihanda mo ang gamit mo dahil sasabay ka sa akin sa pagluwas.” Wika nya na hindi ito tinatapunan ng tingin. Dumating si Bryan. "Siya nga pala Tol. Pagkatapos kung kumain ay gusto ko agad na makita iyong mga alaga natin dahil babalik din ako bukas sa manila." Paalam niya kay Bryan. Hindi na nya uli kinausap ang dalagang panakaw nakaw lang ng tingin sa kanya. Seryoso nya itong binalingan. "Pinapasabi ni Keith na isabay kita bukas dahil may importante siyang meeting ngayon at hindi ka niya masusundo. Kung pwede ihanda mo na iyong mga bagahe mo at isasakay ko na mamaya pagdating namin." Hindi agad ito nakasagot at kitang kita nya ang paglunok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD