"Ella please don't leave me..." pagmamakaawa niya sa dalaga. Nakita nyang basang basa ng luha ang mga mata nito at napakalungkot ng mukha.
"Ella. Babe. Please.. Ella!"
"RON, RON!"
Nagising siyang tinatapik ni Kimberly ang kanyang pisngi. Nasa kwarto sila at nasa may couch siya nakatulog dahil ito naman sa kama. Hindi sila magkatabing natulog.
"Ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong nito at kunot sa noo.
Natigilan siya dahil sa tanong na iyon. Naalala niya ang kanyang panaginip. Ngayon ay malinaw na malinaw ang mukha nito sa kanyang isip. Kung gaano kalungkot ang mukha nito.
Napasabunot siya sa kanyang buhok. 'Bakit siya ang nasa panaginip ko ngayon.' Tanong niya sa sarili. 'Ganon na ba kasidhi ang kagustohan kung magkaroon ka ng mukha para gumamit na ang isip ko ng ibang mukha?' Naguguluhan siya dahil ang nasa panaginip niya ngayon ay iyong babaeng nakita niya kahapon sa mismong araw ng kasal niya.
Nakita niya itong parang umiiyak habang nakatingin lang sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatingin din siya dito. Inaalala niya ang mukha nito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
Maganda ito. Parang anghel ang maamo nitong mukha. Ang mahaba nitong buhok na itim na itim ay kinulot. Halos umabot iyon hanggang sa baywang nito. Nakadress ito ng kulay pink na halos umabot lang sa tuhod ang haba. At may nakasukbit na sling bag sa balikat nito.
Hinanap niya ito pagkatapos ng picturetaking nila pero hindi niya ito nakita.
"Ayos ka lang?" Tanong uli ni Kimberly at parang sinusuri sya.
"Huh? A. Oo. Ok lang ako." Sagot niya na pilit winawaksi ang mukha sa kanyang panaginip.
Iniwas nya ang tingin. "Balik kana uli sa pagtulog at gigisingin nalang kita pag alis natin." Wika niya dito ng makita kung anong oras na.
Balak kasi niyang maglagi muna sa farm niya na tinutulan naman ng kanyang ama pero wala itong nagawa.
Si Keith naman muna ang papalit sa kanyang posisyon sa kumpanya nila. Dahil gragraduate na din ito sa susunod na buwan.Aalalayan muna ito ng kanilang ama.
Alam ng mga ito na labag ang pagpapakasal niya kaya hinayaan na muna siyang gawin ang gusto niya.
"Kuya. Uwi kayo dito sa graduation ko ha. Pag hindi ka umuwi hindi din ako uupo bilang kapalit mo." Banta ni Keith sa kanya.
"Tsk! Sige na." Inis naman niyang tapik dito.
Nagpaalam na sila sa mga ito. Nandito din ang kanyang biyanan.
"Anak, bibisita kami doon nila balae pagkatapos ng graduation ni Keith ha. Para naman makita namin kung saan kayo nakatira." Sabi nang kanyang ina.
"Sige po ma." Pilit nyang pinapasigla ang boses. Ayaw man niyang ipahalata pero alam niyang napansin nito ang pananamlay niya dahil nakita niya sa mga mata nito ang lungkot para sa kanya. "Everything will be alright son." Bulong ng kanyang ina ng yakapin sya nito.
"Thanks Mom. I love you." Paalam niya dito.
"Alis na kami dad." Paalam niya sa kanyang ama kaya tinapik nito ang kanyang balikat.
Si Kimberly naman ay yumakap at humalik sa kanilang mga magulang. At nagpaalam na din ito.
"Alis na po kami Ma. Dad." Sabi niya sa magulang ni Kimberly. Humalik sya sa biyanan niyang babae at tinapik naman sya sa balikan ng asawa nito.
Halos anim na oras silang bumiyahe kaya sinabihan nya si Kimberly na matulog muna kung inaantok. Gigisingin nalang nya ito pagdating nila.
Naiiling siya dahil ang alam niya ay ang taong napili nya ang ibabahay niya sa bahay nya ngayon sa farm pero hindi pala iyon matutupad. Ayaw sana niyang itira si Kimberly sa farm niya pero alam niyang magtataka ang kanyang mga magulang sa set up nila. Babalik nalang siguro sila doon pag natapos na yong pinapagawa nyang bahay sa exclusive subdivision sa Quezon City.
Hindi sila magsasama ng asawa katulad ng normal na asawa. At saka alam niyang kahit bumukod sila nang bahay ay mabubuko parin sila ng kanilang pamilya. Nag-iingat sila para sa lihim ng kanyang asawa. Pero linggid dito na nagpaembistiga siya sa nangyari dito at hinihintay nalang niya ang resulta nito.
Pagbabayaran nito ang ginawang pagsira sa buhay ng kanyang asawa. Labag man sa loob niya na pakasalan ito ay hindi parin niya maiwasang magalit kung sino man ang taong iyon dahil malapit ito sa pamilya nila.
Maghihiwalay man sila pagdating ng araw ay sisiguraduhin nyang magiging ama parin sya sa anak nito.
"Kim, kim, nandito na tayo." Gising nya dito.
Idinilat nito ang mata at tumingin sa labas ng kotse. Nakita niyang napaawang ang labi nito. Tinanggal nito ang kanyang seatbelt at hindi na nito hinintay na pagbuksan pa niya ito.
Bumaba siya at sumandal sa kanyang kotse at pinanuod lang ito. Maraming baka ang nangingingain sa paligid ng bakud ng bahay niya. Dahil kasali ito sa kulungan ng baka niya. Halos dalawang daan pa dahil kailan lang nong magbinta sila.Magkakasama ang mga ito palagi. Kitang kita ang green na green na paligid at ang malawak na taniman ng palay.
Nasa taas ng bundok ang kanyang bahay na two storey house. Lima ang kwarto nito. Pinaayos niya ang daan paakyat papunta sa bahay niya kaya makakapasok ang sasakyan niya. Hindi iyon sementado pero kayang akyatin dahil patag na. Habang wala siya ang tumatao dito ay ang asawa ni Bryan para maglinis dalawang besis sa isang linggo pero ngayong nandito sila ay sinabihan niyang araw araw itong pumasok para hindi din mainip at may makasama si Kimberly maliban sa kanya.
"Bahay mo 'to?" Takang tanong nito.
"Yup." Maiksi nyang sagot dito.
"Halika. Pasok muna natin ang mga gamit natin sa loob."aya niya dito saka niya hinila ang mga maleta nito. Kunti lang ang gamit na kinuha nya dahil may mga gamit naman na siya dito. Sumunod naman ito sa kanya.
"Mamaya nandito na yong katiwala ko dito. Sabi ko kasing tawagan ko nalang siya pag dumating na tayo." Sabi niya dito dahil tahimik lang itong nakasunod sa kanya.
"Sa tingin mo tatagal ka dito?" Tanong niya habang paakyat sila sa hagdan.
"Sa tingin ko mahal ko na dito." Masaya naman nitong sagot.
Napangiti sya sa sagot nito. "Mabuti naman. Dito muna tayo para malaya tayong makakilos." Paliwanag nya.
"One hour lang naman ang biyahe papunta sa bayan kaya pag araw ng check-up mo bababa tayo. Parang sa manila lang din. Kahit malapit e parang ang layo parin dahil sa bigat ng traffic." Biro niya dito na ikinatawa naman ni Kim.
"So, ito ang kwarto mo."bukas nya sa isang kwarto doon na katabi ng master bedroom. "Pag may kailangan ka ay sa katabi nito ang kwarto ko." Wika niya habang sinusundan parin nya ang tingin ang kilos nito. Natutuwa lang kasi sya dahil kitang kita nya ang tuwa sa mukha nito.
Pumasok naman si Kim at binuksan ang mga bintana at lalong namangha siya sa tanawin sa baba. Sinalubong ng mabining hangin galing sa labas. Napapikit siya. "Ang ganda" bulong niya.
"Gutom ka ba?" Tanong ni Ron kay Kim na nakapikit parin habang dinadama ang sariwang hangin.
"Hindi." Maiksi nitong sagot sa kanya.
"Maiwan na muna kita, kung magutom ka baba ka lang doon sa kusina bahala ka ng magkalkal ng makakain doon." Paalam niya dito. Pero bago siya lumabas ay tinawag niya uli ito.
"Kim." Tawag nya.
"Bakit?" Kunot noong tanong naman nito na humarap na sa kanya.
"Welcome home." Nakangiti niyang dito. Kahit ganito ang setwasyo nila ay gusto parin nyang mapanatag ang loob nito. Lalo na buntis ito at may pinagdadaanan. Parang nabigla ito sa sinabi nya at bigla nalang nangilid ang luha sa mga mata nito.
Dali dali itong pumunta sa kanya at niyakap siya. Alam niyang gaya din niya ay mabigat ang loob nito. Pero pagsusumikapan nilang maayos ang kanilang pagsasama para hindi masayang ang mga bagay na sinakrepesyo nila.
"Thank you very much Ron." Umiiyak na pahayag nito.
"Everything's gonna be alright. Tutulungan kita hindi man bilang asawa pero tutulungan kita bilang kaibigan." Pangako nya dito.
*. *. *
"So, anong plano mo ngayon?" Tanong ni Keith sa kanya habang kumakain sila. Last day na niya ito sa manila at uuwi na siya sa probinsya. babalik pa naman siya siguro pero papasyal nalang siguro siya.
"Hindi ko nga alam e. Parang gusto kung patusin muna yong Canada." Wika niya sabay kindat dito.
Kinukuha kasi siya ng bestfriend niya dahil nagtayo ang family nito ng restaurant doon. Pero hindi pa kasi siya nakapagpapaalam sa mga magulang niya. At saka gusto din nyang makasama muna ang mga ito dahil sa tagal niyang hindi umuwi.
Actually hindi na naman siya aattend ng graduation ceremony nila. Gusto niyang magcelebrate kasama ang pamilya nya.
"Hindi kana talaga aattend?" Panigurado nitong tanong sa kanya.
"Hindi na nga. Diba nga uuwi na ako bukas." Nakukulitan nyang sagot dito. "Pero yong bakasyon sa resort nyo sama ako ha." Sabi niya dito. Nagbabalak kasi itong magbakasyon sa private resort ng mga ito bago ito umupo sa company na pagmamay ari ng mga ito.
"Sige." Niyakap siya. "Mamimiss kita. Ikaw lang ang naging kaibigan ko, pano na ako pag wala ka?" Malungkot nitong tanong.
"Bakit kaya hindi ka nainlove sa akin noh?" Nagtatakang tanong nito sa kanya na ikinakunot naman ng noo nya.
"Ang pangit mo kasi." Biro naman niya kaya napasimangot ito. "Ikaw din naman diba. Pag pinapili ka. Ipagpapalit mo ba ang mayroon tayo ngayon kaysa maging tayo?" Seryoso nyang tanong dito.
Napaisip ito. "Parang hindi ko yata kaya." Alanganin nitong sagot sa kanya.
"Pag naging tayo tapos hindi naging forever tapos din ang pagkakaibigan natin panigurado."
"Malamang." Maiksing sagot nito sa kanya. "Pero pag humanap ka ng mamahalin mo yong hindi selosa ha." Bilin niya dito.
"Ihahatid kita bukas." Pang-iiba nito sa usapan nila.
"Hindi na. At saka kailangan mong maghanda para sa graduation bukas. Sorry kung hindi na ako makakapanood." Malungkot niyang sabi dito. "Paki sabi kila tita na salamat sa lahat. Magpapasalamat ako sa kanila ng personal pag nakita ko sila.
Alam nilang maninibago sila dahil maghihiwalay na sila pero kailangan nilang maghiwalay dahil magkaiba ang landas na tatahakin nila.
*. *. *
"Welcome home!" Malakas na sigaw ni Ella nang makarating sa bahay nila.
Hingal kabayo pa sya at naliligo na ng pawis. Kanina pa sana sya nakarating pero nagpagabi sa daan dahil gusto syang suprisahin ang kanyang pamilya. Malaki ang ipinagbago ng bahay nila dahil cemento na ito. Balita niya ay pinagawa ito ng dalawa nyang kuya. At mayroon na ding cementong bahay na nakatayo malapit lang sa bahay nila. Bali ang pagitan lang nila ay ang puno ng mangga na may papag na kawayan sa ilalim.
Madilim na kaya nasa loob na ng bahay ang mga tao kaya hindi siya nakitang dumating. Narinig niya ang kalabugan sa kabilang bahay at sa loob ng kanilang bahay. Madilim kasi wala pang kuryente.
"Elling?!" Sigaw na tanong ng kanyang ina mula parin sa loob at hindi pa nakakalabas sa pinto. Hindi yata nito mabuksan buksan iyon dahil nakakarinig sya ng kaluskus doon.
"Bunso!" Gulat na bulalas ng kanyang kuya na nasa likoran na pala niya. Hahaha! Nauna pa ito sa nanay niyang nasa loob parin.
Pumihit sya paharap. "Kuya..." niyakap niya ito ng mahigpit. "Miss na miss na kita..." nakangiti pero tumutulo ang kanyang luha.
"Ang laki muna." Wika nito at gumanti din ng yakap.
"Maganda na din ako kuya. Tignan mo pag nailawan ako." Pagmamalaki nya na parang bata na ikinatawa nito ng malakas. Ginulo pa nito ang buhok nya.
"Tanggalin mo kasi." Narinig nila ang boses ng kanilang ama sa loob at doon palang bumukas ang pinto.
"Elling anak!" Sigaw uli ng kanyang ina at sabik na dinamba siya ng yakap. Mabuti nalang at nasa likoran pa niya ang kanyang kuya kaya hindi sila natumba. Umiiyak ang nanay nya sa tuwa kaya ang siste ay nag iyakan sila. Ang tagal din kasi nyang hindi nakauwi.
"Tay graduated na po ako." Masaya nyang balita sa kanyang ama saka din ito mahigpit na niyakap.
"Mabuti naman anak at nakapagtapos ka din." Naluluha ding. Halatang proud na proud ang tatay.
Doon naman lumabas ang asawa ng kanyang kuya kaya nakilala nya ito ng personal. Si ate Bianca. At ang 2 years old na anak ng mga ito. Gabi na ng matulog sila dahil panay ang kwentuhan nila.