"Happy birthday Anak." Masayang yumakap sa kanya ng kanyang mama pagkababa palang nito sa sasakyan. "Ang ganda naman dito. Nakakarelax." Namamangha nitong inilibot ang tingin sa paligid.
“Pa.” Yumakap din sya sa ama. Alam nyang hindi maganda ang huli nilang pag uusap.
“Happy birthday son.” Bati din nito na tinapik sya sa likod habang nakayakap parin sya dito.
“Thank you po.” Anas nya.
Kasama ng mga ito ang lima niyang kaibigan,ang kapatid niyang si Keith at kanyang biyanan.
"Bro. Happy birthday!" Bati ng lima. Isa isang nagsilapitan.
"Hindi ka dumating noong graduation ko." Sumbat agad ni Keith sa kanya kaya tinawanan nalang niya ito.
"Congrats bro." Bati niya saka ito niyakap. “Masama ang pakiramdam ng ate Kimberly mo eh.” Pagpapaliwanag nya.
"Happy birthday son." Bati naman ng kanyang biyanan.
"Thank you po." Sagot nya sa mga ito.
"Tuloy na po kayo, naliligo lang po si Kimberly." Alam nyang nagtataka ang mga ito dahil hindi nya kasama ang asawa.
Ito lang ang mga bisita niya at ang pamilya ni Bryan. Kumuha siya ng ibang mauutusan pero dahil mahilig ang mga ito sa tulong tulong kaya nasa kusina ang mga ito at tumutulong. Hindi pa dumarating ang isa pa nyang bisita na kanina pa niya hinihintay.
"Kumusta naman kayo dito?" Tanong ng kanyang ina kay Kimberly na noon ay nakalabas na.
"Mas gusto ko na nga ho dito dahil tahimik." Masayang namang sagot ni Kimberly. Sa ilang buwan nilang pamamalagi sa farm ay hindi man lang nya nakitaan ito ng pagkainip. Palibhasa ay kasundo ang asawa ni Bryan.
"Pero alalahanin ninyo, hindi kayo pwedeng dito nalang."Paalala naman ng ama ni Kimberly. Naintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin dahil kailangan nilang tumulong sa pamamahala ng kanilang kompanya.
"I understand po."
"After I give birth dad. Babalik na po kami doon sa atin." Iyon naman ang usapan nila.
Natigilan sila ng may humintong motor sa tapat ng gate nila. Kitang kita nila ito dahil nasa garden sila sa lilim ng puno. May tatlong puno kasi sa harap ng bahay niya kaya malilim doon. Mas gusto ng mga ito na manatili sa labas dahil masarap ang simoy ng preskong hangin. Kaya doon nalang din sila naglagay ng lamesa.
"Wait. That's Ella rigth?" Gulat na tanong ng kanyang ina ng makilala ang dumating. Napakunot naman ang kanyang noo dahil kilala nito ang dalaga pero mas ikinabigla niya ng—
"Ella?" Bulalas ni Keith at dalidali itong lumapit sa dalaga. Niyakap nito ang dalaga at inikot ikot na para bang ang tagal na hindi nagkita ang dalawa.
"My God! Ikaw nga.." Masayang wika ni Keith na parang hindi parin makapaniwala binitawan na nito ang dalaga pero niyakap uli.
"Grabe siya sa akin o." Reklamo naman ng dalaga kay Keith saka inaayos ang sarili pero kita din nya ang tuwa sa mukha nito.
"Bakit nandito ka?" Takang tanong nito sa dalaga na ngayon ay nakaakbay na. Sinuksok nya sa bulsa ang kamay na nakakuyom.
Nabigla siya at hindi niya maitago ang pagkalukot ng kanyang mukha, Nag iigtingan ang kanyang panga dahil hindi nya gusto ang kanyang nakikita.. Kung papano yakapin ng kanyang kapatid ang dalaga at kung pano naman ngumiti ang dalaga sa kanyang kapatid at hinayaan pa nitong akbayan siya.
Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa dalawa. Nakikita nya sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa dalaga.
"Hello po tita, hello po tito." Bati ng dalaga sa kanyang mga magulang ng makalapit at nagmano. Pero ibinuka ng kanyang ina ang mga bisig para sa dalaga. "Hindi ko inaasahang makikita kita dito hija."Masayang niyakap at hinalikan pa sa pisngi ang dalaga.
"You know her Mom?" Taka nyang tanong na nakatingin parin sa kamay ng kanyang kapatid na nasa balikat ng dalaga.
"Of course bro. She's my bestfriend.." Pagmamayabang naman ni Keith.
"Wait, wait, so, you mean sya iyong friend mo na kasama sa Boracay?" Sabad naman ni Macky sa usapan nila. Nasa kabilang table lang kasi ang mga ito kaya magkakalapit lang sila.
"Yup!" May pagmamalaking sagot naman ni Keith.
"Wuaahhh. Lugi nga kami" Natatawang napakamot sa ulo si Macky na parang nanghinayang.
"I told you."Malakas na tumawa si Keith.
Naiiling naman ang kanilang ama.
"Guys. This is Ella my bestfriend." Pakilala ng kapatid sa dalaga.
"ELLA? Yong kapatid ni Bryan?" Halos sabay sabay pang bulalas ng limang kaibigan at napanganga at saka dahan dahan na buling sa kanya.
Alam kasi ng mga ito ang tungkol sa panyo at sa mga panaginip niya.
Lukot ang mukha na tinaasan niya ng kilay ang mga ito. Naiinis parin siya dahil nakaakbay parin ang kanyang kapatid sa dalaga. Kung wala lang ang mga biyanan niya doon kanina pa niya hinila ang dalagang palayo sa kapatid.
Ito pala ang kaibigan ng kapatid na matagal na nitong ipinagmamayabang sa kanila. Tsk! Nasa malapit lang pala ito pero hindi parin sila magkatagpo 'Sana kaibigan lang talaga sila.' Lihim niyang hiling. Dahil hindi niya kayang isuko ang nararamdaman niya sa dalaga kahit pa para sa kapatid niya.
*. *. *
"Nay Lilia pwede na ba kaming manligaw sa anak mo?" Birong tanong ni Alex kay Aling Lilia. Sabay sabay silang kumain ng tanghalian at pinasabay niya ang mga ito.Pinagdugtong nila ang tatlong lamesa para magkasya silang lahat.
"Kuu.. mga bata ito talaga." Natatawa naman si Aling Lilia.
"Matagal na kaming nagpapaalam sa inyo hindi pa nga namin nakikita ang dalaga ninyo e sinasabi na namin. Bahala na kung sino ang mapili niya sa amin." Sabi naman ni Macky na ikina tawa naman ng mga kaharap.
"Kaganda naman kasi ng dalaga mo mare. Mabait pa." Puri ng Ina nila sa dalaga.
"Matakaw lang." biro naman ni Keith.
"Matakaw ka dyan." Inirapan naman ito ni Ella.
Gusto nyang ibagsak ang basong hawak hawak dahil ang sakit ng mga ito sa mata.
"Buti nga at nakilala ito ni Keith e. Umayos ng kunti itong bunso ko." Natutuwang wika ng kanyang ina.
"Buti nga mare at hindi nahawaan ng anak ko ang anak mo. May pagkapilya din kasi iyan.” Biro nito sa anak
"Nay naman." Reklamo naman ni Ella.
Masaya sila nananghalian pero kapansin pansin ang pananahimik ni Ron. 'Oo nga pala hindi ko pa siya nababati.'Palala ni Ella sa isip. Hindi niya ito binilhan ng regalo dahil hindi niya alam kung ano ang ibibigay niya dito.
Sumapit ang hapon ay umuwi na din ang mga magulang nito at ang magulang ni Kimberly pero nagpaiwan pa ang pito dahil pupunta pa daw sila sa sapa bukas para magpicnic. Nag aya nading umuwi ang magulang niya pero ipinakiusap ni Keith na kung pwede ay maiwan muna siya.
"Sige na. Dito nalang tayo matulog." Lambing pa ni Keith sa kanya. "Pwede po nay?" Baling nito sa kanyang nanay.
"Aba ewan ko diyan." Sagot naman ng kanyang nanay. Kilala na ng mga ito si Keith dahil nakwekento na nya noon pa.
"Wala akong bibihisan." Palusot naman niya.
"Pahihiraman kita." Sabad naman ni Kimberly.
Wala siyang magawa kung hindi pumayag nalang.
Sinadya niyang pumasok sa kusina ng makita niyang pumasok sila Kimberly at Ron doon.
"O Ella kaw pala. May kailangan ka?" Tanong ni Kimberly habang haplos haplos ang tyan.
"A. Makikiinom lang sana ako ng tubig na hindi malamig. Para kasing sumasakit ang lalamunan ko sa malamig e.. Alam mo na hindi sanay." Biro niyang totoo.
"Hon, bigyan mo muna si Ella ng tubig at ako e aakyat muna." Pakiusap nito sa asawa at iniwan na sila.
"A. Ako na ang kukuha." Alangan niyang pigil dito ng makaalis na si Kimberly.
Pero inabotan na siya nito ang pitchel na may tubig at baso.
"S-salamat." Nauutal naman niyang sabi. Ito ang iniiwasan niya ang makapagsarilinan sila ng lalaki kaya nga itinaon niyang kausapin ito ng kasama nito ang asawa pero umalis naman ang asawa nito.
"Pwede bang lumayo ka ng kaunti kay Keith." Seryoso ang boses nito. Hindi nya alam kung nakikiusap ba ito o inuutusan sya.
“Huh?"
"Don't make me repeat what I say Ella." Seryoso ang namang sabi ni Ron.
Napabuntong hininga sya.
"Gusto ko lang sanang batiin ka ng Happy birthday. Happy birthday ha." Bati niya dito para sana iwasan na ito kaya aalis na sana sya ng bigla nitong hablutin ang kanyang braso kaya halos tumama ang mukha niya sa dibdib nito.
"Ano ba!" Mahina pero mariin ang kanyang pagkakasabi at dalidali siyang lumayo dahil inaalala niyang baka may makita sa kanila lalo na ang asawa nito.
Ang anim ay nasa labas. Parang mga lasing na at ang mga tumulong kanina ay nakauwi na din kaya sila sila nalang ang nasa bahay nila Ron.
Galit nyang iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Alam mo naguguluhan na ako sayo e,hindi ko alam kung ano ang gusto mo pero pwede ba? Huwag mo akong isali sa kalokohan mo. " galit niyang sabi dito.
Nakita nya ang paglambong ng itsura nito "Babe please... trust me. Alam kung mahirap, hindi ko pa maipapaliwanag sayo ngayon." Pagmamakaawa nito sa kanya.
Tinignan nya ito ng matalim sa mata. "Don't babe babe me. Dahil kahit kailan hindi ako naging babe mo."Sa sobrang galit ay hindi niya mapigilan ang maluha.
"Dito pa talaga sa mismong bahay mo ha. Ganyan ka ba talaga? Nandiyan lang ang asawa mo. Ano mang oras pwede ka niyang marinig." Masama ang loob nyang sumbat dito na hindi itinago ang paggadisgusto sa mga ginagawa nito.
"Babe. Hindi ko pa maipapaliwanag sayo pero trust me. Pagdating nang araw maiintindihan mo din." Pagsusumamo ni Ron sa dalaga at hinaplos pa nito ang kanyang mukha pero tinabig lang niya iyon. Nakita nya ang pagdaloy ng sakit sa mga mata nito.
"Ipapaintindi ko lang ha. Walang namamagitan na kahit ano sa atin. Sorry kung suot ko pa ang kwentas, nasanay nalang siguro ako dito pero ibabalik ko na sayo." Nang akmang tatanggalin niya iyon ay pinigilan siya nito.
"No. Don't babe." Pigil ni Ron sa dalaga. Halata sa mukha nitong nahihirapan na magpaliwanag sa kanya.
"Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon pero sorry kung sa ganito sitwasyon tayo ngayon. Pero pangako at aayosin ko ito, basta hintayin mo lang ako." Pakiusap nito sa kanya.
"B-balak mo ba akong gawing kabit mo?" Nanginginig man pero lakas loob na natanong ng dalaga kay Ron.
"Hell,NO! Bakit mo namang naisip na gagawin ko iyon sayo ha?" Gulat naman na tanong ni Ron.
Sarkastiko syang tumawa. "Then anong balak mo? Iwan mo ang mag-ina mo?"Galit nyang tanong.
"Trust me babe. Wala akong gagawin na ikasasama mo o ikasasama nila. I love you." Pahayag ni Ron na ikinanganga naman niya.
"Wait" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay para patigilin ito. "Kailan mo lang ako nakita then sasabihin mo ngayon sa akin na mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
Tinitigan sya nito sa mata. Hahawakan sana sya nito pero nakita nyang pinigil nito ang sarili. "Kilala na kita noong pa. Hindi ko man nakita ang iyong mukha pero minahal kita. Hinintay kita." Madamdamin nitong pahayag.
Napailing sya. Bumalik ang sakit na naramdaman nya ng araw na kinasal ito. "Nagpapatawa ka. Naghintay? Talaga lang ha." Nanunuya namang sumbat niya habang tumutulo na naman ang luha sa kanyang mga mata.
"Darating ang araw na maiintindihan mo rin ako pero ngayo mangako kang hihintayin mo ako. Pagdating ng araw na iyon wala ng makakapigil pa sa atin." Pangako nito sa kanya.
"My God! Ano tong ginagawa natin." Sapo nya sa kanyang mukha dahil sa sobrang guilty ng pakiramdam niya. Ang bigat sa dibdib.
"Kahitbmay pagtingin na ako sayo noon pa at iningatan ko ito hanggang ngayon ay hindi parin sapat iyon para sirain kayong dalawa. Hindi ko kaya. Kaya parang awa mo na, huwag mong hayaan na makagawa ako ng ikakababa ng tingin ko sa sarili ko." Pakiusap niya dito na lalong nanlabo ang kanyang mata dahil sa luha. Dahil sa totoo lang ay nahihirapan na din syang pigilin ang kanyang damdamin.
Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang sarili ng may marinig siya ng yabag papalapit.
"Ella sasamahan na kita sa tutulugan mo." Sabi ni Kimberly ng makalapit sa kanya. "Okey ka lang?" Tanong nito.
"A. O-oo. Ok lang ako." Sagot nya na iniiwas ang tingin dito.
Tahimik lang si Ron na nakatingin sa kanilang dalawa.