Chapter 1: Who is she?
D A L I A
Simula nang mapagdesiyunan ko na magpatuloy na mag-aral dito sa Maynila, ay hindi pa ako ulit umuwi sa probinsya namin sa Pampanga. Ayaw ko kasing sabihin nina papa at mama na tama sila na wala akong napala sa pangarap ko. I want to prove to them that I can achieve my dreams even in my own ways. I want them to realize that their assumptions about me are wrong.
Pinag-aral ako ng parents ko hanggang highschool pero after ko maka-graduate ay ayaw na nila akong pag-aralin pa, hindi naman daw kasi kataasan ang mga grades ko compare sa ate ko na kasalukuyan ng flight attendant, dito rin sa Manila.
A typical scenario in one family, comparing their children to one another. They believe na mapupunta lang sa wala ang gagastusin nila kung magpapatuloy pa ako sa pag-aaral. They want me to manage the bakery shop of my sister na para bang sinasabing hanggang doon lang ako. I know that, I can be more. That's the reason why I decided to go in Manila and pursue my study here.
I admit that it's difficult to be independent but it's more difficult to live in a house where no one believes and supports you.
Huminga ako nang malalim at iniisip kung tama ba ang gagawin ko. Ilang minuto na akong nakatayo dito sa tahimik na hallway, nasa tapat ako ng pintuan ng K's resto office. Sa bandang dulo ng restaurant nakapwesto ang office nila kung kaya't walang gaanong nagawi na tao dito.
"Hays," napabuntong-hininga ako. Kung 'di ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtiya-tiyaga na gawin ito.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa sliding door na pintuan dito sa office. Napakamot ako ng ulo nang makita ko ang itsura ko, nakasuot ako ng kulay puting fitted na polo, black slacks at black shoes. Nagsuot din ako ng panlalaki na wig na binili pa namin ng kaibigan ko na si Klioh.
Ngayong araw, maga-apply ako sa isang sikat na restaurant dito sa Manila bilang isang server o kahit isang dishwasher na lang. Ni-recommend ito ng kaibigan kong si Klioh, na isang lesbian. Sinabi niya na malaki raw ang sahod dito pero hindi maaaring magtrabaho ang mga babae sa restaurant na 'to. Hindi niya sinabi sakin ang dahilan, hindi rin daw naman niya kasi alam ito.
Maganda si Klioh kung siya ay straight girl. Morena siya at matangkad. Pero ngayon ay halata mong paunti-unti ng nagbabago ang kanyang itsura, nagmumukha na talaga siyang lalaki.
"Haha!" Natawa ako nang maisip na hindi bagay sa maganda at maamo kong mukha ang ayos ko ngayon. Nangingibabaw pa rin ang kagandahan ko kahit na nagmake-up ako na panlalaki.
Napasinghal ako baga hawakan ang pintuan ng office. Papasok na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko kaya napahinto ako sa pagbubukas nito. Nakita ko sa repleksyon ng sliding door kung sino ang tao sa likuran ko. Nakasuot siya ng uniform na pang K's resto bar&resort.
"Hoy Dylan, sira ka ba?!" mariing sambit nito at hinila ako palayo ng pintuan sa office ng K's resto. Dylan raw ang magiging pangalan ko as a lesbian name.
"What's wrong?" I asked. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at inayos ang nalukot kong polo. Panira naman ng porma, hindi na nga ako komportable sa suot ko e.
"Bakit ang ganda mo?!" malakas niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya. Parang 'di naman masyado!
"Lah! Parang 'to si Klioh!" Hinampas ko siya sa balikat niya habang tumatawa ako.
Napakamot siya ng ulo bago muling nagsalita "Hays. I mean, 'd-di ba sinabi ko sa 'yo na kailangan magmukha kang lalaki?! Remember hindi ka straight girl ngayon!" Halata mo sa boses niya na kinakabahan siya at worried.
I don't know why she's over reacting, as if someone will eat me alive.
"Klioh, I can't do anything about my beautiful face hehe."
Napabuntong-hininga siya. "No, kailangan mong sumama sakin. Hindi ka pwedeng makita ni Mr. Gon ng ganyan!" Hinila niya ako papunta sa kung saan pero nagpumiglas ako.
"Sandali nga lang, ano ba kasing meron? As if may mangyayaring masama kung malaman nilang straight girl ako? Tsaka ano bang magagawa ko kung maganda talaga ako 'di ba?" I smiled with matching beautiful eyes.
"Yes, may masama talagang mangyaya—" napahinto siya sa pagsasalita nang biglang may dumaan na lalaking server sa tabi namin na para bang gulat na gulat at takot na takot nang mapatingin ito sa amin, sabay napalakad ito ng mabilis palayo sa amin. "See? That's what I'm talking about!"
Hindi ko parin maintindihan ang point niya, they're so weird. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ako magtiya-tiyaga magtrabaho sa ganitong klaseng environment, ang we-weird ng mga tao, isama mo na rin 'tong si Klioh.
Hinayaan ko na lang siyang hilain ako, pupunta raw kami sa restroom para mag make-up upang magmukha raw akong lesbian. Well, I did it earlier. Sa sobrang ganda ko, hindi yata tumalab yung effort ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang...
"Klioh." We heard a voice of man, behind us.
Napahinto kami sa paglalakad ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Klioh sa balikat ko. Napatingin ako sa kaniya, nakapikit siya habang humihinga nang malalim. Ano'ng nangyayari sa kaniya? Napasinghal ako at bahagyang natawa.
Lilingon sana ako para tignan ang lalaking tumawag sa amin nang biglang harangan ako ni Klioh. Mabilis siyang nakapunta sa harapan ko, hays. Sa tangkad ni Klioh ay hindi ko makita ang itsura ng lalaking katapat niya.
"M-Mr Gon!" natatarantang sabi ni Klioh. Si Mr. Gohan pala ang kausap niya. Oo, Gohan ang tawag ko sa boss niya na magiging boss ko na rin kung sakali. Mm, Gonnie Han kasi ang buong first name ng amo niya e, mas cute kaya ang Gohan 'di ba?
"Klioh, what's wrong with you?" tanong nito kay Klioh.
Dinig ko ang bawat paghinga ni Klioh nang malalim. Na para bang kahit anong oras ay hihimatayin siya. Ano bang problema niya?
Wala siyang sinabi sa akin tungkol sa ganitong bagay. Kung bakit ganun na lamang kaimportante na magmukha akong lalaki? Hindi ba pwedeng magpanggap ako ng lesbian emotionally not physically?
Hindi naman siya ganito umasta no'ng kinukumbinsi niya pa ako magtrabaho dito sa K's resto, dahil nga alam niyang kailangan na kailangan ko talaga ng pera. Pero ngayon, hindi ko siya maintindihan.
"N-nothing sir!" nabubulol na sambit ni Klioh.
"Mm, who is she?"