bc

Open Your Eyes, Gohan

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
tragedy
office/work place
enimies to lovers
surrender
like
intro-logo
Blurb

Gonnie Han Cuego has a peculiar phobia, called Gynophobia(A fear of women) His condition made him unable to interact in the real world. Except for his family, no one knows about his condition. Despite having this strange condition, Gonnie is still fulfilling his dreams, his delicious secret recipes made him a famous chef.3 years ago, his former crew died because of his phobia but the case was hid, until...one day, a beautiful woman disguised herself as a lesbian, for her to be able to apply as a server to Gonnie's restaurant. Even though the woman looks like a lesbian, you can still see her attractive beautiful face. That woman made him confused because he didn't feel any fear toward her; instead she brought him a different feeling that he never felt before.Through that beautiful woman the hidden past is gradually returning...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue: "Sir Gon? Are you still there?" Nakatayo sa labas ng kitchen area si Aminah habang hinihintay na lumabas ang kaniyang amo upang makapagpaalam ito, dahil sa biglaang pagkakaroon ng emergency sa kanila. Isinugod sa hospital ang kaniyang ina kung kaya't nais niyang makauwi ng maaga upang mapuntahan ito. Nigh shift si Aminah kung kaya't wala ng gaanong tao sa restaurant na pinagtatrabauhan niya. Maaga ring umuwi ang ilang mga kasamahan niya sa trabaho dahil karamihan sa mga ito ay mga estudyante pa lamang na 'di maaaring abutin ng dis-oras ng gabi. "Sir Gon?" muli nitong tawag. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pintuan ngunit tanging malakas na musika lamang ang kaniyang naririnig sa loob. Iniisip niya na malabong marinig siya ng kaniyang amo kung kaya't kailangan na niyang pumasok sa loob, lalo na't kailangan na kailangan na siya ng kaniyang ina. Huminga siya nang malalim bago hawakan ang doorknob ng pintuan. Hindi na siya nagdalawang-isip pang pumasok alang-alang sa kaniyang ina, hindi na niya inisip na maaari siyang mapagalitan dahil mahigpit na pinagbabawal sakanila ang pumasok ng kitchen area at kausapin ng personal ang kanilang amo. Pagpasok ni Aminah ay nilibot niya ang napakalaking kitchen area. Nagpalinga-linga siya upang makita ang kaniyang boss. Sa tingin niya ay nasa bandang dulo pa ng kitchen ito kung kaya't malabo nga talagang marinig siya nito sa labas, idagdag mo pa ang napakalakas na rock music na maririnig sa buong kitchen area. Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang amo niya na kasalukuyang nagluluto. Nakatalikod ito sa kaniya kung kaya't hindi siya nito nakita. "S-sir Gon." Garalgal ang boses ni Aminah dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Dahil nga sa sobrang lakas ng musika ay hindi siya nito narinig, halata mo na nag-eenjoy ang kaniyang amo sa music na naririnig dahil sinasabayan pa nito ng pag-indak gamit ang kaniyang kaliwang paa. "Sir Gon!" Sa pagkakataong 'to ay nilakasan na ni Aminah ang kaniyang boses kung kaya't dahan-dahang humarap ang amo nito sa kaniya. Nagkatitigan ang dalawa nang ilang segundo, kaagad napansin ni Aminah ang duguang kutsilyo na hawak ng kaniyang amo. Pati ang suot nitong kulay puting apron ay nabalutan ng dugo. Hindi tuloy maiwasan ni Aminah na isipin kung totoo nga ba ang bali-balita tungkol sakanyang amo na isa itong psychopath. Ngunit isinawalang tabi na muna niya ang kaniyang takot para sa kaniyang pinakamamahal na ina, lalo na't nakita niya na nagluluto ang kaniyang amo. Inisip na lamang nito na galing sa iba't ibang mga karne na niluluto ng kaniyang amo ang mga dugo na nakikita niya sa kutsilyo at sa kulay puting apron. Huminga ito nang malalim bago siya magsalita. "S-sir kailangan ko na pong umuwi dahil nagka-emergency p—" Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin niyang nag-iiba ang postura ng kanyang amo. Pawis na pawis ito na para bang nahihirapan huminga habang naniningkit ang kaniyang mga mata. Dahil dito ay natakot si Aminah kung kaya't napahakbang ito ng paatras, palayo sa kaniyang amo. Nadagdagan pa ang kaniyang takot at kaba nang mapahawak ang kaniyang amo sa magkabila nitong tainga na tila ba may kung anong naririnig. Lumilas pa ang ilang segundo at napansin niya ang tuminding pagtagaktak ng pawis nito. Dinig na dinig ni Aminah ang bawat paghinga nito ng malalalim. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari at sa pagkagulat ay hindi malaman ni Aminah ang kaniyang gagawin. Tuluyan pa itong nakaramdam ng kaba at takot nang ang mapansin niyang dahan-dahang napapaluhod ang kaniyang amo sa sahig na tila ba nanghihina ito. "Wahhh!!!" biglang nagpakawala nang malakas na sigaw ang kaniyang amo habang pikit matang nakaharap sa kaniya. Sa sobrang lakas ng sigaw ay mas nangibabaw ito kaysa sa rock music na kanina pa tumutugtog. Halos himatayin si Aminah sa sobrang kaba at takot na nararamdaman niya, kung kaya't dali-dali itong umatras ng umatras. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari ay nadulas ito at nabagok ang kaniyang ulo sa isa sa mga mesa na gawa sa bakal. Dahil doon ay nawalan ng malay si Aminah habang nakahiga sa sahig. Sa puntong 'yon tuluyan at dahan-dahan na ring nawalan ng malay ang kaniyang amo at unti-unti na ring napahiga sa sahig. "Gonnie Han!" Pagkamulat pa lang ng kaniyang mata, pangalan na agad niya ang kanyang narinig. Nilibot niya ang kaniyang paningin at na kumpirma niyang nasa kwarto nga siya nito. "D-dad?" sambit ni Gonnie. Napahawak siya sa ulo niya dahil nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo. "How are you feeling?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Mapapansin mo sa mata ng kaniyang ama ang pangangamba para sa anak. "I feel better, thank you," nakangiting tugon nito sa ama. "You don't have to worry about what happened, okay? You just have to focus with important things," nakangiting sambit nito at hinaplos sa balikat ang kaniyang anak na kasalukuyang nakasandal sa kama. Napaupo bigla si Gonnie mula sa pagkakahiga, halata mo sa itsura niya ang pagkalito sa sinabi ng kaniyang ama. Seryoso siyang napatingin rito, bago muling nagsalita. "What do you mean?" tanong ni Gonnie. Batid sa itsura ni Gonnie na naguguluhan talaga siya sa mga sinabi ng kaniyang ama. "I was talking about Aminah," sagot nito. "H-huh? What do you mean?" Naguguluhan pa rin si Gonnie sa sinasabi ng kaniyang ama, hanggang sa pa unti-unti nitong naalala ang mga nangyari kagabi. "Ohh... w-what happened to Aminah? K-kumusta siya?" dali-dali nitong tanong, batid mo ang pag-aalala nito dahil sa tono ng kaniyang boses at sa kaniyang itsura. "Aminah is dead." Gulat na gulat si Gonnie sa kaniyang narinig mula sa ama. Hindi siya makapaniwala na wala na ang babaeng palihim niyang hinahangaan. Alam niyang mabutung tao si Aminah kaya labis itong nakararamdam ng kalungkutan. Iniisip nito kung bakit nangyari iyon. "P-paano nangyari 'yon?" tanong niya. Muli, unti-unti naman niyang naalala ang pangyayari kagabi kung saan takot na takot si Aminah sa kaniyang sigaw dahilan kung bakit ito nagdamaling umatras palayo at naging dahilan nang pagkabagok ng ulo nito sa mesa na gawa sa bakal. Napayuko siya nang nagbalik-tanaw ito kay Aminah. Hindi madali sa kaniya na paniwalaan na wala na nga si Aminah. Ang babaeng lihim niyang hinahangaan. Hindi man lamang niya nasabi ang nararamdaman sa dalaga bago ito nawala. Sinisi nito ang kaniyang sarili dahil sa pagkakaroon nito ng phobia. Nakayuko pa rin ito habang patuloy na inaalala si Aminah. Halos mapanting naman ang tenga niya nang marinig ang mga sumunod na sinabi ng kaniyang ama. "You killed her."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook