First meeting 3

1875 Words
Titig na titig sya sa mukha nitong punong puno ng pagkagulat sa kanyang ginawa. Masuyo nyang hinaplos ito sa mukha. "You’re so beautiful." Punong puno ng paghanga nyang bulong sa dalaga. Ramdam niya ang kabog ng dibdib nito. "A-anong ginagawa mo?" Mahina naman nitong tanong at bahagyan syang itinutulak. Nababakas ang takot sa boses. "Stay still." Anas na hiling niya. Hindi niya alam pero gusto niya ang lapit nila ng dalaga. Unti unti nyang pinagdikit ang kanilang noo. Ramdam nya ang pagtigas ng katawan nito na parang ayaw makagawa ng kahit na ano mang galaw "Promise me babe. wait for me." Pagsusumamo nya. "H-huh?" Naguguluhan tanong saka siya nito itinutulak palayo. "Bitawan mo ako baka may makakita sa atin." Ramdam na nyang nagpapanic ito. "Pakakawalan lang kita pag nangako ka." Hiling niya na mas inilapit pa niya lalo ang kanyang katawan dito. "Marami kana bang napitas Ella?" Narinig nilang tanong ni Bianca na nasa loob ng kusina. Tinutulak siya nito pero hindi parin siya tumitinag. "Promise me." Hiling niya ulit. Nababakas nya ang pagkalito sa mga mata nito. "H-hindi kita maintindihan pero oo na. Sige na."Mangiyak ngiyak nitong sagot kaya pinakawalan na niya ito. Pero bahagyan lang siyang lumayo dito. Agad naman nitong inayos ang kanyang damit. Pero natigilan uli ito ng hawakan niya ang mukha nito. "Two to three years babe. Hintayin mo ako."Masuyo niyang hinaplos ang mukha ng dalagang natitigilan saka nya ito pinatakan ng halik sa noo. Bumaba ang tingin nya sa suot suot nitong kwentas na bahagyang lumabas ang chain. Tumaas ang daliri nya doon at tuluyan iyong inilabas. Pinakatitigan nya ang dalaga habang hawak hawak niya ang kwentas na suot nito. At nilabas din niya ang kanyang kwentas. Napanganga ang dalaga noong makita ang kanyang kwentas. Dahil suot suot din niya ang kapartner ng kwentas nito. "Wag mong tatanggalin ito o ilalayo sayo. Pagdating ng araw bubuksan ko ang puso mo."Makahulugan nyang bulong. Buong pagmamahal niyang hinalikan uli ito sa noo at iniwan na niya itong nakatulala. *. *. * 'Anong pinagsasabi niya? Pinaglalaruan niya ba ako?' Naguguluhan sya sa ikinikilos nito. 'Ahhh! Nakakainis naman! Pero parang may mali e. Kasama pa niya ang asawa niya.' Aniya na parang naloloka na siya. "Ella pwede na iyan!" Sigaw uli ng boses ni Ate Bianca niya sa kusina na nagpabalik naman sa kanyang katinuan. Napatapik sya sa kanyang noo dahil wala pa siyang napipitas kahit isa kaya dali dali siyang nagpitas. Sa pagkataranta niya ay naputol ang sanga noon isa. At idagdag pa ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Hala! Lagot." Napakagat sya sa kanyang labi ng makita kung gaano kalaki ng nabali. Dinala nalang nya iyon at pinunta sana sa kusina ng makita siya ng kanyang kuya. "Anong ginawa mo sa sili?" Takang tanong nito kaya naman napatingin din ang mga nasa lilim ng mangga. "Naputol e," nakangiwi niyang sagot. Pero ang pakiramdam niya ay ang init ng mukha niya dahil alam niyang nakatingin ang mag-asawa sa kanya, "Ang laki naman yata. Halos naputol mo ang buong puno e." Reklamo naman ng kanyang kuya. "E naisip ko baka kailangan ni ate ng dahon paran sa tinola niya." palusot nalang niya sa kuya niya. Narinig naman niyang humagikgik si Kimberly kaya napatingin siya sa mga ito. Nakita nya ang multong ngiti sa mga mata at labi ni Ron dahil sa mga palusot nya sa kanyang kapatid. . "Tsk!" Irap nya sa kuya nya noong bumaling siya dito at pumasok na siya sa kusina. "O bakit pati kahoy ng sili kinuha mo." Ani Ate Bianca kaya tinawanan nalang niya. "Sorry" sabi niya dito at nagsign pa ng peace. "O sige labas kana doon at para may makausap si Kimberly. Paki dala nalang uli iyong mga gulay dito pag tapos na at iyon ang isusunod kong iluto."Utos nito. Ayaw na sana niyang lumabas kaya lang kailangan na iyong gulay na hinihimay niya kanina. Nakita naman niyang itinutuloy ng mag-asawa iyon pero hindi pa tapos. "Iyong kalabasa nalang ang hindi pa tapos." Sabi ni Kimberly sa kanya ng makalapit na siya sa mga ito. "A sige ho. Ako na ang magtutuloy." Kinuha na niya ang kustelyo at tagnan saka niya inabot ang kalabasa para hatihatiin iyon at balatan. Tahimik lang siya habang nagbabalat ng biglang nagsalita ang kuya niya. "Ano bang ginawa mo sa likod kanina at parang dinaanan ng bagyo iyong silihan ha?"Sita nito sa kanya na may mga hawak pang sanga na may bunga pang nakakabit. Hindi man niya nakikita pero alam niyang pulang pula ang kanyang mukha. "Akin na tol at ako nalang ang mamimitas ng bunga niyang hawak mo." Presinta ni Ron na malawak ang ngiti sa labi. 'Ang sarap mong gilitan sa leeg!' Maktol niyang sabi sa isip. Nagigigil tuloy sya! "Okey ka lang Ella?" Pansin ni Kimberly sa kanya. "A.. Oo naman. Bakit po?" Taka nyang tanong. "Parang wala ka sa sarili mo e." Komento nito na nakatingin sa kalabasang hinati hati na pala niya sa maliliit pero hindi pa nababalatan. Hindi nya alam kung ngingiti sya o ngingiwi ba. "Hehe.. M-masmadali po kasing balatan pag maliliit." Palusot nalang niya dito. "Natutunan mo ba sa manila yan bunso?" Takang tanong namang kanyang kuya na nawewerdohan na yata sa ikinikilos nya. "Iba din ang paraan mo ng pagpitas ng gulay, halos bunutin mo. Tapos pati ba naman ang pagbabalat ng gulay nag-iba nadin." Naiiling ito. "Sorry na nga.” Alam nyang pulang pula na sya dahil sa kahihiyaan. "Tol. Kim. Punta kayo sa bahay bukas ha. May hinanda silang kunting salo salo sa bahay dahil dito kay bunso." Makakahinga na sana sya ng maluwag dahil nalihis na ang usapan pero gusto parin nyang mapasimangot dahil sa sinabi nito.Hindi naman sa ayaw nyang pumunta ang mga ito. Kaya lang kasi—"Alam kong hindi pa nasasabi nitong si bunso sa inyo kaya ako na ang magkukusa.” Pasaring pa. "Sige tol. Pupunta kami. Okey lang bang nandoon kami Ella?" tanong ni Ron kaya napatingin na din siya dito. Parang gusto nyang singhalan ito dahil iba ang ngiti nito sa labi at para bang walang ginawang kalukohan sa kanya kanina. Samantalang sya, halos hindi na sya makahinga sa sobrang kaba. "S-sige ho. Punta ho kayo SIR." Diniinan nya ang katagang SIR para makaganti dito. Pasalamat ka at hindi kuya ang itinawag ko sayo. Irap nya sa hangin. Kinahapunan ay lumusong parin siya para magtanim kahit na anong pigil ng mga ito ay lumusong parin siya kaya naman kinaumagahan ay sobrang sakit ng katawan niya. Parang binugbog siya. Maaga palang ay marami ng tao sa bahay nila dahil ngayon siya ipaghahanda ng kanyang mga magulang pero hindi niya magawang bumangon dahil sa sobrang sakit ng katawan. "Elling, aba e hindi ka pa ba babangon diyan? Hindi kapa kumakain ng agahan a, alas diyes na." Katok ng kanyang nanay. "Ang sakit ng katawan ko nay. Lalagnatin yata ako." Mangiyak ngiyak nyang daing ng makapasok na ito. "Ayan... sabi kasing huwag ng lumusong." Sermon nito. " maraming nagtatanong sayo sa labas. Nandiyan na din sila Ron kasama ang asawa niya." Sabi pa ng kanyang ina. Pero hindi parin siya kumikilos. Naiinis siya dahil hindi siya pinatulog ng sinabi nito sa kanya. Kahit anong isip niya ay hindi parin nya makuha kung anong ibig nitong sabihin. Kung bakit kailangan niya itong hintayin. 'Tang*na. May balak pa yata siyang gawin akong kabit?!.' "Ano na. Galaw galaw na baka mastroke!" Puna uli ng kanyang ina ng hindi sya tuminag "Gagalaw na po."patamad siyang bumangon pero dumaing siya dahil ang sakit ng balakang niya. Humiga sya ulit. Napabuga ng hangin ang ina. “Papabili ako ng gamot sa tindahan." Wika nito dahil nakita nitong lukot ang kanyang mukha. Masakit man ang katawan ay pinilit nyang bumangon. Naglabas ng damit bago tinungo ang banyo nila para makaligo. Ipinagpakulo pa siya ng tubig ng kanyang ina para daw medyo gumaan ang pakiramdam niya. Masama man ang pakiramdam niya ay pinilit nyang ngumiti. Nakita na niyang marami ang tao. Binati niya ang mga nandoon at nakipagkumustahan. Halos mga relatives niya ang kanilang mga bisita at mga kapitbahay. Inilibot niya ang tingin para hanapin kung nasaan ang mag-asawa at nakita naman niya ang mga ito sa terrace ng bahay ng kuya niya at nakatingin ang mga ito sa kanya. Kinawayan pa siya ni Kimberly kaya naman kahit naiilang siya ay gumanti din siya ng kaway at nginitian ito. Pagkatapos niyang batiin ang mga nandoon sa bahay nila ay lumipat na siya sa bahay ng kanyang kuya. "H-hi." Alanganin niyang bati sa mga ito. Marami agad ang pagkain ang nasa harapan ng mga ito. "Hello Ella. Anyway congratulation." Bati ni Kimberly sa kanya at ikinagulat niya ng ibeso beso siya nito. "Congratulation Ella." Bati din ni Ron saka lumapit din sa kanya, gaya ni Kimberly ay beneso beso din siya nito pero binulungan siya sa taynga. "Congrtas babe." Kaya naman napatanga na naman siya. Buti nalang at mabilis siyang makabawi. Hindi niya mapigilang sumimangot dahil naiinis na talaga siya dahil lantaran na itong nagloloko sa asawa. Seryoso syang tumingin dito para ipakitang ayaw niya ang ginawa nito pero parang wala lang dito. "Salamat sa inyo." Pasasalamat niya. Tumingi siya kay Kimberly dahil nakokonsensya siya pero gaya ni Ron ay parang wala lang dito. Para ngang masaya pa ito e. "Sabay kana sa kanilang kumain tapos inom ka na ng gamot." Sabi ng kanyang ina na nasa likoran na pala niya. May inabot itong tableta. "Bakit may sakit ka?" Nag-aalalang tanong agad ni Ron sa kanya pero hindi niya ito sinagot. Tinapunan lang niya ito ng tingin. "Aba e kababangon lang niyan dahil sa masakit daw ang katawan at masama ang pakiramdam." Paliwanag ina ng hindi siya sumagot. "Tsk! Sabi na nga hong huwag na siyang magtanim pero matigas po ang ulo." "Kaya nga ho ako lumusong para po matapos." Giit naman niya na hindi tumitingin dito. "Kain na tayo." Putol nya sa sasabihin sana uli nito. Pinag-aaralan niya ang galaw ng mag-asawa. Parang may mali talaga pero hindi niya matukoy kung ano iyon. "Magtuturo kana ba niyan sa pasokan Ella?" Tanong ni Kimberly sa kanya habang kumakain ng kakanin na gawa ng kanyang nanay. "Hindi ko pa po sure e. Hindi pa ako nakakapagpasa ng application form sa Dep.Ed. Pero okey naman na po iyong license ko." "Why, Do you have any plan maliban sa pagtuturo?" Takang tanong ni Kimberly sa kanya. Halatang intresado sa palano nya sa buhay. Marami kasi itong tanong mula pa kahapon. Pero okey lang naman iyon sa kanya. "Emm... gusto ko po sanang mag Canada muna bago po ako magturo. Kinukuha po kasi ako ng bestfriend ko doon." Medyo nahihiya niyang sagot. "Sabagay. Mas maganda nga kung makapag explore ka muna lalo na at bata kapa." Sinang-ayonan ang kanyang sinabi. "Diba honey?" Baling pa nito sa asawa. Napasulyap siya kay Ron na seryoso lang na nakatingin sa kanya at hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. Hindi nito sinagot ang asawa. Hanggang sa matapos ang araw at nagpaalam na ang mga ito ay tahimik parin ang lalaki. "Inay Lilia, punta din po kayo sa bahay sa isang linggo. Birthday po ni Ron at darating po ang mga magulang namin." Anyaya ni Kimberly sa nanay niya. "Ella punta ka din ha. Punta kayong lahat." Baling nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD