RON Nanginginig ang mga kamay ni Ron habang nakatingin sa cellphone na hawak hawak. Cellphone iyon ni Ella, nakita nya iyon sa bag na inabot sa kanya ni Aling Bebang. Napatingin sya sa dalagang wala paring malay. Parang pinipiga parin ang puso nya. Ginagap nya ang palad nito at mariing hinalikan iyon. Katatapos lang ng libing ng anak nya. At hiniling nya sa mga magulang ng dalaga na kung pwede ba muna silang iwan dahil ang mga ito ang nagbabanatay. Parang sasabog ang puso nya. "Gumising kana babe dahil parang hindi ko na kaya. Kung gusto mo akong parusahan sa lahat ng pagkakamali ko tatanggapin ko pero huwag sa ganitong paraan dahil hindi ko kakayanin ang sakit." Hindi nya mapigilan ang luhang nag uunahan sa kanyang pisngi. "Patawarin nyo ako." Anas nya na pilit sinusupil ang hagulgo

