Pabaling baling ang ulo ni Ron. "Ella!" Tawag niya sa dalaga. Tinatangay ito ng hangin palayo sa kanya. Nakalutang ito sa hangin. Inaabot nito ang kanyang kamay sa kanya pero hindi niya maabot. Umiiyak ito, tinatawag ang kanyang pangalan habang ang mga kamay ay pilit na inaabot sa kanya. "Ron please help us..." pakiusap nito... nakita niyang dumadami ang dugo sa damit nitong puti. "Ella!" Sigaw uli niya dahil malapit na sana nitong mahawakan ang kamay nito pero mas lalo itong tinangay ng hangin. Hinabol niya ito pero lumalayo ito ng lumalayo. Hanggang sa umabot ito sa may bangin at bigla nalang itong nahulog. Inaabot niya ang kamay nito pero unti unti na itong nilalamon ng walang hanggang kadiliman sa bangin. "Ella!!!!" Sigaw niya. Hingal na hingal sya. Parang hindi na siya makahin

