Parang nanghihina si Ron ng tumigil sila sa labas ng isang kwarto na salamin ang wall. Kaya kitang kita niya ang mga bata na madaming nakakabit sa katawan. Hindi pa niya alam kung nasaan ang sinasabi nilang anak nila ni Ella pero parang hindi na kinakaya ng loob niya na makita ang anak niya sa ganoong ayos. "Sumunod po kayo sa akin." Sabi ng nurse doon. Nagkatinginan sila ni Keith. Tinapik nito ang balikat niya bago sila pumasok. Halos madurog ang puso niya ng tumigil sila sa isang tapat ng napakaliit na bata na naka incubator. halatang kulang ito sa buwan bago lumabas. Parang ang nipis ng balat nito dahil kitang kita niya ang mga ugat nito sa katawan. May nakasalpak na tubo sa bunganga at nakatakip ang mata, may mga nakakabit sa dibdib. May dextrose sa maliit nitong kamay. Nakahubad i

