"Babe, sa kawarto ko na ikaw matulog." Hiling ni Ron sa dalaga ng akmang papasok ito sa kwarto nito. Mula kasi ng araw na humupa ang lagnat nito ay hiniling nito na magkaroon ito ng sariling kwarto na pinagbigyan naman niya. Napalunok siya sa sinabi ni Ron. "Babe. Baka mataga ka ng itak ni Itay niyan. Alam kong hindi ka magpipigil." Ramdam nya ang kaba nito habang nakayakap siya sa likod nito. "Bakit hindi pa ba pwede? Babe naman e." Malambing nyang reklamo. Kininkintalan nya ng maliliit na halik ito sa leeg. Ang bango nito na lalong nagpapainit sa kanya. "Babe please, gusto kong makausap muna natin ang mga magulang natin at makuha ang basbas nila." Nagpapaintinding sabi ng dalaga kaya napahinga ng malalim ang binata. "Pwedeng tabi tayong matulog." Bulong niya pero duda siya doon. "B

