Nakangiti si Ron habang nakatitig sa kanyang katabing nakapikit. Nakatihaya ito. Alam niyang pagod na pagod ito at masakit ang katawan. "Babe gutom na ako." Sabi ni Ron at hinalikan sa balikat ang dalaga. "Emmm. Sandali at maghahain ako." Minamalat pa nitong sagot. Lalo siyang napangiti dahil alam niyang ayaw pa nitong gumalaw. Kitang kita niya na nalukot ang mukha nito ng akma itong babangon at napahiga uli. Agad naman niya itong hinawakan. Hindi kasi nya alam na babangon ito agad. "Stay still. I know you sore, I'm just kidding." Pigil niya dito. "Ako na ang kukuha ng pagkain natin. Do you want to clean first before we eat?" Tanong niya sa dalaga. Mas giginhawa kasi ang pakiramdam nito pag makapagshower muna. Tumango naman ito kaya mabilis niyang hinagilap ang short na tinanggal niy

