Parang may sariling isip ang kanyang mga kamay na kumapa kapa sa tabi nya na parang may gustong hagilapin at nagtaka sya ng wala siyang mahagilap kaya idinilat nya ang kanyang mga mata na nakapikit pa.
Napakunot ang kanyang noo. Alam niyang hindi ito panaginip lang. Alam nyang mayron siyang kasama kagabi.
Bumangon sya para hanapin ito baka asa labas lang.
Bumungad naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan na nagkakape sa silong ng mangga. Asa harap ng mga ito ang thermos at sachet ng mga kape.
"Kape."aya ni Alex sa kanya.
"Wala ba kayong nakita o napasin kanina?" Tanong nya sa mga ito.
"Wala naman." Halos sabay sabay na sagot ng mga ito sa kanya na nakakunot ang noo.
"Ano ba iyon?" Tanong ni Tim.
Hindii nya agad ito sinagot dahil iniisip nya kung panaginip lang iyon.
"O kape ka muna para magising ang diwa mo." Sabay abot sa kanya ng kape ni Alex.
"Tol, natulog ka ba sa kwarto kagabi?" Baling nyang tanong kay Macky na hindi pinansin ang alok ni Alex.
"Nasa salas ako ng magising ako e." Kunot noong sagot ni Macky.
"What happen bro? You look weird. Kung nakikita mo lang ang sarili mo para kang naluging bakla." Pagtataka tanong ng mga ito sa kanya.
Hindi niya pinansin ang mga ito at wala sa loob na pumasok uli sa kwarto.
Matagal siyang napatitig sa kanyang kama na parang nakikita pa nya ang nangyari.
"Panaginip lang ba kita?"Bulong nya. Umupo sya sa gilid ng kama at napasabunot ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Bawat detalye ay nakatatak pa sa kanyang isip.
Mariin nya pinikit ang kanyang mga mata. Ramdam parin ng mga palad niya ang napakalambot na katawan nito at kung pano nya hinalikan at dinama ang bawat sulok ng katawan nito.
Sa ganon syang ayos ng maamoy nya na may kakaibang amoy na kumapit pa sa kanya kaya inamoy amoy nya ang sarili pero di nya matukoy ang amoy.
Hinila nya ang kumot para sana itiklop iyon ng maayos ng may nalaglag dito. May nakita siyang panyo na hindi pamilyar sa kanya kaya dinampot nya iyon.
May napansin syang burda sa gilid nito.
"ELLA" basa nya "ELLA" bulong nya ulit at inamoy ito. Inamoy uli nya ang sarili. Lalong syang nafrustrate. s**t! Mababaliw na yata sya!
"Ok ka lang tol?" Nagtatakang tanong ni Alex na nakapasok na pala dala ang kape nya.
Hindi nya alam! "Panaginip ko lang ba talaga sya?" Parang wala parin sa sarili nyang tanong.
"Sino?" Taka uling tanong ni Alex.
Pinakita nya ang panyo.
"ELLA" nagtataka man pero tinignan naman nito ang panyong pinakita niya.
"Amoyin mo." Utos niya kay Alex. Nagtataka man ay inamoy naman ito ni Alex.
"Mabango, amoy babae." Nakangisi naman nitong komento. Alam nyang napapantastikuhan ito sa kilos nya.
"Amoyin mo ako." Sabi uli nya dito. Inamoy naman siya nito.
May pagtataka sa mukha nito.
"Don't tell me na nakasama mo ang may-ari ng panyo kagabi at may---"anito na nanlalaki ang mga mata.
"Panaginip ko lang ba talaga sya?" Tanong uli nya na parang alam nito ang sagot.
"Iyong kapatid ba ni Bryan ang may-ari ng panyong ito?" Namimilog ang mga mata..
Nagkibit balikat naman sya. Hindi nya alam!
"Guys we need to go back to manila asap." Sabi ni Jef na nagmamadaling pumasok sa loob.
"Why? Is there a problem?" Tanong naman ni Ron.
" I don't know yet but it's urgent. I need to be there at five PM." Sagot ni Jef.
Kanya kanya na sila ng gayak dahil alam nilang importateng makadating sila sa manila bago five ng hapon.
"Here we go again." Parang babaeng pinaikot ni Macky mata. Actually sanay na sila na asa gitna ng bakasyon nila ay tatawagan sila.
"Aabot kaya tayo.? Ang layo ng lalakarin natin tapos and dami pa nating dala." Diskumpyadong tanong ni Jhon.
"Tawagan ko ang isa ko pang pinsan na may motor din." Sabad ni Bryan na noon ay nanunuod lang sa kanila.
"F**k. Kasalanan ng kumag na ito e. Makakaakyat naman pala ang motor di pa nya sinabi. Di sana nag Motor nalang tayo." Sisi naman ni Jef sa kanya na ikinatawa nalang nya.
Knowing his friend, they are all pro.sa pagmomotor. Mga rider sila. Mayroon silang tig-iisang mga motor na di biro ang halaga. Dahil ito ang isa sa mga business nila.
Silang anim ang model sa sarili nilang business kaya malakas ang hatak nila sa customer. At hindi lang basta basta ang mga nakakadeal nila dahil mga kilalang tao ang mga ito.
Nginisiha nya naman ito. "You said that you want something different, kaya ayan. Diba.?" Sabi kasi nito ay gusto nya ng kakaibang bakasyon yong hindi pa nila nagagawa. E nitong mga nakaraan na bakasyon nila e puro sa mga beach. "Nasubukan mong maghiking ng nakamaleta." Sabi niya na ikina tawa nang mga ito.
Nagkasya silang anim sa Tatlong single na motor. Exciting dahil bumaba sila pag di kayang umakyat nong motor. Nagtulak. At naenjoy nila ang view habang pababa sila.
Maingay parin ang mga ito kahit nakasakay na sila sa van na sinakyan nila nong papunta sila. Iniwan lang nila ito kung saan ito aabot.
Ipinikit naman niya ang kanyang mga mata at nagkunyaring natutulog pero naririnig nya ang usapan ng apat sa liko.
"Hindi man lang tayo nakatikim ng babae sa bakasyon nating ito." Reklamo ni Macky.
"Tang*na ka tol parang kaylan lang nakikipaglaplapan ka a." Buska naman ni Tim dito.
"Next time na balik natin dito maglibot tayo. Siguradong magaganda chiks dito. Ang ganda nong utol ni Bryan e. Hanip sa katawan." Halata ang paghanga sa boses ni Jhon.
Magkakatabi ang mga ito sa likuran. Sila naman ni Alex ay nasa harapan at ito ang nagdradrive.
"Oo nga, sayang at di man lang natin nasayaran ng haplos ang kanyang mga kamay. Siguradong maganda yon." Segunda naman ni Jef na may pang hihinayang din ang tuno. Naidilat nya ang kanyang mga mata dahil hindi na nya gusto ang pinupunto ng usapan nang mga ito.
"Ang ganda ng pwet." Dagdag ni Macky kaya napalingon sya sa mga ito.
"Tigilan nyo yang usapan ninyo kung ayaw nyong masapak ko kayo." Banta nya sa mga ito na seryoso ang boses.
"Tang*na tol ang possessive mo naman." Angal naman ni Jef.
Naiiling naman ng nakangiti si Alex. Di kasi alam ng mga ito ang tungkol sa panyo. At ang tingin nya sa kaibigan ay tinamaan ito sa dalagang di pa nito nakikita ang mukha.
Actually ang kinuha nitong regalo sa dalaga ay couple necklace. Lihim na kinunanan ng picture ni Macky kaya nakita nila sa picture. Isa iyong gold necklace,pendant nito ay maliit na puso ang isa at susi naman ang isa. Kaya nagtaka sila noong sabihin nito na hindi pa nya ito nakikita sa mukha.
At saka nakita nila ang panghihinayang nito ng hindi nito naiabot ng personal ang regalo nito. Hindi ito matiyagang maghintay. Ito ang pinakamainipin sa kanila pero ng araw na iyon ay halos kalahating araw nitong hinintay na dumaan ang dalaga sa resthouse niya. At mula kaninang umaga ay pansin nila ang pananahimik nito at malalim ang iniisip. At ngayon nya lang nakita ang kaibigan na naging interest sa isang babae.
Maraming nagkakagusto dito at magaganda pa. Mayayaman pero hindi nito pinapansin ang mga iyon.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong nya dito.
Lukot parin ang mukha nitong tumingin sa kanya. Ang mga nasa likod naman ay iniba ang takbo ng usapan ng mga ito.
"Pwede naman natin siyang ipahanap kung nasaan sya." Mungkahi ni Alex. "Isang tawag mo lang." sabi pa nito.
Parang napaisip naman si Ron sa sinabi ng kaibigan. Pero baka pag nakita nya ang dalaga ay di nya mapigilan ang kanyang sarili at sya pa ang maging dahilan para masira ang mga pangarap nito.
Bata pa ito. Malaki ang agwat ng edad nila kaya kailangan nyang pigilan ang kanyang sarili.
"I will wait the right time bro. Alam kung pagtatagpuhin din kami ng tadhana." Sabi nya na ikinahalakhak naman ng kausap. Napatingin tuloy ang apat sa kanila sa harapan.
"Sh*t bro. May pagkamakata ka pala." Biro nito na naiiling.
"Nah. Kidding aside bro. If I see her now baka ako ang maging dahilan para di nya maabot ang kanyang mga pangarap." Malungkot nyang wika dito.
"Nakita mo ang sakrepisyo nila para makapagtapos at para maabot nila ang kanilang mga pangarap." Sabi niya dito.
"Naalala ko nong una akong punta sa bahay nila. Kadarating nya noon galing sa school nila, narinig kung tinanong sya ni Aling Lilia kung bakit madumi yong damit nya at nakaapak pa siya .sabi nya nadulas daw sya sa daan kasi maputik ang daan noon. Napigtas pa yong tsinelas nya.pero tumuloy parin sya dahil may exam daw sila, pinagtawanan daw siya kasi madumi sya pero hindi nya nalang daw pinansin ang mga nanunukso sa kanya kasi kailangan daw niyang makapag exam." Kwento nya dito.
Tahimik namang nakikinig ang mga apat sa likod.
"Kaya alam kung kahit anong mangyari ay magpupursige itong makapagtapos.
"Tsk.pero di kaba natrethreaten na baka makakita sya ng ibang lalaki dito sa manila. Alam mong maraming tukso dito. At sa tingin ko kahit di ko pa nakikita ang mukha nya she is totally a head turner." Sabi ni Alex kay Ron.
Hindi nalang sya umimik kaya napailing naman si Alex.
Sh*t mura nya sa sarili, bakit naman kasi ganon sya tinamaan sa babae. Big time!
Kung bakit naman kasi palagi nalang silang hindi nagkakatagpo. Pag naaalala nya ang boses nito ay may kung ano syang nararamdama. Namimiss nya ito ng hindi nya mawari.
"Darating din ang araw para sa amin. Di palang ngayon. Palalakihin ko muna sya." Sabi nya at tumawa. Natawa sya sa huli nyang sinabi.
Natawa din si Alex.
Alam niyang si Alex ang nakakaintindi sa kalagayan ng dalaga dahil ito ang nakaranas ng hirap. Sa ngayon ayaw muna nya itong guluhin.