Pagdilat ng mata ni Ella ay puting kurtina na ang bumungad sa kanya.
"Gising kana?" Bakas ang pag aalalang tanong ni Keith na nakaupo sa kama niya at agad itong umalis sa pagkakasandal sa headboard ng kama at hinarap sya. Katabi niya ito. Dahan dahan siyang bumango at agad naman itong umalalay sa kanya. Sumandal naman siya sa headboard pero ito ay hinarap naman siya at hinawakan ang isa nyang kamay.
"Okey kana?" Masuyong tanong uli nito sa kanya. Halata parin ang pag aalala.
"Oo." Nahihiya nyang sagot. "Sorry." Napayuko sya para sana itago ang pangingilid ng kanyang luha pero hindi parin pala nya napigilan ang likidong pumatak sa kanyang pisngi.
"Hsssss...." niyakap siya ni Keith at inalo. "Okey na...sorry din kung pinilit kita." Masuyo nitong hinahaplos haplos ang kanyang buhok para pagaanin ang kanyang pakiramdam. Siya namang pagpasok ng mga magulang at ang tita Ally nito. Kaya humiwalay siya agad sa yakap ni Keith at pinunas ang kanyang luha.
"Ayos kana hija?"nag aalala ding tanong ng ina nito ng makalapit sa kanila.
"Sorry po." Nahihiya nyang sambit habang nakayuko ang ulo.
Nahihiya sya lalong lalo sa tita ni Keith na nagtiwala sa kanya.
"Ayos lang hija, huwag mo nang isipin iyon."
"Anong nangyari sayo hija bakit ganon nalang ang takot mo kanila? May trauma kaba? " Hindi mapigilan tanong ng tita Ally ni Keith.
Hindi siya agad makasagot. parang hindi niya kayang sabihin ang nangyari sa kanya noon.
"It's ok hija. Kung hindi mo pa kayang sabihin hindi ka namin pipilitin." Mapang unawang wika ng mga ito sa kanya.
"Anyway, cancel ang flight natin dahil malakas ang bagyo wala ng bibyahe." Pag iinform ng tatay ni Keith.
Napabuntong hininga si Keith. Napatingin sya sa kamay nyang hawak hawak parin pala nito. "Pano iyan, hindi kana aabot sa kasal ng kuya mo?" Malungkot na sabi ni Keith sa kanya.
Pinilit nyang ngumiti. Alangan naman ipilit pa nya. "Okey lang wala naman na tayong magagawa e.Tatawagan ko nalang siya mamaya." Malungkot niyang sagot.
Paniguradong magtatampo ang mga ito sa kanya.
Buong araw sila nakatambay sa loob ng suit nila kasama ang mga magulang nito. Mababait ang mga ito. Wala na ding nagbanggit ng nangyari sa kanya sa photo shot nila.
Nagkwentuhan sila, naikwento niya sa mga ito ang hirap nilang mga estudyante sa kanila. Kung papaano ang buhay nila sa probinsya.
"Kung kailangan mo ng tulong hija magsabi ka lang ha." Sabi ni Tita Inna ang nanay ni keith.
“Salamat po Tita pero okey lang naman po ako. Palagi po kasi akong pinapakain ni Keith kaya nakakatipid po ako sa allowance." Kinindatan naman niya si Keith.
"Kaya Ma. Dagdagan niyo ang allowance ko dahil malakas kumain yan." Biro naman nito sa kanya. Kaya pinanlakihan niya ito sa mata.
"Asus.. mas maigi na iyong sa kanya maubos ang allownce mo kaysa sa mga walang kabuluhang bagay." Sermon nito sa anak.
"Mahiya ka naman oy... inaalila mo nga ako. Sino bang naglilinis ng condo mo? Sinong pinaglalaba mo?" Sinong nagluluto?" Taas kilay naman nyang tanong dito.
Ipinaglilinis kasi niya ito minsa pag pumupunta siya doon. Hindi naman mahirap linisan ang condo nito konting vacuum lang at punas ok na. Dahil hindi naman makalat ang binata. Pinaglalaba. Washing machine naman kaya walang problema. At siya din ang nagluluto kasi puro restauranant ito kumakain.
"Ayon.. kaya naman pala ayaw mo nang papuntahin si manang sa condo mo dahil may taga linis ka na pala." Buska ng ina na ikinatawa nya.
"Hehe.. yon lang." Natatawang wika nito saka napakamot ng ulo.
*. *. *
Congratulation bro. And best wishes." Masaya nilang bati sa mag-asawa. Kadarating lang nila sa Sitio, dumaan lang sila sa resthouse niya para iwan yong mga gamit nila at dumiretso na sila sa bahay ng mga ito. Ngayong punta nila ay hindi na sila naglakad dahil sinakyan na nila ang kanilang mga big bike.
"Salamat bro at nakarating kayo." Masaya silang sinalubong ni Bryan.
"Marami ka bang bisitang dalaga tol?" Tanong ni Macky kaya binatukan ito ni Tim kaya nagtawanan sila.
Actually, bukas pa talaga ang kasal. Bisperas palang ngayong araw may sayawan daw mamayang gabi. First time nilang makaattend ng ganitong kasalan kaya excited sila. Siya naman ay hindi iyon ang inaabangan nya.
"Tuloy na kayo at makakain muna kayo." Yaya ni Bryan at naging aligaga na sa pag istima sa kanila. Ala una na din kasi ng hapon.
Marami na ang bisita at marami ang nagtutulong tulong sa pagluluto, halatang pinaghandaan talaga. at busy ang mga taong kanya kanya ang ikot para gampanan ang kanikanilang gawain.
"Nandito na pala ang mga gwapong binata. Aruu.. madaming dalaga mamaya panigurado." Salubong ni Aling Lilia nong makita sila. Nagsimano naman silang anim.
Nadatnan nila itong kausap ang isang ginang sa hapag kainan. Hula niya ay magsisimula palang itong kumain.
Ipinaghanda sila ng makakain, kasabay nila ang ginang sa hapagkainan.
"Nay tumawag naba si Bunso?" Tanong ni Bryan na nasa likuran na pala nila.
"Hindi pa e. Pero anak malabo ng makauwi iyon." Malungkot na sagot ni Aling Lilia. Halatang inaamo ang anak. "Malakas daw kasi ang bagyo at kanselado na daw ang beyahe." Dagdag pa ni Aling Lilia.
"Iyon nga ang sinasabi ko sa batang iyon e. Malilintikan talaga iyon sa akin." Sumama ang mukha ni Bryan at ramdam ang tampo sa boses.
Nakikinig lang sila sa mga usapan ng mga ito. Siya naman ay parang nawalan siya ng gana sa narinig.
"Anak, alam mo namang hindi hawak ng kapatid mo ang sitwasyon. Mainam na iyong patapusin muna nila ang bagyo bago sila bumiyahe." Pagpapaintindi naman ni Aling Lilia sa anak.
"Kumusta na pala ang anak mong iyon kumare?" Singit nong ginang kay Aling Lilia.
May lungkot man pero napangiti ang matanda."Ayos naman kumare, iyon nga at isang taon nalang ay gragraduate na din sa wakas." May pagmamalaki sa boses ni Aling Lilia.
"Swerte mo sa anak mong iyon ano. Buti nalang at hindi siya naapektuhan sa nangyare sa kanya noon." Anang ginang.
Kumunot naman ang kanyang noo sa narinig.
Napahinga si Aling Lilia. "Oo nga kumare. Pagkatapos naman iyon nangyare kumare, parang wala lang naman sa kanya. Nakalimutan yata niya agad." Sagot naman ni Aling Lilia. Halatang gustong iwasan ang ano pang tanong ng kumare.
Napuzzle siya 'anong nangyari sa kanya' tanong niya sa isip. Alam niyang nakikinig din ang mga kaibigan niya.
"Sabagay bata pa naman siya noon." Kumento ng ginang.
"Napakaganda na siguro niya ngayon." Anang ginang na ito na ang naglihis ng usapan.
"Abay oo kumare. Lalong gumanda e." Masaya naman sagot ni Aling Lilia.
"Abay napakaganda naman na talaga niya noon pa man kumare." Nakangiting wika namanng ginang.
Mayroon siyang naramdamang inggit dito 'buti pa siya alam ng maganda ka' inggit na naman sya.
"Sayang at hindi na naman yata namin makikita ang dalaga mo Nanay Lilia." Sabi ni Tim pero lihim na tinapik sya sa likod. Tanda ng pakikiramay sa kanyang damdamin. Mapait syang napangiti.
"Oo nga anak. Kahit iyon, paniguradong nanghihinayang din dahil matagal ng hindi nakauwi e." halata ang lungkot sa boses.
"Manliligaw pa naman sana kami."biro naman ni Jef.
"Aba eh hindi kayo lugi sa anak ko. Kaya lang luka luka lang kasi minsa."
Napatawa sila. "Basta maganda po kahit lukaluka." Natatawang sagot naman ni John.
"Mabait naman kahit ganon lang iyon. Kaso wala e. Hindi talaga siya makakauwi." May lungkot sa boses nito. "Paniguradong manghihinayang yon. Ang crush pa naman sana nya ang partner niya." Makahulugang tumingin sa kanya at ngumiti.
Nagtinginan silang anim.
"Sino po ba dapat ang partner niya?" Curious namang tanong ni Alex.
"Nay.. tinatawag po kayo ni tatay." Tawag ng isang kapatid ni Bryan.
"Ay. Sige ituloy nating ang usapan natin sa susunod." Paalam naman ng matanda sa kanila bago pa nasagot ang tanong ni Alex. Pero tinapik nito ang balikat sya.
"Haha.. may nanalo na!" Tukso naman ng mga kaibigan nya sa kanya dahil alam ng mga ito na sila ang magpartner sana.
"Mga gago kayo. Magsitigil nga kayo." Nahihiya nyang saway pero may pinipigilang ngiti sa labi. Naiiling naman ang ginang na kaharap nila.
"Hindi nyo pa nakikita iyong dalaga niya?" Tanong ng ginang sa kanila.
"Hindi pa po." Halos sabay sabay nilang sagot.
"Abay sayang nga at hindi niyo pa nakita." Makahulugang sabi nito.
Kinagabihan ay talagang nag-enjoy ang mga kaibigan niya dahil may sayawan. Palagi naman sila sa bar nakikipagdisco din sila minsan pero iba parin pala ang sayawan sa baryo. Natatawa nga siya sa mga ito dahil nagpupustahan sila kung makukuha nila ang number nong isang dalaga. Magaganda ang mga dalagang nakaupo. Pili ka lang kung sino ang gusto mong isayaw.
"Hindi talaga kayo pinagtatagpo noh?" Tapik ni Alex sa balikat niya habang abala siyang pinapanood ang apat niyang kaibigang nagsasayaw sa gitna.
"Oo nga e." Nanghihinayang niyang sagot.
"Oras na siguro para gumawa na ako ng paraan para magkita kami." Dadag pa niya.
"Ayon! 'Kaw lang naman e. Kung papalarin ka sa kanya kahit hindi pa siya tapos e pwede mo naman suportahan sya sa kanyang mga pangarap diba." Ayon nito sa kanya na parang natuwa sa kanyang sinabi.
Kinapa nya ang kanyang kwentas at inilabas iyon sa kanyang damit. Hinaplos ng daliri nya ang pendant nito.
"Iba ka ring tamaan tol e." Biro nito sa kanya noong nakita nito ang ginawa niya.
Tinawanan lang niya ito.
"Tsk.. wala pa lang sigurong nakakatumbas sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko naman linilimitahan ang sarili kong magkagusto sa iba dahil sa gusto ko siya. Kung tutuusin nga naghahanap ako ng iba dahil nga bata pa siya. Pero wala talaga e." Sabi niya dito.
"Naks... lupit!" Kantyaw pa nito sabay tapik sa balikat.
"Ikaw, may nakuhanan kana bang number diyan?" Sabay nguso nya sa mga dalagang nakaupo sa may bulwagan.
"Madami na." Sabay humalakhak. "Ako pa." Sabi pa nito at kinindatan siya.
"Ang sarap palang ikasal dito noh." Ani Alex habang pinapanuod ang apat na nagsasayaw.
"Pero teka ang daming tao e iilan lang naman ang mga bahay dito a." Takang tanong ni Alex kay Ron.
"Mga dayo yong iba." Sagot naman niya habang inililibot ang kanyang paningin.
Mapanuksong binunggo ni Alex ang balikat nya."Di pag kayo ang nagkatuluyan ni ganda ganitong klase din ang kasal ninyo? Syempre iyong masbungga dito." Biro pa ni Alex sa kanya.
"Lol." Ngiti niyang sabi dito. Tinapik uli siya nito sa balikat.