Ramdam ni Ron na may masuyong humalik sa kanyang noo, Pisngi, ilong, labi.
"Hmmm..." ungol nya. Sanay na sya doon. Dahil Dalawang taon na nya itong kapiling halos gabi gabi.
Isang mariing halik sa labi ang ginawad nito sa kanya at agad naman nyang tinugon ng mas maalab na halik.
Matagal ang halik na iyon punong puno ng pagmamahal at pangungulila. Nananaliksik ang dila niya sa loob ng labi ng dalaga.
"I miss you Ella" anas nya habang hinahalikan ito. "I miss you very much babe." Anas nya. Hinapit nya ito ng mahigpit sa baywang. Wala syang balak pang pakawalan ito.
Gumanti naman ang dalaga sa halik at yakap nya. Ginantihan nito ang pagkasabik nya. Naglikot ang kanyang mga kamay sa katawan nito. Kinakabisa ang bawat kurteng madaanan nito.
Bumaba ang labi nya sa panga nito pababa uli sa leeg nito at doon nya isinubsob ang kanyang mukha. Gusto nyang markahan ito kaya nagtagal ang mga labi nya doon.
"hmmmm.." malakas na ungol nito.
Ang kamay nya ay patuloy parin sa paghaplos sa katawan ng dalaga hanggang sa marating nya ang dalawang tuktok nito.
"Emmm." Ungol nya dahil napaka lambot nito. Inalis nya ang suot nitong lingerie at kahit ilang ulit na nyang nakita ang katawan nito ay hindi parin nya maiwasang mapalunok.
"You're so beautiful babe." Buong paghanga nya itong tinitigan. Inangkin nya ang tayong tayong dugot nito at pinagpala naman ng kanyang isang kamay ang kabilang umbok nito. Matagal niya iyong sinipsip, pasalit salit ang kanyang labi.
"R-ron.." ungol nito na parang nasasarapan sa ginagawa nya kaya pinagbuti nya. Bawat halinghing nito ay parang musika sa kanyang pandinig. Naglulumikot din ang mga maiinit nitong kamay sa kanyang katawan dinadama din nito ang bawat sulok na nagpatindi sa init na kanyang nararamdaman.
Buong pagmamahal nyang hinalikan uli ito sa mga labi
"Mahal na mahal kita." Bulong nya.
Tumigil ang mga kamay nito sa paghaplos sa kanyang katawan at umakyat iyon sa kanyang mukha. Buong pagsuyo nitong Hinaplos ang kanyang mukha. Ipinagdikit nya ang kanilang noo.
"I love you too.. Please, wait for me babe." Malambing nitong bulong saka sya hiniwalayan.
Nagpanic na siya.
"No. No babe not again. please, Don't leave me again."Pagmamakaawa nya.
Tinitigan sya nito at masuyong hinaplos ang kanyang mukha kaya naipikit nya ang kanyang mga mata. "Wait for me." .
Hinawakan nya ito sa kamay at hinalikan pa iyon pero tuloy tuloy parin itong lumayo at naglaho parang bula.
"Nooo..." Malakas niyang sigaw.
Naidilat nya ang kanyang mga mata at inilibot ang kanyang tingin. Nandito sya sa kanyang kwarto at nananaginip na naman siya.
Sanay na siya doon dahil halos dalawang taon na nyang kapiling ang babae sa kanyang panaginip.. mas naramdaman nya ang pangungulila at lungkot sa kanyang puso. Pero hindi nya alam kung dapat ba syang mangulila sa alaalang hindi naman sya sigurado kung nangyari nga ba talaga.
"Hanggang panaginip nalang ba kita?"Tanong niya sa kawalan.
Palagi siya nitong dinadalaw sa kanyang panaginip pero palagi naman sya nito iniiwan. Mayroong masyadong intense ang mga gabi nila na pag gising nya ay kailangan pa nyang magbabad sa shower para mamatay ang init na binubuhay nito bago siya iwan. Mayroong mararamdaman nyang nakayakap lang ito sa kanya at pag gising nya ay wala na ito. Pilit nyang inaalala ang mukha nito pero nanatiling blurred iyon sa kanyanh isipan.
Napapailing nalang siyang bumangon at para makapag shower Papasok na sya sa office.
Habang nagbibihis ay may natanggap syang tawag mula kay Bryan.
"O tol, kumusta?" Bungad niya.
"Ayos lang naman. Paalala ko lang sana na kasal ko na sa isang linggo."
Ikakasal na ito sa isang linggo at isa sya sa mga tatayong abay. Nagpresinta naman si John na ito nalang ang bahala sa picture's ng mga ito. Siguradong pupunta silang anim.
Umaasa siyang makikita na nya doon ang dalagang matagal na nyang gustong makita. Dahil ang sabi nito sa kanya ay ito ang magiging partner nya. Kaya naman hindi nya mapigilang maexcite sa araw na iyon.
"Sige tol hindi ko pa naman nakakalimutan. Siguradong darating kami. Remind ko nalang uli mamaya iyong mga boys." Sabi niya dito.
Pagkatapos ng usapan nila ay bumaba na sya.
"Son, kumain ka muna bago ka pumasok." Sita ng kanyang ina ng makita siyang lalabas na. Nandoon na ang mga kapatid nya siya nalang ang kulang.
Kada weekends ay doon sila sa bahay nila natutulog pero pag weekdays ay sa mga condo sila naglalagi. Pero dahil linggo kahapon kaya andito pa silang lahat
Hinalikan nya sa noo ang kanyang ina Saka niya tinignan ang kanyang relo kung kaya pa ng oras niya dahil may breakfast meeting pa sya. kaya pa naman,aabot pa naman siya sa oras kaya pagbibigyan nalang nya ang kanyang ina. Kunti nalang ang kakainin nya para makakain uli siya mamaya.
"Sure kayong dalawa na hindi kayo sasama sa Boracay?"Paniniguradong tanong nito sa kanila ni Macky.
May 3 days vacation sana kasi silang pamilya kasama ang kanyang tita Ally sa Boracay.
"Sorry mom, nakapangako na kasi ako kay Bryan e." Sagot naman nya dito. Naikwento na nila ang about sa farm niya at gusto nila itong bisitahin. One of these day siguro pag maluwag na ang schedule nila ipupunta niya ang mga ito doon.
"Tsk! Pero next time sasama na kayo." Nakasimangot ito.
"Ok I'll promise."Pangako nila.
"Ikaw Keith, sure ng sasama iyong friend mo?" Bumaling naman ito sa bunso nilang kapatid.
"You have a friend?" Gulat nyang biro at hindi itinago ang pagtataka. Alam kasi nila ang ugali nito,suplado at di marunong ngumiti. Ayaw nitong nakikisalamuha. Nakahome study nga lang ito dati.
"Tsk. I have a very kind, beautiful, and good damn sexy friend." Pagmamayabang naman nito na nakangisi sa kanya. "At magsisisi kayo dahil hindi kayo sumama dahil mawawalan kayo ng chance para makita siya." Pang iinggit nito sa kanila. Pansin nila ang malaking pagbabago dito nitong mga nakaraang taon.
"Nah, I don't think so." Nakangising patol nya.
Natatawa naman si Macky habang nakikinig lang sa usapan nila.
"Baka pwedeng pag-isipan ko muna kung sasama ako sayo tol para makilatis ko ang good damn sexy friend nitong bunso natin." Biro ni Macky sa kanya.
Napailing sya. "Basta babae talaga..."
"Single ba yan Keith?" Tanong ni Macky na bumaling kay Keith.
"Yeah. Pero hindi ka papasa doon." Tiwala nitong sagot kay Macky na nagpahalakhak dito.
Naiiling naman ang kanilang ama sa kanilang usapan.
"Alam mo bang wala pang tumatanggi sa kamandag nitong kapatid mo." Pagmamayabang naman nito sa bunso nilang kapatid.
"Baka first time pagnagkataon."
"Wuaaah..." di naman makapaniwalang react ni Macky na nakangising umiiling.
"She is totally different brother. Ako nga, kahit yata maghubad ako sa harapan nya hindi nya ako papansinin. Ikaw pa kaya? Mas hamak namang mas maganda akong lalaki sayo." Pagmamayabang naman ni Keith. Pero halos magkakamukha silang tatlo.
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Nakikita kasi nito ang malaking pagbabago nito. Hindi kasi ito madalas makisali sa usapan nila dati. Tahimik lang ito. Pero ngayon ay pinapatulan na nya ang mga biro nila.
"Haha.. nafriend zone ka lang yata e." Tukso naman ni Macky.
"I need to go guys."paalam nya ng mapatingin sya sa relo nya. "Mauna na ako dad. Mom." Humalik na sya sa noo ng kanyang ina.
"Pero hindi ka pa tapos kumain." Reklamo ng kanyang ina.
"Actually, I have a breakfast meeting with the investor mommy" Nakangiti nyang paalam dito.
"Dad, Bro. Una na ako sa inyo." Paalam niya sa mga ito.
"Sir, Mr. Belmonte is expecting you at the conference room." Paalala ng kanyang secretary.
"Ok. give me five minutes more, I need to sign this paper." Sabi niya dito na hindi ito tinitignan.
"Ok sir." Sagot ng kanyang secretary.
Sumasakit ang ulo nya dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Meeting dito meeting doon. Idagdag pang kulang sya sa tulog.
Pagkatapos nyang permahan ang mga dapat nyang permahan ay agad syang pumunta sa conference room. Agad naman tumayo ang matandang kameeting.
"Oh. The young Aragon." Nakangiting bati nito at saka sya kinamayan.
"How are you sir?" Nakangiti syang nakipagkamay dito.
"You seems busy huh." Kumento nito sa kanya na bumalik sa pag kakaupo.
"Sorry for inconvenience sir." Hingi nyang paumahin dito dahil late sya sa usapan nila ng 5 minutes.
"No no no, it's ok." Sagot nito na nakangiti parin.
"So,lets get down to business I know your time is gold." Biro nito na ikinangiti naman nya.
Actually, hinihimok syang mag-invest sa company nito at binigyan sya ng magandang proposal kaya naman naisara uli ang deal.
Hinayaan na sila ng kanilang ama sa pamamalakad ng mga company nila pero nandiyan paring nakaantabay sa kanila.
Paminsan minsan ay pumupunta sya sa farm para bisitahin ito at sa limang taon nito ay unti unti na ding lumalaki ang kita niya doon. Hindi man kalakihan kagaya ng company nila ay masaya parin sya dahil iyon ang una nyang naipundar.
Mayroon na din syang malaking bahay sa tuktok ng bundok na kung tawagin ng mga taga sitio ay mansion.
Hindi iyon mansion pero dahil malaki ito kumpara sa mga nakasanayan ng mga ito na bahay ay magmumukha taga itong mansion.
Wala sa loob na hinagilap nya ang kwentas nya at nilarolaro ang pendant nito.
"Kumusta kana kaya?" Bulong niya habang nilalaro laro ang susing pendant.
Ito ang partner ng kwentas na regalo nya kay Ella magtatlong taon na ang nakakaraan.
'Sinuot kaya nito ang kwentas nya?' Tanong niya uli sa sarili.
Paminsan minsan ay tinatanong nya ito kay Bryan. Ayon dito ay hindi pa umuuwi ang dalaga sa kanila at ang mga magulang nalang nila ang pumapasyal dito.
Lumipad na daw ang kaibigan nito sa ibang bansa kaya nagpapart time job daw ngayon ang dalaga.
Ang parents kasi ng kaibigan nya ang sumasagot sa allowance nito noon dahil sinasamahan niya ito habang hindi pa naaayos ang papers nito.
Nag offer sya sa mga ito na sya na ang tutustus sa allowance nito dahil nakascholar naman ang dalaga pero tinanggihan sya ng mga ito.
"Hindi na kailangan anak dahil kami nga halos hindi niya kunin ang ibinibigay namin sa kanya dahil kasya naman daw ang sahod nya." Naalala nyang tanggi ni Aling Lilia noong kinausap nya ang mga ito.
"Hindi ba naman daw ho siya nahihirapan?" Nag aalala nyang tanong.
"Sasabihin daw niya pag hindi na daw niya kayang magtrabaho. Kuu. Huwag ka nang mag-alala dahil masipag ang batang iyon. Pag kailangan namin ng tulong saiyo kami unang lalapit." Paninigurado ng matanda sa kanya.
Sa loob ng halos tatlong taon ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman nya dito. Ang hirap lang dahil para siyang nagmamahal ng drawing lang. buti nga yong drawing may mukha pero yong mahal niya di pa niya alam ang itsura. Nakakatawa diba.
Nakikipagdate naman siya pero wala pa talagang nagpatibok sa puso nya katulad ng nararamdaman siya sa dalaga. Boses palang nito kumakabog na ang dibdib niya.
'Hihintayin ko ang araw na matupad mo ang iyong mga pangarap at pag dumating ang araw na iyon ay wala ng makakapigil sa akin para paibigin ka.' Pangako nya habang hawak ang kwentas niya.