"Amber, you need to eat vegetable. Diba sabi mo gusto mong gumanda kagaya ko?" Masuyong sabi ni Ella kay Amber. Ayaw kasing kumain ng gulay ang bata. "I don't want to eat that tita. It so eww.." nakangiwi at umiiling pang tangi ni Amber sa gulay. "Then hindi ka tatangkad like me. Because when I was a child, everyday gulay ang food namin. Kaya ang tangkad ko." Sabi naman ni Ella sa bata. Nakangiti naman si Ron habang pinapanood ang mga ito. Sanay na siya na hindi kumakain ang anak niya ng gulay dahil kahit anong gawin nya ay hindi nila ito mapakain. Pang tatlong araw na nang dalaga sa bahay nila Ron at ito ang unang beses na magkakasalo sila ng agahan dahil palaging sa kwarto ito kumakain dahil sa lagnat nito. Ayaw naman niyang lapitan siya ng bata dahil baka daw mahawa. Sinisipon pa k

