First meeting 2

2081 Words
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Ella ng pag-angat palang nya ng tingin sa mga kasamahan na nagmemeryenda ay nahagip agad ng mata nya taong hindi nya inaasahan na makit nya ngayon. Nakaharap ang mga ito sa banda niya dahil siya nalang ang natitira sa bandang baba.Nagtama agad ang mga mata nila kaya parang nanlambot ang kanyang tuhod. Shit! Papaanong hindi nya agad ito maapasin kung nangingibabaw ang kagwapohan nito. Nakasuot ito ng T-shirt na kulay red na lalong nagpatingkad ng kaputian nito. At naka cargo short na color black. "O ano may balak ka pang umakyat?" Untag ni ate Belen sa kanya. Parang wala siya sa kanyang sarili. Gusto niyang sisihin ang kanyang kuya. Sabi kasi nito wala ang boss nito kaya nagprisenta siyang palitan ang tao nito. Hindi niya alam kung papaano iiwasan ang mga tingin nito dahil alam niyang sinusundan siya ng tingin nito. Lalo na’t sya pa ang tampulan ng tukso ng mga kasamahan kaya sa kanya naka sentro ng atensyo ng mga ito. Tapos panay pa ang biro ni Ate Belen. Ibinaling nalang niya ang tingin sa kanyang mga kasama para mawala ang kaba niya pero ng lumusong ang mga ito ay sobrang kabog ng kanyang dibdib dahil biglang natahimik ang paligid nila. Parang gusto nalang nyang maglaho nalang. "Tayo kana diyan para makakain kana." Untag ng kuya nya ng umupo siya sa may ugat ng mangga patalikod sa mga ito. Napabuga sya ng hangin. 'Sh*t! Anong gagawin ko.' Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Bumuntong hininga uli siya bago siya nag-alis ng sumbrero at ang t-shirt sa kanyang ulo. Tinanggal din niya ang suot nyang jogging pants na naputol ang garter. At saka niya sinunod ang kanyang longsleeve. 'This is it! Pancet!' Sabi niya sa sarili bago humarap sa mga ito. "Ella, naputol daw ang garter ng jogging pants mo?" Tanong ng kanyang ate Bianca kaya tumingin sya dito pero agad din siyang napatingin sa babaeng medyo malaki na ang tiyan. Ito ang asawa ni Ron. "Ikaw si Ella?" Gulat na tanong nito sa kanya. Medyo napangiwi siya pero alanganing ngumiti dito. 'Baka nabanggit ako nila kuya kaya kilala niya ako.' Aniya sa isip. "H-hello po." Alanganin niyang bati. Iniiwasan parin niyang tumingin kay Ron na ramdam niyang nakatitig sa kanya. "Boss ito si Elling, alam kung ngayon mo lang siya nakita." Pagpapakilala ng kuya Bryan na inakbayan siya sa balikat. Medyo pinisil nito iyon na pinapahiwatig na 'magtino ka.' "At ito naman ang asawa ni boss si Ma'am kimberly." Baling nito sa babaeng buntis. Maganda ito, maamo ang mukha. Mukhang mayaman. Matangkad pero mas matangkad siya. "H-hello po, ako po si Elling." Magalang nyang pakilala sa sarili sabay abot ng kanyang kamay. Pero hindi nito agad tinanggap iyon kaya binaba niya ulit iyon pero nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang kamay na kabababa palamang niya. "Pasinsya na nabigla lang ako kaya hindi ko agad naabot ang kamay mo." Paumanhin nito na medyo pinisil pa nito ang kanyang kamay. Alam niyang pinag-aaralan nito ang kanyang itsura. "H-hell po sir." Bumaling naman siya kay Ron na noon ay nakatunganga lang din sa kanya. Medyo siniko ito ni Kimberly para maabot nito ang kanyang kamay. "A. H-hello." Nauutal din nitong bati. Tinanggap nito ang kanyang kamay. Halos maiwaksi niya iyon dahil parang ang lakas ng kuryenteng nanggagaling dito. Titig na titig ito sa kanya habang magkalapat ang mga palad nila. Mainit ang palad nito matagal na magkalapat ang mga palad nila at ramdam niya na bahagyan pa nitong pinisil ang kanyang palad. narinig nalang niyang tumikhim ang kanyang kuya kaya agad niyang nahila ang kanyang kamay. "Parang namumulta ka yata Ella?" Puna ng kanyang Ate Bianca. "Gutom na siguro. Sabi kasing kumain muna bago lumusong e. Ang tigas ng ulo."Sermon ng kuya nya na naka-akbay parin sa kanya. "Ipaghahain kita."sabi ng Ate Bianca niya pero tinutulan niya. Parang gusto nalang niyang makaalis agad doon. "Huwag na ate, magmemeryenda nalang ako. Nakakahiya naman sa mga kasama ko kung magtatagal ako," tanggi niyang. "Hindi ka lulusong kung hindi ka kakain." Inis na giit naman ng kanyang kuya. "Pero kuya..." maktol nya. Pero iniwan na siya nito at sinabihan pa nito ang asawa na pakainin siya kaya napasimangot nalang siya. "Halika na at kumain na." Yaya ng ate Bianca niya. Inilapag nito ang pagkain sa may lamesang kawayan na nandoon kung saan nakaupo din ang mag-asawa. Kaya kaharap niya ang mga ito. Marami ang mga nakahain parang hindi lang siya ang kakain. "Halika at sasabayan kita, konti lang kasi kinain ko kanina e."Masayang yaya ni Kimberly sa kanya. Parang may kislap ang mga mata nito na hindi nya mawari. Alanganin syang napangiti dito. 'Mukha namang mabait.' Sabi niya sa sarili Nagulat siya ng nakaupo na sila ay saka naman nagsalita si Ron. Umupo ito sa tabi ng asawa pero hindi ito nakadikit nakaharap siya sa mga ito. "Kumusta kana Ella?" Matiim itong nakatitig sa kanya. Napatikhim sya dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. "A-ayos lang ho sir." Alanganin niyang sagot dito. Nagtaka siya ng humagikgik naman si Kimberly. "Sir? Seriously?" Naiiling naman itong bumaling kay Ron. Parang tinutukso nito ang asawa Napakunot ang noo niya ng makitang lukot ang mukha nito. Mukhang nairita. "D-did I say something wrong Ma'am?"Nag-aalala niyang tanong kay Kimberly na lalong lumakas ang tawa nito. Napahawak pa ito sa malaki nitong tiyan. "Tsk!" Palatak naman ni Ron at parang sinisaway ang asawa. "Ano kaba. Napakaformal mo kasi." Sabi ni Kimberly sa kanya kaya nakahinga naman siya ng maluwag. Dinampot ni Ron ang tasa na nasa harapan nito at sumimsim doon pero ang mga mata ay nakatingin parin sa kanya.!"Pumunta kaba nong kasal namin?" Pilit nyang tinatago ang pagkagulat sa tanong nito. "Ho?a e..." hindi niya alam ang isasagot. "Nandoon ka?" Gulat din na tanong ni Kimberly na pinaglipat lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa. "A e..," sh*t sabi niya sa isip. Anong sasabihin nya. "Bakit hindi kita nakita?" Takang tanong uli ni Kimberly. Napangiwi syang. "A e..." Napakamot sya sa ulo at kinagat nalang niya ang kanyang labi. "A e….." Ani Ron na matiim parin ang titig. "So alam mong ako ang kinasal ng araw na iyon?" Tanong uli nito kaya napatingin na din siya dito. Kasi parang may kung ano sa boses nito eh.. Inis? Galit? Hindi nya mawari. "Bakit ka umalis agad?" Tanong na naman nito sa kanya. Nakatanga nalang siya. Bumubuka ang kanyang bibig pero sasara din kasi wala naman syang mahagilap na sagot. Ni hindi nga sya makatingin dito ng deretso. Ang asawa naman nito at parang naghihintay ng kanyang sagot. "e..," "F**k!" Mahinang mura pero narinig niya iyon. Hindi niya alam kung para ba sa kanya ang mura na iyon kaya napatungo nalang siya. "Ron." Saway naman ni Kimberly dito. Nainis din sya. "A. Lulusong na ako.” Tumayo na sya pero pinigilan siya. "Kumain ka. At huwag na huwag kang tatayo diyan hanggat hindi ka tapos kumain." May diin sa boses nito. Sinalubong nya ang matiim nitong titig sa kanya pero hindi nya iyon matagalan. Wala syang magawa kundi tahimik na bumalik sa upuan at sumandok nalang sya ng pagkain. Hindi na nya itinago ang simangot sa kanyang mukha. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila pero ramdam nya ang mga mata ng kaharap na sa kanya nakatutok. "Ang ganda mo pala noh." Puri ni Kimberly sa kanya na parang pinapasaya ang atmosphere sa paligid. Parang alam na alam ang tensyong namamagitan sa kanila ng asawa nito. Pilit siyang ngumiti. “Salamat po.”Maiksi nyang sagot at saka itinuon ang mata sa pagkain pero ang atensyon nya ay nasa kaharap.! "Buti nagtanim kapa. Baka masunog ang balat mo." Puna pa nito. Kimi parin nya itong nginitian. "Hindi naman po maselan ang balat ko. At saka, dati ko naman na pong ginagawa kaya na miss ko lang po." Magalang nyang sagot. "May boyfriend kana ba Ella?" Tanong uli ni Kimberly sa kanya "sabagay iyong ganda mong iyan siguradong maraming nakapila." Dagdag pa nito. "Bestfriend po mayroon ako.” Tumawa ito ng mahina. "Ano ka ba, huwag mo na ako masyadong pinupo. Tawagin mo nalang akong ate kung okey lang sayo." Mabait at magiliw itong nakangiti sa kanya. “S-sige po ate." "Balita ko ang tagal mong hindi umuwi ah.” Panay parin ang tanong. "Apat na taon." Mahinang bigkas naman ni Ron kaya napatingin sila ni Kimberly dito habang nakatingin naman ito sa kanya. Wala sa loob na uminom siya ng tubig. 'My goodness . it's awkward to be with t-this man tapos kasama pa ang asawa. Ang sakit lang. Tagos na tagos sa buto. grrrrr..' inis na reklamo niya sa isip. Ang saklap ng kapalaran. "Are you okey Ella?" Tanong naman ni Kimberly sa kanya. Pansin yata nito na lumipad ang isip nya. Naipilig nya ang ulo. "Sorry pero pwede na ba akong mauna na?" Alanganin niyang tanong na hindi tumitingin kay Ron. "Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Kimberly. Napakagat sya sa ilalim ng kanyang bibig. "Magtatanim na. Nakakahiya kasi sa mga kasama ko e." "Huwag kanang lumusong." Pigil naman ni Ron sa kanya na noon ay nagbago na ang awra ng mukha nito. Siguro napansin na nito ang pagkailang nya. "Hindi po pwede sir. Pagagalitan ako ni kuya." Maigting nyang tanggi. "Stop calling me sir." Irita nito sabi sa kanya na bumalik uli ang lukot sa noo. "O di hindi KUYA." Hindi na nya napigilang irapan ito. Naiinis na din sya eh. ‘Akala mo naman kung sino.' Gigil nyang sigaw sa isip. "Don't you dare calling me KUYA again Ella. I'm warning you." Banta sa kanya. Tawa naman ng tawa sa kanila si Kimberly. "And you. Stop laughing." Masungit nitong baling sa asawa. Kaya natigil naman ito pero halatang pinipigilan nito ang matawa. Wala sa loob na inirapan niya uli ito kaya napatawa na naman si Kimberly. "I'm sorry guy’s hindi ko lang talaga maiwasan." Paumanhin nito sa kanila. "Anyway. Dito ka nalang Ella para may kausap ako. Busy si Bianca e." Pakiusap nito. Busy kasing nagluluto ang kanyang hipag. "Nandiyan naman po si---" napatingin siya kay Ron. "N-nandiyan naman po ang a-asawa ninyo parang hindi naman po siya aalis." Halatang nautal siya sa pagsasalita. Lukot ang noo nito sa sinabi nya. "Aalis ako mamaya." Pagsusungit parin nito. Napabuntong hininga sya. Ano pa nga ba ang magagawa nya. "Okey. Saglit lang at iimisin ko po muna ang pinagkainan natin." Paalam niya saka niya mabilis na pinagpatong patong ang mga pinagkainan nila at pinasok niya sa kusina. At doon lang sya nakahinga ng maayos ng makaalis na sya sa harapan ng mga ito. Ilang saglit lang ay narinig na naman nya ang malakas na tawa ni Kimberly at ang mura naman ni Ron na parang iniinis ng asawa. Napasimangot sya. Ang sungit! "Ate akin na iyang mga gulay diyan at hihimayin ko na. Hindi na daw ako lulusong." Paalam niya sa hipag. Kinuha niya ang mga gulay at naglabas ng pwede niyang paglagyan ng nahimay at lumabas ulit. Paglabas niya ay mag-isa nalang si Kimberly sa labas. Nakahinga sya ng maluwag. "Marunong kabang magluto Ella?" Tanong Kimberly sa kanya nong makita nito ang dala niya. "Okey naman po. Nakakain naman po iyong niluluto ko kaya lang hindi ko lang alam kung masarap." Pabiro niyang sagot. "Babalik ka pa ba ng manila?" Pang-iiba nito sa usapan nila. "Papasyal nalang po siguro."sagot naman niya habang naghihimay siya ang sitaw. "Ella. Pwede mo ba akong ipitas ng sili sa likod." Tawag ni Ate Bianca niya na nakadungaw ito sa pinto ng kusina. "Sige ate" sagot naman niya. "Pitas po muna ako ng sili saglit po." Paalam niya uli dito. "Sige" nakangiting tumango naman ito. Dali dali siyang pumunta sa likod. Maraming gulay doon sitaw talong sili ampalaya patola at kalabasa. Kaya parang masukal pero hindi madamo. Nabigla nalang siya ng may biglang humawak sa kanyang braso. Muntik tuloy syang napasigaw. Nanlalaki ang mga mata ng binalingan kung sino ang humawak sa kanya.Napatanga sya dito na medyo napaawang ang kanyang labi. Parang lalabas ang puso niya dahil sa lakas ng t***k non. Humakbang ito hanggang sa halos magkadikit na ang kanilang katawan. Titig na titig ito sa mukha nya. "s**t! Ang tagal kong hinintay na makita at mahawakan ka pero ngayong nandito kana hindi na ako malaya." Bulong nito na parang nahihirapan at punong puno ng lungkot at panghihinayang ang tinig. Para syang ipinako sa kanyang kinakatayuan at naninigas ang katawan. Titig na titig lang siya sa mga mata nito. Habang ang kanyang dibdib ay para ng sasabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD