First meeting

2068 Words
"Good morning everybody!" Malakas at buhay na buhay niyang bati sa kanyang pamilya pagkalabas nya sa pintuan ng kanilang bahay. Sabay sabay ang mga itong nag aalmusal sa labas ng kanilang bahay. Doon sa papag na nasa ilalim ng mayabong na mangga . Medyo nahuli syang bumangon pero maaga pa naman, mag aalasais palang ng umaga. Ganon talaga ang gising sa baryo. Pangalawang tilaok palang ng manok ay gising na at babangon na. Hudya narin ng paghahanda para sa gawain sa buong araw. Hula nga nya ay tapos na ang nanay nya sa gawaing bahay dahil madilim pa kaninang nakakarinig sya ng kaluskos sa kusina. Tinungo nya ang ina. "Ang aga nyo naman gumising." Reklamo nya at hinalik halikan at niyakap niya ito saka palang siya umupo sa tabi nito. Namiss nyang maglambing sa ina. Binilatan nya ang kanyang kuya na nakangisi sa kanya habang sinusundan sya ng tingin."Nandito na nga si Elling. Maingay e." Kumento pa nito. "Umayos kana ng upo at kumain." Tapik nito sa tuhod nya saka siya inabotan ng plato pero umiling sya at yumakap uli sya sa leeg nito. Nakakatakam ang ulam, daing na tilapya, talbos ng kamote, iyong tira nyang adobong manok kagabi. At hiniwa na kamates pero wala pa syang ganang kumain. "Magkakape nalang ako nay, mamaya na ako kakain. Parang hindi na sanay ang tiyan kong kumain ng maaga.” Malambing nya parin itong inamoy amoy doon. “Umayos ka nga.” Reklamo naman ng ina na bahagyang pumasag sa yakap nya kaya napatawa sya pero bago sya bumitiw ay hinalikan pa nya iyo sa pisngi. “Ang damot.” Aniya na kunyari ay nilukutan ng mukha. Bumaling sya sa hipag. "Ate akin muna si Andrey para makakain ka ng maayos." Sabi niya sa kanyang hipag dahil kalung kalung nito ang anak na pinapakain. "Hello Andrey. Kiss si tita." Nilaro laro niya ang bata. Paminsan minsan ay sinusubuan naman ito ng kanyang ina. Magiliw naman sumama sa kanya ang bata kaya tuwang tuwa sya habang nakikipaglaro dito. "Ma. Pwede na akong mag-anak diba?" Biro nyang tanong sa ina. Pero tanging ang hipag lang ang natawa sa biro nya. "Maghanap ka muna ng asawa bago ka mag-anak." Anang ina habang tinitimpla ang kape nya. "Sabi ko kasi sayo bantayan mo si boss e." Nakanguso sya na parang naninisi. Kaya naman pinandilatan sya ng mata na parang naiskandalo sa kanyang sinabi. "Ikaw Elling magtigil ka baka may makarinig sayo makarating pa sa asawa ni boss nakakahiya." Sermon ng kuya niya. Pero napangisi lang siya. Sila lang naman ang nakakarinig. "Singilin ko kaya iyon sa date na pangako niya sa akin noon. Aba.. ang laki din kaya ng pagod ko sa farm nya ah.” "Nagdidate kayo ni boss?" Hindi makapaniwalang tanong naman ng asawa ng kuya Bryan niya. "Mahiya ka nga. May asawa na nga yong tao e."Sita ng ina kaya napahagikhik sya. "E bakit. Pangako niya iyon sa akin bago pa siya nag-asawa a. Sabi ko nga iboboyfriend ko siya. Pero hindi nakahintay. Matanda na kasi.” “Umayos ka bunso. Nakakahiya doon sa asawa nya. Baka kung ano ang isipin.” Seryosong paalala ng kanyang kuya. "Magandang umaga po.” Si Aling Saling iyon. Malayo palang nagpapakatao na. Kapit bahay nila. Malayong kapit bahay. Ganon talaga sa baryo. Hindi dikit dikit ang bahay. Bukid ang pagitan ng mga bahay. "Magandang umaga naman mare. Ang aga mo yata. Halika kain tayo." Aya ng kanyang ina. "Huwag na mare, salamat nalang. Tapos na din naman akong kumain. Dumating kana pala Elling. Lalo kang gumanda." Humahangang bati nito sa kanya. Malawak nya itong nginitian. "Kagabi lang ho. Ang aga nyo naman pong nag susurvey." Biro nya dito. "Ipapaalam ko lang sanang hindi makakalusong ang aking anak dahil nilalagnat." Problemado itong napatingin kay Bryan. "Wala po ba kayong nahanap na papalit po sa kanya? Kailangan po kasing matapos iyon ngayon dahil matutuyo po iyon iba hanggang bukas." Tanong naman ni Bryan sa matanda. "Wala eh. Halos lulusong naman lahat ngayon ang mga tao dito." Sagot manang ng matanda. "Ako nalang. Diba magtatanim lang naman?" Walang pagdadalawang isip na prisenta sya. "Aba eh magtigil ka nga. Akala ko ba sasama ka sa bayan para mamili ng handa mo." Saway ni Aling Lilia. Usapan kasi nilang pupunta sila sa bayan para mamili ng handa niya. Ipaghahanda daw siya ng mga ito dahil nakapagtapos na sya at parang pawelcome home party na din niya dahil ang tagal niyang hindi nakauwi. Masyado yata syang namiss ng pamilya nya. "Nay, kasama mo naman sila tatay at tita marilou. Miss ko lang magtanim. Siguradong nanduon yong mga babaita." Aniya na ang tinutukoy niya ay ang kanyang mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. "Aba e masisira ang kutis mo anak." Sabi din ni Aling Saling na hindi pabor sa kanya. Napatawa sya. "Hay naku Aling Saling. Kung nakakasira ng kutis ang pagtatanim, matagal na itong sira. Maliligo nalang ako ng clorox pag ahon ko." Biro pa niya. "Hindi ka parin talaga nagbabagong bata ka." Naiiling nalang si Aling Saling sa kanya. "Lugi ako sayo eh." Reklamo naman ni kuya Bryan niya. "Hayaan mo na. Sabi mo wala naman si boss ngayon kaya ok lang." kindat niya dito. Kwento kasi nito kagabi ay luluwas ang mga ito dahil may party daw ang pamilya nito sa manila. 'Dahil siguro sa graduation ni Keith.' Sabi nalang niya sa isip niya. "At saka mabilis parin kaya akong magtanim." Pagmamayabang pa niya. "Ate. Pahiram ako ng panglusong mo ha."Excited niyang binalingan ang kanyang hipag na ang akala yata eh nagbibiro lang sya. Napatingin pa ito sa asawa at sa kanyang ina. "Sigurado kang lulusong ka." Parang hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Oo naman po.Magaling pa ako sa kuyang magtanim e." Hehe.. Sana nga lang ay hindi pa sya kinakalawan sa pagtatanim. Kawawa naman ang magpapasahod. Mahal pa naman syang maningil. *. *. * "Hay naku, Dalian mo dyan! Hindi kaba nahihiyang ikaw nalang natira sa gitna!" Rinig ni Ron na sigaw ng babae at tawanan at kantyawan. ‘Iyong mga nagtatanim siguro.’ Aniya sa isip. Nasa ibabaw kasi sila ng pilapil ng sapa at sa a likod nito ay iyong bukid na pinapataniman niya ng palay. "Dalawang sakop ba naman ang iniwan nyo sa akin eh." Reklamo nong isang boses. Hindi kasi niya makita dahil natatakpan ng puno ng rambutan. Malalaki na kasi ang mga tanim ni Bryan na rambutan na maayos na nakatanim sa pilapil ng sapa. Inalalayan nya si Kimberly dahil sumama ito. Wala kasing kasama sa bahay dahil ipagluluto ng asawa ni Bryan ang mga trabahador nila sa bukid. "Mabagal ka kasi. Ayan di nakulong ka sa gitna." Sigaw pa nong isa uli. Sa wakas ay nakita na niya ang mga ito. Nagkukumpol ang mga ito na nagmemeryenda sa ilalim ng mangga na nasa harap ng resthouse nya. Nakita niya ang nag iisang babae na naiwan nga sa gitna, pero mga isang dipa nalang ang sakop na tataniman pero maluwang ang sakop nito kaya binalikan nito ang hindi nito kayang abutin.nakatalikod na nakatuwad ito sa banda nila. Pagkadating nila ay binati sila agad. Nginitian at tinanguan naman ni Kimberly ang mga ito at umupo agad sa upuang kawayan na nandoon. Inalalayan niya ito dahil medyo malaki na ang tiyan, five months na itong buntis. Mag tatatlong buwan na silang namamalagi sa farm niya. "Sabi ko sayo Belen iwasan mo ang mambully e." Natatawa nyang sita kay Belen.. Kahit papaano ay kabisado na niya ang mga ito. At si Belen ang palaging maraming alam na kalokohan Natawa din ito. "Hayaan mo na boss para naman mabinyagan. Ang tagal ng hindi nagtanim e." Parang tuwang tuwa pa ito kaya napailing nalang siya. "Mabuti nga at marunog pang magtanim eh Kung ako iyan. Nungkang lulusong ako. Ang hirap kayang magpaputi at magpaganda."Kumento din ng isa. Napakunot ang kanyang noo. 'Bago siguro' "Dati naman ng maganda iyan kahit hindi siya magpaganda." "Gutom na iyan panigurado hindi pa nag almusal eh." Sabad naman ni Bryan na katatapos lang uminom. Tinanguan sya tanda ng pagbati. "Hoy! Kaya pala mabagal ka. Dalian mo para makapagmeryenda kana!" Sigaw uli ni Belen dito. At sa wakas ay natapos na din ito at uminat. Natawa sila dahil isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito habang inuunat ang balakang. "Kasakit siguro ng katawan niyan bukas"kumento ng iba habang tinatawanan ang kasamahan. Halatang pinagkakatuwaan talaga ang iniwang kasama. "Ikaw Bianca. Niloloko mo iyong hipag mo noh?" Bumaling si Belen sa asawa ni Bryan. Napakunot ang kanyang noo! 'Hipag?' "Bakit ‘te?" Nagtatakang tanong naman ni Bianca kay Belen. "Eh papaano, naputol iyong garter ng jogging pants na pinasuot mo. Ayon, tinalian ko ng panali ng punla." Humagalpak ito ng tawa. Tawanan din ang mga kasama nito. "Halla! hindi ko naman alam." Nag alala naman si Bianca. "Ayon galit na galit kanina., eh sabi nga parang masama daw yata ang loob mong pinahiraman sya.." Sabi ni Belen na seryoso. Nagpipigil naman ng tawa ang mga nakikinig. "Maniwala ka naman diyan." Wika naman ni Bryan sa asawa. "Ikaw ate Belen baka mapikon iyon sayo." "Hay naku. Kagatin mo ang siko mo. Pag nakagat mo na mapipikon mo na siya."sabi naman ni Belen na tumatawa. "Ano na Elling! Ahon na diyan nalunod ka na yata sa paligi eh." Tawag uli ni Belen sa babaeng naghuhugas na sa may drainage ng sapa. 'Elling' ulit ng kanyang isip habang pasidhi ng pasidhi ang kabog ng kanyang dibdib. "Ayan na!." Parang inis naman nitong sigaw. Sabay tingala nito sa banda nila. At mukhang natigilan ito ng makita siya dahil nagtagal ng ilang saglit ang mata nito sa kanya bago nagbawi ng tingin. "O ano na, may balak ka bang umakyat?" Untag ni Belen na inaabot ang kamay nito. Hindi niya kita ang mukha nito dahil nakasumbrero ito ng malaki at nakabalot ng t-shirt ang ulo at mukha nito para panangga sa sikat ng araw. "Siguradong hindi mo ako bibitawan ha?" Paninigurado naman ng babae. Hinila ito ni Belen pero nakahawak ang isang kamay nito sa jogging pants na suot. Basa iyon hanggang lagpas sa tuhod niya. "Bakit ayaw mong alisin ang kamay mo sa jogging pants mo." Biro ni Belen dito. "Pangit iyong ginawa mong garter e. Nakabukol. Kaya tinanggal ko na." Sagot naman nito na hindi parin tinatanggal ang sumbrero nito at balot ng mukha. "Hoy kayo mauna na kayo dahil ako tapos na iyong oras ko hanggang mamayang tanghali."baling ni Elling sa mga kasama nitong nagtanim. Nagreklamo naman ang iba. "Huwag na kayong magreklamo dahil mula kanina panay pang dalawang tao ang sakop ko kaya buo na ang araw ko." Reklamo uli nito. "O sige na mauuna na kami pero baka gusto mo ng tanggalin ang sumbrero mo para naman mahimasmasan ka." Sabi naman ni Aling Saling. Nagsimula na namang lumusong ang mga ito. Si Elling naman ay umupo sa malaking ugat ng mangga na nakausli patalikod sa kanila. Pinanood ang mga kasama at nakikipagbuskahan pa sa mga ito. "Tamayo kana diyan at kumain ka muna." Sabi ni Bryan sa kapatid ng makaraan ng ilang minuto. Hindi ito sumagot pero sinimulang alisin nito ang sumbrero sa ulo. Hindi nya maiwasang mapalunok. Hindi parin sya makapaniwalang nandito na iyong babaeng matagal na nyang inaasam na makita. Halos hindi siya humihinga habang pinapanood ang likod nito. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil ngayon niya lang ito makikita ng malapitan. Nahulog ang makapal at mahaba nitong buhok sa likod nito. Sunod na tinanggal nito ay ang jogging pants nitong walang garter pero hindi parin ito tumatayo. Nakita niya ang napaka ganda at maputi nitong binti. Naiwan ang kulay pula nitong jersey na hanggang tuhod. Saka nito isinunod ang pagtanggal ng butones ng suot nitong longsleeve.Hinubad nito iyon at tumayo na ito. Naka blouse ito pero kapansin pansin parin ang kurba ng katawan kahit nakatalikod. Sinamsam nito ang hinubad na gamit at maayos na ipinatong sa ugat na nakausli kung saan ito umupo. Nang humarap ito sa kanila ay hindi niya mapigilang mapanganga. Dahil ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay ang babaeng nakita niya noong araw ng kasal niya at ang babaeng nasa panaginip niya. Napatingin ito sa kanya pero agad ding nag-iiwas ng tingin. "Ella. Naputol daw iyong garter ng suot mong jogging pants.?"Tanong ni Bianca ng lumabas ito galing kusina. Dala dala pa ang sandok. "Ikaw si Ella?" Gulat namang tanong ni Kimberly kaya napatingin din sya kay Kim. Alanganin namang ngumiti si Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD