"Oh , tita Carla is here" sabi ni Keith sabay tayo para salubungin ng isang halik sa pisngi ang babaeng dumating. Ito ang babaeng sumampal sa kanya. Ang ina ni Kimberly. Kasalukuyan sila nag lalunch kasama ang mag-ina. "Oh hi hijo. Your so handsome as ever." Masayang sabi naman ng matanda at nakipagbesobeso. Alanganin din siyang tumayo para batiin ito. Pero magiliw naman itong nakipagbeso beso sa kanya. "Kumusta kana balae?" Nakangiting tanong ni Mommy Inna sa matanda. "Ayos naman balae. So, I guess you are busy for the preparation of the wedding ha." Nakangiti pa nitong sabi. "Not really, balae. Simple lang kasi ang gusto nitong si Ella kaya konti lang ang preparation." Nakangiting sagot naman ni Mommy Inna. Nagpaalam si Keith para pumunta sa restroom. Nakikinig lang siya sa usapa

