Chapter 2: Strange Condition
D A L I A
I still don't understand why women can't work here in K's resto. Is this some kind of gender inequality? Gender discrimination?
"Who is she?" sambit ni Gohan na lalong nagpanginig kay Klioh.
Hindi parin siya umalis sa harapan ko, hays. What's wrong with her?
"Hi Mr. Gon!" I smiled.
Pumunta ako bigla sa harapan ni Klioh kaya magkaharapan na kami ngayon ni Gohan.
Napansin kong mabilis na napahakbang si Gohan ng isang beses paatras at napahinga nang malalim kasabay ng mabilis na pagkurap. Okay lang ba siya? Para siyang nakakita ng multo, aha!
Natulala siya nang ilang segundo sakin, kaya natitigan ko din nang ilang segundo ang kanyang itsura. Mahaba ang buhok niya, hanggang leeg. Wala akong ibang makitang emosyon sa kaniya kung 'di takot at kaba na kitang-kita sa kaniyang mga singkit na mata.
Ano ba ang nangyayari?
"S-sino siya?" nabubulol na tanong nito.
"I'm s-sorry sir!" paumanhin ni Klioh.
Ramdam ko na takot na takot na talaga si Klioh. Napapapikit pa ito dahil sa kaba.
"I s-said who is she?" pag-uulit ni Gohan.
"H-he's my friend Dylan, sir." Klioh explained.
"Y-you're a lesbian right?" tanong ni Gohan.
"Yes Goha— Mr. Gon!" I smirked. My gosh Dalia, your mouth!
I flexed my biceps to prove na lesbian ako. Napatingin ako kay Klioh na napapapikit dahil sa pinaggagawa ko.
Napatango-tango naman si Gohan habang tinitignan ako. Ilang segundo lang ay naglakad na ito palayo sa amin, pero bago siya tuluyang umalis ay muli itong lumingon sa direksyon namin.
"Anyway, you're applying as?"
"Manager," I whispered. Natawa ako. "Buti hindi niya ako narinig. "Server, sir."
Naningkit ang mga mata niya bago ito tumango. Ang bunganga ko talaga!
"Then go to my office," walang gana niyang sabi at tuluyan na itong naglakad patungo sa kaniyang office.
Naiwan naman kaming dalawa ni Klioh dito sa hallway. Nakatingin ito nang masama sa akin, na para bang sinasabing may mali akong nagawa.
"What have you done?" Klioh asked.
Halata mong disappointed siya dahil sa tono ng kaniyang pananalita.
"I did well hehe," ngintian ko siya. "Did you hear him? He said, 'Go to my office.' hehe."
"Hays! No one acted like that in front of Mr. Gon!" Malakas na sambit nito. "You don't know what you are doing! You're making a mess!"
Hindi ko alam bakit biglang naging ganito si Klioh mula kanina. Nginitian ko na lang siya. Sanay na din naman ako na madali siya ma stress sakin dahil sa kakulitan ko, but what I admire about Klioh is palagi pa rin siyang nandiyaan para sa akin.
"I don't understand," napabuntong-hininga ako. "Yeah mukha siyang suplado, pero ang importante ay makapagtrabaho ako 'di ba?" I explained.
"Please act formal Dalia," she sighed. "Okay I'm going to tell it to you."
Inaya niya ako papunta sa mismong resto para sabihin daw sa akin ang dahilan na hindi niya sinabi sa akin. Finally! Umupo kami sa isa sa mga dining table rito.
May i-ilang mga tao na kumakain ngunit tahimik lang ang mga ito. Halata mo sa mga suot nila na formal attire na mayayaman sila. Yung iba ay halatang nagme-meeting tungkol sa business at ang iba ay mga mukhang stress. Uy, rhyme! Aha!
"What is it?" I asked nang makaupo na kami ni Klioh. May mesang nakapagitan sa amin.
"About the rumours," panimula ni Klioh.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Rumours?" naguguluhan kong tanong.
"Listen," medyo lumapit siya at hininaan pa niya ang kanyang boses. "Mr. Gon has an strange condition, whenever he sees an attractive and beautiful woman he turns into a wild monster."
Matapos niyang sabihin 'yon ay nanlaki ang mga mata ko at kaagad na tinakpan ang bibig ko upang hindi kumawala ang pinipigilan kong tawa dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Aha!
"R-really Klioh?" nabubulol kong sambit habang pigil na pigil parin ang tawa ko.
"Hays," napahinga siya nang malalim. "Not a literal monster. Parang monster lang. Like he can eat you alive!"
Naningkit ulit ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya, hindi ko parin mapigilan ang tawa ko. Hanggang hindi ko na napigilan ang tawa ko at napalakas ito kung kaya't ang mga busy na tao kanina ay nakatingin na lahat sa akin. Napatingin ako kay Klioh na napahampas sa kaniyang noo dahil sa nagawa ko.
"You think that rumour is true?" I asked.
Medyo sumeryoso ako dahil pansin kong naiinis na talaga siya sa akin.
"I-I don't know, but it's better be safe than take risks." Mapuntong sagot nito.
Well, may point naman siya. Pero hindi parin ako makapaniwala na may ganung klaseng rumour na kakalat. Sino namang tao ang magkakaroon ng ganung klaseng kondisyon, aha!
Magsasalita pa lang sana ako uli nang biglang magring ang phone ni Klioh.
"It's him." Klioh said, before answering her phone.
Naghintay ako ng ilang segundo bago natapos ang call nila.
"He's asking about you."
"Should I go now?"
"Y-yes... please be careful," Klioh said and she smiled.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo upang pumunta muli sa office ni Gohan. Tinignan ko muna si Klioh at nginitian bago ako tuluyang naglakad papunta sa office ni Gohan.
Habang naglalakad ay naisip ko ang itsura ni Gohan nang makita niya ako. Bakit ganun ang reaction niya? Para siyang gulat na gulat. Napapaisip tuloy ako kung totoo ba yung rumour?
"Hays," napabuntong hininga ako at natawa na lang dahil sa iniisip ko.
Paano naman magiging totoo 'yon e, edi sana naging monster na kuno siya nang makita niya kanina ang kagandahan ko.
Here we go again, nasa tapat na uli ako ng pintuan ng office. Huminga ako nang malalim bago hawakan ang sliding door. Papasok na sana ako nang makarinig ako ng boses ng mga lalaki, na halatang nagtatalo.
"Mr. Gon you can't allow her to work here," a man said.
"I said, I'm fine with it. Hindi siya babae, she's a lesbian!"
"Panigurado mapapagalitan ako ng daddy Gion mo for allowing you for this matter."
"Can you not mention that person? As if he really cares. Malaki na ako at kaya ko ng gumawa ng sarili kong desisyon!" malakas na sambit ni Gohan. I felt his anger in his tone.
"Don't forget about your strange condition sir Gohan."
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Ha? Strange condition? Totoo nga ba ang sinabi ni Klioh? s**t!
"I-I know! But I repeatedly say that I'm fine! I know what I am doing!" Gohan shouted.
"I'm just warning you sir."
"How dare you to call me sir, for not treating me as your boss. I'm always saying that I don't need you anymore, I don't need your guidance! I don't need your advice! So get out and go back to your real boss!"
"He's your father, may pangalan siya. Hindi mo ba siya pwedeng tawaging tatay?"
"Is he?" he laughed sarcastically. "Get out!"
Narinig ko ang mabibilis na mga hakbang palabas ng pintuan kung kaya't napaatras ako at dali-daling pumunta sa gilid ng pintuan.
Bumukas ang pintuan at lumabas dito ang lalaking kausap kanina ni Gohan. Nakasuot ito ng formal attire, malinis ang itsura niya at sa tingin ko ay halos magkasing-edad lang sila ni Gohan. Tinignan niya ako nang ilang segundo bago siya tuluyang naglakad palabas ng office.
Napansin ko naman si Gohan na nakatingin sa akin habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Pansin ko sa mukha niya ang inis dahil sa nangyaring alitan nila ng lalaking nakausap niya. Napatitig lang ako sa kaniya at muling naalala ang pag-uusap nila.
Strange condition? Hindi ito mawala sa isipan ko. Totoo kaya ang rumour?
Tutuloy pa ba ako sa pag-aapply? s**t! What if totoo ang rumour?