Kasal ng aking mahal

1970 Words
"Dad.I don't love her." Giit niya sa kanyang ama. "At ano mag-iipon ka ng bastardong anak ganon ba ha?" Galit na sigaw ng kanyang ama habang dinuduro sya. Napakuyom sya. "Kung ayaw mo ng responsibilidad sana nag-iingat ka." "Lasing ako noon dad. Hindi ko nga alam kung may nangyari sa amin e." Giit parin niya sa ama. Kaya halos masapak sya pero maagap ang kanyang ina. "Okey, how can you explain that to your Tito Bobby ha. Mahiya ka naman. Nag-iisang anak niya iyon tapos gagagohin mo lang!" Namumula ang mukhang ng kanyang papa. Halatang pinipihig lang nito ang sarili.Ang kanyang ina at kanyang mga kapatid ay tahimik lang na nakikinig. Alam ng mga ito na mahirap ang sitwasyon niya. Si Kimberly ay anak ni Mr. Bobby Montez na malapit na kaibigan ng pamilya nila. Parang kapatid na ito ng kanyang ama. Kaya turing kapatid lang din ang turing nya sa dalaga kaya nagulat nalang siya na noong birthday nito ay sa sobrang kalasingan nila paggising niya ay nasa iisang kama nalang sila at walang suot. At naabutan sila ng ina nitong ganon ang ayos. After a month nga ay buntis ito at siya ang itinuturong ama. "And what do you want me to do dad, pakasalan ko siya?" Masama ang loob nyang tanong sa ama. "Dahil iyon ang tama!" Galit nitong sigaw. "Pero alam kong walang nangyari sa amin." Giit nya uli na halos maluha na. "At anong sasabihin mo sa kanila na nagtitigan kayo magdamag ng nakahubad?" Sarkastikong wika naman ng kanyang ama. "Isipin mo ang Tito Bobby mo. Itinuring niya kayong parang mga anak." Konsensya pa nito sa kanya. Napabuga sya ng hangin dahil nagsisikip ang kanyang dibdib. "Okey, Pakakasalan ko siya pag napatunayan kong ako ang ama ng bata. Gusto kung sumailalim kami sa DNA test." Pagmamatigas niya at padabog ng tinalikuran ang mga ito. Tinatawag sya ng kanyang ama pero hindi na nya ito pinansin. Makalipas ng ilang araw ay nalaman nalang niyang nasa hospital ang dalaga at hindi maganda ang lagay nito. Wala siyang magawa kundi pakasalan nalang ito. Isusuko niya ang kanyang kalayaan para sa ikakabuti ng lahat. Dahil pag hindi niya ito pakakasalan ay malamang masisira ang pagkakaibigan ng kanilang pamilya na matagal na nilang iniingatan. *. *. * "Damn!" mura ni Ron dahil nagising sya sa ingay ng doorbell, idagdag pang masakit ang ulo niya dahil sa hang over. Mula ng nag decide syang pakasalan si Kimberly ay halos gabi gabi na siyang umiinom kasama niya ang lima niyang kaibigan. Pinipigilan siya ng mga ito pero wala namang magawa kundi samahan siya. Ayaw sana niyang pansinin iyon kaya lang baka ang nanay na naman niya, siguradong makakatikim na naman siya ng katakot takot na sermon dito. Kasi noong last na pumunta ito ay hindi niya pinagbuksan dahil masakit ang ulo niya ng dahil din sa hang over kaya napilitan itong ipabukas ang kanyang unit. Pero pagbukas niya ay bumungad ang mukha ni Kimberly. Kasal na nila bukas at ang huli na nakausap niya ito ay noong pinag-usapan ang ditalye ng kasal nila. Simple lang magiging kasal nila. Garden wedding at ang pamilya lang nito at pamilya nya at mga kaibigan nila ang imbitado. "Ron, c-can we talk?" Alanganing tanong nito sa kanya. "Hindi kana ba makapaghintay para bukas?" Hindi nya itinago ang pagkairita sa boses. "Please Ron." Pakiusap nito kaya linuwagan nya ang awang ng pinto at nauna na syang pumasok. Sumunod naman ito sa kanya. Tuloy tuloy siya sa kusina at nagtimpla ng kanyang kape. Hindi niya ito tinanong kung gusto din nito ng kape o hindi. Pero alam niyang nakasunod lang ang tingin nito sa kanya. "R-Ron I'm sorry." Mahina iyon pero dinig na dinig niya. Tumigil sya sa paghalo ng kape niya. Pero hindi niya ito nilingon. "R-Ron please, talk to me." Pakiusap at bahagyang pumiyok ang boses. Alam niyang naiiyak ito. "What do you want me to say?" Halos bulong lang iyon pero may diin at nakakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi ito sumagot pero narinig ni Ron na sumisinghot ito kaya alam niyang umiiyak ito. Kaya hinarap niya ito. "Why you did that to me? Ang ipaako sa akin ang hindi ko anak. Sa tingin mo makakaya kong magsaya." Nakakuyom ang kanyang kamao para pigilan ang sarili para hindi nya ito mapagbuhatan ng kamay. "Sorry.." Nakatungo parin ang ulo pero humagulgul na sa iyak. "Sorry? Sa tingin mo may magagawa ang sorry mo?" Gilit niyang tanong.. Kaya tinalikuran nalang niya uli ito at tinukod ang kanyang nakakuyom na kamay sa may lababo. "I was rape." Mahina iyon pero parang nag echo sa kanyang pandinig. "I was rape." Ulit pa nito ng mas malinaw pero napahagulgul sa huli. "What do you mean you was r**e?" Kunot ang kanyang noo na tumingin dito. Pero umiyak lang ng umiyak kaya binigyan nya ito ng tubig. Nanginginig pa ang mga kamay nitong inabot ang baso. Pinag hila niya ito ng isang upuan ng misa at inalalayang makaupo doon at humila din siya ng upuan at umupo din sya paharap dito. Kahit papaano ay nakaramdam sya ng habag sa babae. Sinisinok na ito ng magsimulang magkwento. "I was d**g then. Paggising ko mag-isa na ako sa kwarto, walang suot at alam kung may nangyari sa akin." Kusa nitong kwento habang nanginginig pa ang mga kamay. "Bakit hindi mo sinabi. Bakit hindi mo nireport sa pulis?" Napamura sya sa sarili. Alam nyang naging malupit sya dito. Panibagong luha ang tumulo sa mga mata nito. " ayaw kung maiskandalo... ang balak ko kalimutan ko nalang ang nangyari pero heto nga at nabuntis ako. Mahina ang puso ni daddy. Sa tingin mo, kaya niyang tanggapin ang nangyari sa akin pag nalaman niya." umiiyak na tanong nito aa kanya. "So anong plano mo ngayon?" Kunot noo niyang tanong dahil hindi niya nababasa ang tumatakbo sa utak nito. Nagsusumamong tumitig ito sa kanyang mga mata. "Please ituloy natin ang kasal. Pagkatapos ng dalawa o tatlong taon maghiwalay tayo. Sabihin natin na hindi nag work out ang relasyon natin." May pagmamakaawa sa boses nito. "Please kailangan ko ang tulong mo.". Napaisip siya sa sinabi nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Hindi kita pakikialaman promise. Kahit mangbabae ka. Magagawa mo parin ang gusto mo." Pagmamakaawa nito para pumayag lang siya. Napabuntong hininga sya. Kaya na ba talaga nyang isuko ang kalayaan nya. Kaya ba nyang tikisin ang dalaga. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Ok. Darating ako bukas." Buo na ang pasya nya.. Dahil sa bugso ng damdamin ay niyakap siya ng dalaga at napahagulgol uli ito sa dibdib nya. "Thank you. Thank you so much."Napahagulgol ito habang nakayakap sa kanya. *. *. * Kilig na kilig si Ella habang pinapanood ang dalawang magsing irog na nasa harap ng ginawa nilang altar para sa kasal na iyon. Nagtatago siya sa isang halaman sa may bandang likod dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga bisita. Nalate kasi sya sa usapan nila ni Keith. Kanina pa siya tinatawagan nito pero dahil nag-aalburuto ang tiyan nya ay hindi sya nakabeyahe ng mas maaga. Kasal nang kuya nito at inimbitahan lang siya. Ayaw nga sana nya pero mapilit ito at binilhan pa nga siya nito ng maisusuot niyang damit. Bilang lang ang mga nandoon kaya mapapansin siya agad pag lumapit siya kay keith kaya nagdecide siyang pagkatapos nalang ng seremonya siya lalapit. Magsusuotan na ang mga ito ng singsing kaya nakikita na niya ang itsura ng mga ito sa bandang gawi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bunganga ng makilala ang taong ikinakasal. Si Ron. Hindi sya pwedeng magkamili. Dahil kahit napakatagal na nya itong hindi nakita ay kilalang kilala nya ito. Ito ang taong laman ng kanyang panaginip. Ang taong crush na nya mula second year high school siya. Ang taong unang halik nya. Ang taong naging inspirasyon nya para magsumikap na matupad ang kanyang mga pangarap bukod sa pamilya nya. Para bumagay sya dito. Ang taong mahal niya ang nasa harapan ngayon ng altar. Hindi nya namalayan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. Matagal siya sa ganong ayos. hindi siya makagalaw. Nakatitig parin siya sa dalawang taong nagsusumpaang magsasama habang buhay. "You may now kiss the bride." Narinig niya pero hindi siya makagalaw at nakatitig parin siya sa mga ito. Parang kutselyo bumaon sa kanyang puso ng makitang ginawaran ng lalaki ng halik ang asawa nitong babae. 's**t! Ang sakit!'Sigaw ng kanyang isip. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang dibdib dahil parang hindi siya makahinga. Hanggang sa hindi niya inaasahang mapatingin ito sa gawi nya dahil nakaharap na ang mga ito sa mga bisita nila. Nagtama ang kanilang mga mata. Tumulo ang kanyang luha. Napaawang ang labi nito na parang natigilan at para bang nakilala sya. Nagtagal ang titigan nila ng mga ilang minuto at sya ang unang nakabawi. Nagmamadali siyang umalis sa lugar. Nang makalabas na siya sa gate ay tumakbo siya para makalayo sa lugar na iyo. Nang may makita siyang taxi ay agad nya iyong pinara at sumakay. Pagkasakay niya sa taxi ay humagulgul siya kaya napatingin naman ang driver sa kanya. "Ayos lang kayo ma'am" Nag aalala tanong ng driver na lalong lumakas naman ang pag-atungal niya. "Ma'am, sabihin mo muna kung saan ka bababa bago ka uli umiyak." Napapailing nitong sabi kaya pautal utal man ay nasabi nya kung saan sya baba. Sa isang park siya bumaba. Naupo lang siya sa isang bench doon. "Bakit ka umiiyak?" Inis nyang kausap sa sarili. "Ni hindi ka nga yata non kilala e" away nya sa sarili habang tumutulo parin ang luha. "Bakit ako nasasaktan. Ang tagal tagal na noon eh.” Maktol nya sa sarili. “Natural lang na may mahanap na siyang iba dahil matanda na siya.Dapat ng mag-asawa. Anong gusto mo hintayin ka niya e hindi nga yata nito alam na nabubuhay ka." Ilang oras na siya doon ng maalala niya ang kanyang kwentas. "Ang daya mo naman. Hindi mo man lang ako hinintay. Ni hindi mo pa nga yata ako nakikita e. Bakit hindi mo man lang binigyan nang pagkakataon na mapalapit sayo bago ka mag-asawa." Kausap niya sa kwentas niya. "May paheart heart ka pang nalalaman." Natigilan sya ng biglang nagring ang kanyang cellphone. Tinuyo nya ang luha at ilang tikhim ang ginawa para sagutin iyon. "Nasaan kana?" Bungad ng nasa kabilang linya. "Hoy! Nasan kana ilang oras ka ng nasa biyahe a." Sermon uli nito sa kanya. Sabi kasi niya bumibiyahe na siya kanina. Napanguso sya. "A. A-andito ako sa clinic kasi sumakit uli ang tiyan ko kanina habang nasa bihaye ako. Kaya hindi na ako tumuloy diyan." Pagsisinungaling niya dito. "Ayos kana? Anong sabi ng doctor? Dapat tinawagan mo ako agad kanina." Sunod sunod na tanong nito sa kanya. "Saan yan? Pupuntahan kita" sabi pa nito. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya. "Okey na ako. Paalis na nga ako e. May nakain lang daw ako na hindi kinaya ng tiyan ko." Paliwanag niya dito para hindi na ito mag-alala sa kanya. " niresetahan ako ng gamot. Bibili nalang ako." Sabi pa niya. "Deretso ka sa condo, doon ka muna. Pagkatapos dito uwi ako agad." Sabi nito sa kanya. "Hindi na. Sa boarding nalang ako. Okey naman na ako e. Hindi na masakit ang tiyan ko." Nakukonsinsya siya dito. "O sige pag lumala yang sakit ng tiyan mo, tawagan mo ako agad ha." Bilin pa nito. "Oo na, salamat sa lahat." Sabi niya na pumiyok ang kanyang boses. "Wait umiiyak kaba?" Tanong nito sa kanya. " natouch lang kasi ako sayo. Buti nalang at nandyan ka palagi pagkailangan kita." Palusot nya dito. "Anong kadramahan yan ha.?" Nagtataka nitong tanong. "Sigurado kang okey ka lang?” Kahit na umiiyak ay naatawa parin siya dito. "Oo nga sabi. Okey lang ako. Sige na." At binaba na niya ang kanyang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD