"Sure nang sasama ka sa Bora ha." Paninigurado ni Keith sa kanya.
Nandito sila ngayon sa isang burger outlet kung saan siya ngpapart time. Dinaanan siya nito at hinintay nadin ang out niya.
"Baka hindi tayo umabot sa araw ng kasal ng kuya ko. Magtatampo iyon sa akin." Nagdadalawang isip sya kung sasama ba talaga siya.
2 days nalang bakasyon na nila. Sa wakas Graduating na sila next school year. Isang taon nalang teacher na siya.
"Aabot ka. Makakauwi tayo days before ng sched. mo pauwi sa inyo." Pangungumbinsi nito sa kanya.
"Siguraduhin mo lang Keith. Ibibitin kitang patiwarik." Banta niya dito.
Nailing naman ito sa sinabi nya. "At saka Yong schedule pala natin mamaya with tita Ally. Wala ka namang pasok sa resto mamaya diba?"After kasi ng klase nila ay makikipagkita daw sila sa tita nya dahil ipapakilala siya nito at pag-uusapan nila ang about sa imomodel nila.
"Kaya ko kaya?" Alanganin nyang. Natatakot parin sya.
"Wala namang mawawala sayo kung itry mo diba. Malay mo naovercome mo na pala. At saka nandito naman ako. Ano pa’t magkaroon ka ng kaibigan na pogi." kumindat pa ito sa kanya.
"Tsk! Ok na sana e." Nakasimangot niyang sabi.
"Matagal ka pa bang mag out?" Inip nitong tanong. Nairap sya.
"Tapusin ko lang itong inventory ko at saka wala pa iyong papalit sa akin." Sagot nya. Kahit kailan talaga mainipin ito.
"Kakain muna tayo bago tayo pumunta sa school, parang gutom na ako e." Sabi ni Keith na sinusundan siya ng tingin habang paikot ikot sa loob ng outlet.
"Oo ba,basta libre." Wika nya saka tumawa.
"Kaylan ka naman nagbayad. Iwan ko nga kung bakit kita naging kaibigan. Namumulubi ako sayo." Reklamo nito na alam nyang biro lang iyon. Tuwing kakain sila o kaya ay may pupuntahan sila ay sagot lahat nito dahil ayaw naman nito na gumastos sya. Dahil siguro nakikita nitong halos patayin nya ang sarili niya sa trabaho.
Ito ang mayaman na hindi palaging gumagala. Palagi lang ito sa condo nya at hindi din ito gumigimik o nagbabar. Pero palagi namang nakatutuk sa computer.
Kaya pag wala siyang pasok ay pumupunta siya sa condo at doon lang sila nakatambay. Food trip sila o kaya movie marathon lang ang libangan nila. O kaya pag kailangan nilang magreview doon siya tumatambay dahil mas tahimik sa condo nito kaysa sa boarding house niya.
Wala siyang naging malapit na kaibigan na kasing close nila ni Keith pero hanggang kaibigan lang talaga sila.
At saka hanggang ngayon ay di pa niya nakakalimutan ang first love niya. Hanggang ngayon at parang kahapon lang nangyari ang isang mainit na tagpo sa pagitan nila 3 years ago. 'Naaalala kaya nya iyon?' Napabuntong hininga sya.
"Ready kana?" Tanong ni Keith sa kanya bago sila bumaba sa kotse nito.
"Siguro." Maiksi nyang sagot.
"Kaya yan." Sabi nito na kinindatan pa siya.
Bumaba sila sa kotse na tumuloy na sila kung saan ang office ng tita nito.
"Oh Mr. Aragon pasok na po kayo sa loob kanina pa po kayo inihintay ni Ma'am Ally.
"Thank you Miss Anne." Nakangiting sagot ni Keith.
Bumaling ang babae sa kanya na parang pinag-aaralan nito ang itsura nya pero nakangiti ito sa kanya. Lalo tuloy syang nenerbyos.
Pumasok sila sa isang kwarto at nakita nya doon ang isang babaeng matangkad at napakaganda. Nasa forty years old siguro ang edad nito.
Nilapitan sya nito at sinuri ang kanyang itsura at inikotan pa siya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang pa.
Iniyuko niya ang kanyan ulo dahil nahihiya sya sa paraan ng pagsuri ng tingin nito sa kanya.
Naramdaman niyang inangat nito ang kanyang mukha at malawak ang ngiti nito sa kanya.
"So, finally I meet you." Halatang natutuwa ito at niyakap pa siya.
"So?" Tanong ni keith na parang naintindihan naman ng tita nito.
" yes, she's perfectly fit for our project." Natutuwang sagot naman ng tita Ally nito.
"Kunting make over lang at ok na siya." Wika nito na pinasadahan uli sya ng tingin.
"Sa Bora ang first shot natin. Ok lang ba sa inyo na isabay sa baksyon natin?" Tanong nito sa kanila. Tahimik lang syang nakikinig sa mga ito. Bahala na si Keith sabi niya sa sarili dahil hindi naman niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito.
*. *. *
"Kuya sa mismong kasal mo na ako darating ha kasi pupunta pa kaming Boracay. May trabaho lang na kailangang taposin." Paliwanag nya sa kuya nya habang kausap niya ito sa cellphone.
"Bunso naman, baka hindi ka makaabot niyan?" Reklamo ng kuya niya. Matagal na niyang hindi nakita ito. Kasi ang dumadalaw lang sa kanya ay ang kanyang tatay at nanay.
Napatawa sya "Pwede ba namang hindi." Paninigurado naman niya.
"Siguraduhin mo lang. sayang yong partner mo ang gwapo pa naman." Biro nito sa kanya. Hindi kasi lihim dito na may crush sya sa amo nito.
"Kuya pag nakita ko siya, pwede ko na ba siyang paibigin?" Tukso nyang tanong sa kapatid. Alam nyang maiinis ito sa tanong nya.
"Matanda naman na ako, isang taon nalang graduating na din ako. Baka naman.." biro uli niya dito. Palagi kasi siya nitong pinapagalitan at sinisermunan pag kinikilig siya sa amo nito. Nakakahiya daw kasi mahirap lang sila. Baka daw sabihin nito na kerengkeng siya haha. Hehe..Kung alam lang nito.
"Magtigil ka Elling. Hindi parin pwede." Inis nitong sagot.
"O sige hindi nalang ako uuwi. Kasi pag nakita ko siya baka maakit ko pa sya ang ganda ko pa naman ngayo."
"Wag mo akong subukan Elling. Mananagot ka sa akin." Banta ng kuya nya. Pero alam namang nilang biroan lang nila iyon.
*. *. *
"Mom, dad.This is Ella, my friend" Masayang ipinakilala sya ni keith sa mga magulan nito. Kimi syang ngumiti at bahagyan pang iniyukod ang kanyang ulo para magbigay galang. Matagal na silang magkaibigan ni Keith pero ngayon lang nya nakilala ang mga magulang nito.
"Hello po ma'am, salamat po sa pagpayag na makasama po ako ngayon sa inyo."
"Oh. Hello dear." Magiliw na bati ng ina ni Keith at niyakap pa siya at hinalikan sa pisngi. "Keith is right. Your so beautiful honey." Nababakas ang paghanga sa mga mata nito. "And call me tita. At tito naman sa asawa ko." Malambing na wika nito sa kanya.
"Ngayon masasabi ko nang malas ang dalawa dahil hindi sila sumama." Sabi naman ng ama ni Keith. Hindii nya magets ang sinabi nito pero tumawa si Keith at ang ina nito.
Tumuloy sila sa iisang suit, magkakasama sila. May sari-sarili silang kwarto ni keith at ang mga parents nito. namangha siya dahil napakagara nito. Para na itong bahay, tatlo ang kwarto at kumpleto ang gamit sa loob.
"What do you think hija?" Tanong ng ina ni Keith sa kanya na parang nakita nito ang reaction.
"Napakaganda po tita, ngayon ko lang po maeexperience ang ganito." Namamangha niyang sagot.
Tumawa naman ang mga kasama nya na parang naaaliw sa kanya.
"Don't worry. Palagi na kitang isasama sa mga ganitong lakad." Sabi ni Keith at inakbayan siya.
"Aalilain mo lang ako e." Simangot na sagot niya dito. Ngumiti naman ang mag-asawa sa sinabi nya.
Kinabukasan ay dumating ang staff ng tita nito para sa shot nila. Kinakabahan siya ng makaayos na sila.
"Wow.. what the f**k!" Mura ni Keith ng makita ang ayos niya. Kinulot nila ang mahaba niyang buhok, kunting make up na nagpatingkad ng kanyang ganda at sinuotan siya ng dress na kitang kita ang hubog ng kanyang baywang.. nakauka ang likod nito pero bahagyang natatabingan ng kanyang buhok. hanggang tuhod kaya kitang kita ang kanyang binti na mahahaba, perpekto ang hugis nito.
Mas lalong kuminis at pumuti ang kanyang balat dahil sa pamamalagi niya sa maynila kaya lalo siyang gumanda pero palaging jeans at blouse lang ang sinusuot niya at di rin siya nagmimake up.
Kahit na ganon ang ayos niya araw araw ay marami parin ang napapatingin sa kanya pero walang nanliligaw. Siguro dahil alam ng mga ito na boyfriend nya si Keith dahil sila ang palaging magkasama.
"Perfect!" Puri ng tita ni keith na mukhang nasisiyahan sa ayos niya.
"So, pwesto kana doon at magpose ka lang ng kahit ano basta yong parang natural lang. mamaya yong dalawa kayo ni Keith dahil kailangang kong ipromote itong brand ng damit na ito." Utos nito sa kanya. Kanina pa sya pinagpapawisan at nanginginig ang kamay pero sinasarili lang nya.
"Good luck Ella. Kaya mo yan" masyang sabi ni Keith at hinalikan pa siya nito sa pisngi na ikinahagikgik ng tita nito.
"Ayeee.. ang sweet naman ng pamangkin ko." Kinikilig nitong tukso sa kanila na tinawanan lang nila ni Keith.
Pumunta na sya kung saan siya pupwesto pero nanginginig na talaga ang mga tuhod niya.
"Ok look at the camera." Utos ng camera man tumingin naman siya pero habang nakatingin siya doon na panay ang flash ay lumitaw ang larawan ng isang lalaki nakalislis ang damit nito hanggang dibdib. Hawak nito ang a-ari nito. Pataas pababa pataas pababa habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang malaking larawan.
Gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakbo pero hindi siya makagalaw hindi siya makasigaw. Takot na takot siya ayaw niya itong tignan pero hindi niya maalis ang tingin nya dito. Ramdam niya ang luha sa kanyang pisngi pero hindi siya makagalaw.
Hiyaw siya ng hiyaw pero walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
Lumapit ito sa kanya. "Huwag!!!" Sigaw niya pero wala paring boses na lumalabas sa bibig niya. Kinuha nito ang kanyang kamay na nanginginig. Wala siyang magawa. Patuloy parin na tumutulo ang luha sa kanyang mga matang nakatitig parin sa lalaki ng punong puno ng pagnanasa sa mga mata nito.
Naramdaman niyang pinahawak nito ang ari nito sa kanya . Matigas iyon mainit at pumipintig. Hawak nito ang kanyang kamay na nakahawak sa ari nito.Pataas pababa pataas pababa. Hindi na siya makahinga dahil sa sobrang takot. Hanggang sa nagdilim ang kanyang paningin.
*. *. *
"Ella! Ella!" Malakas na sigaw ni Keith sa dalagang nakatingin lang sa kawalan. Nanginginig at takot na takot. Tumutulo ang mga luha nito sa mga mata. Nasabi nito sa kanya na may phobia ito sa camera pero hindi niya alam na ganito ang ipekto nito sa kaibigan.
Niyakap niya ito. "It's ok, it's ok. I’m here." Bulong niya na punong puno ng pag aalala. Hinahaplos haplos niya ang buhok nito. Pero parang naninigas parin ang katawan nito at hindi nagreresponse. Hindi niya alam kung naririnig siya nito. Dali dali nya itong binuhat at dinala sa kanilang villa. Hanggang sa doon na ito umiyak ng umiyak at ng mapayapa ay napatulog na din nya.