Pinasundo nalang niya si Ella sa kanyang driver at nauna na siya kung saan sila magdidate. Actually, uupahan sana niya ang restaurant ng kanyang tita pero tumanggi ito at tinulungan pa siya sa preparation. hinihintay nalang niyang dumating ang dalaga ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakita na niya ang kotseng tumigil sa tapang ng restaurant. Napakaganda ni Ella sa suot nitong black dress na sleeveless. Nakataas ang buhok nito kaya kapansin pansin ang mga leeg nito na parang ang sarap amoy amoyin. Light lang ang make up nito sa mukha na lalong nagpatingkad sa ganda nito. Suot nito ang kwentas na binigay niya noon. Kitang kita ang mapuputi nitong balikat at braso. Ang liit ng baywang nito. Kitang kita ang kurba ng katawan. halos hindi umabot sa tuhod ang haba ng damit niya kaya takaw pansi

