"Anak bumalik ka kila Ron. Dahil kung nandito ka ay hindi ninyo maaayos ang problema ninyo. Ikaw ang nagkamali kaya dapat na ikaw ang sumuyo sa kanya." Sabi ng kanyang ina. Isang linggo na siya sa bahay nila. Bukas na sana ang kasal nila. Pero dahil sa nangyari ay hindi na matutuloy. Sinubukan niya uling tawagan si Brandon pero hindi na niya ito macontact. Binalikan niya pa uli noon si Ron pero hindi na siya nito pinakiharapan. Maghapon siyang naghintay sa labas ng gate ng mga ito. kahit pinapaalis siya ng mga guard. Kahit mabasa siya sa ulan ay hindi siya umalis pero hindi parin siya nilabas ng lalaki. Kinabukasan ay inapoy siya ng lagnat. Umuwi siya sa probinsya pero ngayon nga ay pinagtutulakan na siyang pabalikin kila Ron para makapagpaliwanag siya sa lalaki. Kinabukas ay bumali

