With friend

2042 Words
3 years later "Ganda ng kwentas natin ah." Puna ni Keith habang nakatulala sya at nilalaro laro ang pendant na heart ng kanyang kwentas. "Sinong nagbigay nyan?" Tanong nito matapos suriin iyon at saka umupo sa kanyang tabi. Iyon ang regalong kwentas ni Ron sa kanya noong graduation nya. ‘Yes, Ron nalang ang tawag nya at never na naging kuya!’ Siguro kung maririnig sya ng kanyang kuya ay sisitahin sya. Napanguso sya. "Matagal na ito ngayon mo lang napansin." Sagot nya sabay tago sa loob ng kanyang blouse. "Pano ko makikita kung palagi namang nakatago?" Makulit ito. Kabaliktaran mula noong naging kaibigan sya. Isang mahabang buntunghininga ang pinakawalan nya. "Tsk! Gusto kung magpahinga kahit sana konting oras lang, pero parang hindi talaga ako makakapagpahinga kasi nandito ka na naman." Nakanguso sya. "Ayan, pagod ka na naman noh? Sabi ko kasi sayo patusin mo na iyong inaalok kong trabaho sayo." May paninisi nitong sumbat sa kanya. "Mas gusto mo pang nahihirapan e." Dagdag pa nito. Nalukot ang kanyang mukha "Ay naku. Kung yong pagmomodel ng underwear at lingerie, huwag na oy. Ayaw ko." Inis nyang sagot. Matagal na siya nitong nirrerecuirt na maging model daw kasi maganda daw siya, makinis, matangkad. Mahaba ang tuwid na tuwid nyang buhok. Hindi malaki ang kanyang dibdib pero hindi rin naman ito kinulang.Maliit ang kanyang baywang at maganda ang kanyang pwet. .Asset nya ang mahahaba at flawless nyang legs sana pero palagi iyong nakatago dahil palagi siyang nakajeans. Ito palang yata ang nakakita ng legs nya dito sa Manila dahil palagi syang nakatambay sa condo nito pag wala siyang trabaho. Hehe... Libre kasi kain sa condo nito. Ganon ang naging relasyon nila pero magkaibigan lang talaga sila. "Whats wrong with that? You have a good damn body to show off." Pamimilit pa nito sa kanya. "I told you that I am not comfortable to---" "Ay naku kung ako lang ang magkaroon ng ganyang katawan baka di na ako magdamit." Putol nito sa sasabihin nya na umaktong parang bakla. Take note. Hindi ito bakla. "Hindi naman yong isusuot ang hindi ako komportable kundi sa camera at sa mga taong mapanuri ang mga mata. Makakasurvive siguro ako sa underwear at lingerie pero sa camera baka mamatay ako."Sagot naman nya dito na ikinakunot noo ng kausap. "Seriously?" Gulat na tanong nito. Malungkot syang napabuntong hininga. "Gusto ko namang subukan eh kasi nahihirapan akong magmaintain ng grades dahil sa mga part time jobs ko, ayaw ko naman humingi ng humingi ng pera sa mga magulang ko dahil mahirap din ang buhay nila sa probinsya pero parang di ko pa talaga kaya." Mahaba nyang paliwanag. "Bakit di mo kayang humarap sa camera?" Interesado nitong tanong sa kanya. "Hindii ko alam. Pakiramdam ko nasusuffocate ako." Sagot nya pero binaling nya sa iba ang tingin dahil ayaw nyang may mabasa ito sa mga mata nya. Sa tagal nilang magkaibigan ni Keith ay alam nyang kilala na sya nito. May mga bagay na kahit anong pilit nyang ibinabaon sa limot ay para parin iyong masamang bangungot na bumabalik at hindi na iyong malilimotan. Kaya habang lumalaki sya at nagkakaedad ay dala dala parin nya ang takot at trauma ng nakaraan. Parang daloy ng tubig na bumalik sa kanya ang nakaraan. Nangyari iyon ng nasa ikahuling baitang na sya ng elementarya at naghahanda nadin sa kanilang pagtatapos. Ng dahil sa ginawa ng mamang iyon. Maraming opportunity ang napaglagpas nya. Maraming bagay ang iniwasan nya na dapat ay inienjoy nya sana. "Pero baka pwede mong itry. Nandito naman ako, alalayan kita. At hindi underwear at lingerie ang imomodel mo. Tayo ang magpartner dahil couplewear ang isusuot natin." Patuloy ang pang-iingganyo nito sa kanya. kaibigan na niya ito mula noong unang taon nila sa college dahil nakaklase nya sa isang subject. Naging partner din sila sa isang report. Gwapo ito, habulin ng babae pero napaka snob at napakasungit nito sa iba. Nakuha nya ang loob nito dahil tinaray tarayan nya ito. E pano ba naman wala itong ginawa kung hindi matulog habang sya ay nagkakanda ugaga pa sa report nila. Mula noon ay palagi na silang magkasama. Ngayon, wala naman na silang magkaparehong subject pero palagi parin itong nagpapakita sa kanya. ***Flashback*** "Hoy gising na naman o. Kailangan na ito bukas."niyugyog nya ang balikat ni Keith. Di parin ito gumagalaw kaya binatukan nya ito. Pumipintig na din kasi ang ugat nya sa kanyang noo kaya alam nyang maya maya ay aatakihin na naman sya ng sakit nya sa ulo. Hindi pa kasi sya nagtatanghalian. "What the f**k!" Sabay hawak nito kung saan tumama ang kamay nya. "Bakit mo ako binatukan?" Galit nitong tanong na parang handa na syang patulan. Nanlalaki na ang butas ng kanyang ilong sa inis. "E anong gusto mo? Lagyan kita ng kumot? Ihampas ko kaya sa mukha mo itong mga papel na it! . Sana sinabi mo sa prof.natin na iyong mga babaeng handang gawin lahat ang kagroup mo para walang nang-aaway sayo." Gigil niyang sabi dito saka sya padabog na tumayo para umalis, lalayasan na nya ito! Gagawin nito ang project nila ng mag isa. "O saan ka pupunta?" Galit nitong tanong na tumayo din. Hindi nya ito nilingon "May trabaho pa ako. Taposin mo yan." Sabi nya at iniwan na ito. "Pero di ko alam gawin ‘to." Habol pa sa kanya na halos magsigawan sila kaya napapatingin na din ang mga ibang estudyante nakatambay sa labas. Actually, wala talaga syang trabaho dahil off nya. Mula ng nakaalis ang kanyang kaibigan ay naghanap na din sya ng part time job. Hindi niya problema ang tuition pay nya dahil full scholar siya pero kailangan nyang imaitain ang kanyang grades. Dalawa ang kanyang trabaho. Isa sa umaga at isa sa gabi. Namaywang sya. "So anong gusto mong gawin ko ngayon?" Taray nyang tanong. "Alam mo bang nagmemaintain ako ng grades. Pero dahil wala kang cooperation ay pwede akong bumagsak at mawala ang scholar ko. Pagnawala ang scholar ko titigil ako sa pag-aaral dahil doon lang ako umaasa." Mahaba nyang dada dito. Halos maiyak iyak na siya dahil sumabay pa ang pintig ng kanyang sentido. "Wait. Sandali lang." Napagulo ito sa buhok na parang naririndi sa ingay nya."alam mo bang ikaw palang ang nagtataray sa akin ng ganyan?" Sumbat pa. Nagsukatan sila ng titig. Akala siguro nito masisindak sya. Aba! "So?" Inis naman nyang tanong at pinaikot pa ang mata. Napabuga ito ng hangin, tanda ng pagsuko. "Ok tutulong na ako, basta tapusin natin to.". Napasimangot sya. "gutom na ako." Reklamo nya dahil hindi pa sya nakapagtanghalian “at gusto ko ding iunat itong likod ko dahil kanina pa nangangawit." Dagdag pa nya na hindi matanggal tanggal ang simangot sa kanyang mukha. "Sige. Bibili tayo ng pagkain tapos punta tayo sa place ko." Parang nakonsensya naman si keith dahil nakita nya ang paglambot ng itsura nito. "Sige tara na." Pumayag nalang nya agad. "Di mo ba pag-iisipan muna?" Tanong nito na parang nagtaka pa. Pinaningkitan nya ito ng mata "Anong pag-iisipan ko?" Tanong nya dito. Napailing ito pero parang may gusto pang sabihin. "A. Wala. Never mind." Masungit din nitong sagot. "Ang bilis magtiwala." Rinig nyang bulong nito pero hindi nalang nya pinansin. Basta sumama nalang sya dito ng sumakay ito sa kotse nya ay sumakay din sya. Nagtaka sya ng iabot nito ang cellphone nito sa kanya. "Aanhin ko yan?"Pabalang nyang tanong. "Order ka ng pagkain natin. 'Kaw na ang bahala kung ano ang gusto mo." Sinabi kung anong pangalan ng resto na tatawagan nya. Kasi naka phonebook ito sa cellphone ng binata. "Sinabi mo yan ha." Paniniguro naman nya pero nagkunware lang siyang nag dial. Kilalang restaurant kasi ito at hindi nya alam kung ano ang mga pagkain doon. Kunyare hinintay nyang magring at may sumagot sa tawag nya. "Hello, yes. Gusto ko sanang mag-order ng kalahati ng buong lechon baboy at 20 cups of rice. No, gawan nyo ng paraan nag lilihi ako pag ako nakunan kasalanan ninyo dahil di nyo ibinigay ang order ko." Pagtataray kunyare sa kausap. Nakanganga naman itong nakatingin sa kanya na para syang nababaliw. "What was that?" Kunot noong tanong sa kanya. "Nag-order ako." Baliwala nyang sagot. "Seryoso ka?" Parang di makapaniwala nitong tanong. "Sabi mo kasi akong bahala.". "Kaya ba nating ubusin iyon?" Tanong uli nito. "May anaconda kaba sa tiyan?" Naiinis nalang sya na natatawa. "O ito, cellphone mo ikaw nalang mag-order dahil hindi ko alam iyong mga pagkain diyan sa restaurant na pinag-oorderan mo. Pang canteen lang kasi ang alam ko." sabay balik ng cellphone nito. Para namang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. Restaurant kasi ito ng pinsan nya at personal number nito iyon. "Baliw ka talaga." Sabi nalang ng binata sa dalaga. "Ang sakit na ng ulo ko," daing nya na hinihilot hilot pa ang kanyang noo. "Kasalanan mo ito e." Paninisi pa nya sa binata. "Bakit ako?" Takang tanong ng binata. "Kung tinulungan mo ako di sana tapos na yong report natin. Hindi sana ako malilipasan ng gutom." Sumbat nya ng nakasimangot. "Don't tell me you didn't eat lunch?" Kunot noo nitong tanong sa kanya. "Eh gusto kung matapos na sana yong report e tapos hindi ka naman tumutulong kaya hindi ako kumain dahil sayang ang oras." Sumbat nya. "Di sana sinabi mo sa akin para binilhan kita ng pagkain. 4pm na kaya." Sermon nito sa kanya. "Tulog ka e. Huwag mo nga muna akong kausapin mawawala din ito mamaya." Pang-iiba nya sa usapan nila. Pero malas niya at lumala ang sakit ng ulo niya. Natulog lang sya pagkatapos nilang kumain at uminom ng gamot. Ito na din ang tumapos ng report nila. Napasarap pa ang tulog nya kasi madaling araw na ng magising uli sya. Palagi kasi syang pagod nitong nakaraan mga araw. Paggising nya ay lumabas siya sa kwarto at nakita nya ang binatang nakatulog sa couch. Nasa center table naman ang report na ginawa nito. Pinasadahan niya ang tingin iyon at maganda ang pagkakagawa. Malinis. Wala sa loob na napangiti sya. "Magaling ka palang mokong ka e. Pinahirapan mo pa ako." Mahina nyang sabi. Tumayo na siya at pumunta sa kusina nito para magtimpla ng kape para makauwi na siya. May pasok na kasi sya bago mag five ng umaga. 3 palang ng umaga kaya aabot pa siya. Uuwi pa kasi sya sa boarding house niya para magbihis. Napakislot sya ng may magsalita sa likuran nya. "Ang aga mo namang magising." Sabi nitong nakapikit pa at nagkakamot pa sa may baywang. Napahigop sya sa kape bagos sumagot. "May pasok pa kasi ako e. Gusto mo ng kape?" Tanong niya dito. "Sige pagtimpla mo ako at magbibihis lang ako." Sabi nito at pumasok na sa kwarto nito. "Saan kaya siya pupunta?" Takang tanong nya sa sarili. Ilang menuto pa ay lumabas uli ito. "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Ihahated kita." Maiksi nitong sagot bago humigop ng kape. "A, wag na. Sanay naman na akong lumabas ng ganitong oras." Pigil niya dito. "Kaw nalang magdala ng report natin at salamat dahil tinapos mo." Sensero nyang wika. "Tsk! Andami ng sinabi e." Reklamo nito. Tsk! Magtiis ka. Madaldal ako e. "Hindi kaba nahihirapan sa mga trabaho mo?" Tanong ng binata sa kanya. Napahinga sya ng malalim. "Emm.. noong una nahihirapan pero nakasanayan naman na. Nagutom lang talaga ako kahapon kaya sumakit ang ulo ko." Sabi niya dito. "Sanay naman ako sa trabaho." Dagdag pa niya. "Pag kailangan mo ng katulong, sabihin mo lang baka makatulong ako. Pero wag kang mag-expect. Di kita type." Napairap sya. "Ang yabang naman nito. Akala mo naman kagwapohan. Hoy! kahit na anong mangyari ay hindi ko ipagpapalit sa isang unggoy ang first love ko noh." Naniningkit ang mga mata nya. Hindi tuloy nya maiwasang sumimangot. "Malinaw na yong malinaw." Nakangisi nitong sabi. Ng sumaboy yata ang kahambugan ay nasalo na nito lahat. Ewan nya pero hindi din niya ito type kahit ang gwapo nito. Para ngang may pagkahawig sila ni Boss Ron e. ***end of flashback*** "O ano na. Kakausapin ko mamaya si tita." Tanong ni keith. "Tsk.. huwag mo munang ifinalize dahil hindi din ako sigurado sa sarili ko."Ang kulit kasi! "Sige." Masaya at parang excited nitong sang-ayon sa kanya. 'Wala namang mawawala kung susubukan ko' sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD