Chapter 3

1128 Words
Chapter 3: Murder Case D A L I A Labag man sa loob ko ang gagawin ko na magpanggap bilang isang lesbian ay gagawin ko pa rin dahil kailangan ko ng makahanap ng pambayad sa school lalo na't dalawang buwan na lang ay ga-graduate na ako. I am near to my success, I'm about to smell victory. I can now prove that I can, that they are wrong for not supporting me. Isinawalang tabi ko na muna ang mga iniisip ko na baka totoo ang rumour dahil sobrang labo namang maging totoo ng issue na 'yon. Huminga ako ng malalim at ngumiti bago naglakad palapit kay Gohan. Nilibot ko ang paningin ko sa kanyang office. Kusang nagsara ang sliding door. Dali-dali akong napatingin sa direksyon sa labas. Nagulat ako nang mapansin kong blurred lang ang nakikita ko sa labas kapag nasa loob ka ng office, pero kapag nasa labas ka naman ay makikita mo ang nasa loob kung lalapit ka. This is kinda weird, usually sa mga bintana ng sasakyan ang ganito, pero sa sasakyan ay makikita mo ang nasa labas at hindi mo naman makikita ang nasa loob. Napabuntong hininga ako nang mapagtanto na kung ano-ano na lang ang iniisip at pino-problema ko. Muli kong binaling ang tingin ko kay Gohan. Hindi na siya nakatingin sakin. Seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya. Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harapan na ako ng table niya. "Have a seat," he offered without looking at me. Binuksan niya ang isang folder na nasa office table niya at inabot ang ilang mga papel na sa tingin ko ay may higit sa dalawang page. "Fill out those forms, then leave immediately." Seryoso niyang sambit. Hindi man lang siya tumingin sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya at halatang may pinagkakaabalahan. Napatingin ako sa inabot niyang mga papel. Contract ito at may isang form na kailangan i fill-out. "Hired na ako agad sir?" I asked. "Ayaw mo ba?" He answered. "Syempre gusto!" I smiled. Sa pagkakataong 'yon ay binalingan niya ako ng tingin at napatitig sa akin. Nginitian ko pa siya lalo kahit na seryoso lang siyang nakatingin sakin. Kailangan ko magpa-impress sa kaniya no. Napasinghal ako nang wala man lang akong makitang reaksyon sa mukha niya, nagpatuloy na siya sa ginagawa niya. Binaling ko na lang muli ang tingin ko sa mga papel na hawak ko. "Wala man lang bang interview? Nag-prepare kaya ako para doon hehe." Muli ko siyang tinignan. "What's the essence of that form?" supladong tanong nito. "Pageant yorn?" I smirked. "W-what?" Kita kong naningkit ang mga mata niya. "W-wala po sir. Ang sabi ko gamit ang form na 'to malalaman niyo na yung mga informations about sa akin hehe." Nginitian ko siya kahit na hindi na siya nakatingin sakin. Psh! "So? Fill out mo na yan, then leave immediately." Seryosong sambit nito. May itsura sana si Gohan kaso suplado e, daig pa niya ang babaeng araw-araw red days. Siguro 'di pa 'to nagkakaroon ng girlfriend. Sabagay, hindi nga siya tumatanggap ng babaeng trabahador e. Kulang na lang pati customers na babae ay 'di niya pakainin sa restaurant niya. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga papel na hawak ko at dali-daling pinirmahan. Binasa ko ang contract, wala namang kakaiba dito na maaaring magpakulong sakin. Nabaling ang tingin ko sa tumutunog niyang cellphone na nakapatong sa kanyang mesa. At dahil tsismosa ako, ay sinulyapan ko ito. Traze is calling... Napansin kong sinilent lang niya ang phone niya at hinayaan lang ang tumatawag. Napabuntong hininga ako sa ginawa niya. What if emergency 'yon? Napakamot ako ng ulo nang mapagtanto na gawain ko nga din pala ang hindi sumagot ng tawag. Pero ano kayang problema nito ni Gohan? Muli akong napatingin sa kaniyang cellphone nang mag-vibrate ito at sa pagkakataong 'yon ay sinagot ito ni Gohan. "Excuse me," sambit nito bago naglakad palayo. Wow, marunong pala mag-excuse ang isang Gohan. Naglakad siya papunta malapit sa bintana ng kanyang office at kinausap ang tumawag sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagfill-out ng form. "What do you want? Hindi ba't sabi ko na hindi na kita kailangan?!" Dinig kong bungad niya sa kabilang linya. "W-who are you?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sakanya. Nabitawan niya ang kaniyang cellphone sa sahig na para bang may kakaibang narinig sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo dahil sa nangyari. Kitang-kita ko kung paano siya nanlulumo, parang may kung ano siyang nalaman sa kabilang linya. "A-are you okay?" I asked. Dahan-dahan siyang napaupo sa sofa na nasa tabi ng bintana. Pumikit lang siya habang nakatakip ang mga kamay niya sa magkabila niyang tainga. Pansin ko din ang pawis na namumuo sa kaniyang ulo at leeg, pinagpapawisan siya kahit na malamig sa kaniyang office. "Leave me alone!" Malakas niyang sabi habang nakapikit. "A-anong nangyayari sayo?" Tarantang tanong ko. 'Di ko malaman kung anong gagawin ko sa kaniya. "I said, leave me alone!!!" Sigaw niya. Natulala lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pinilit niyang maglakad papunta sa kaniyang mesa at may pinindot ito na red button. Wala pang isang minuto ay may dali-daling pumasok na lalaki, isa siyang psychologist base sa suot niyang damit at sa kaniyang name plate. Seryoso siyang tumitig sakin ng ilang segundo at napailing. Dali-dali siyang naglakad, papunta kay Gohan. "Dylan!" Napalingon ako nang nagmamadaling pumasok si Klioh at bigla akong hinila palabas ng office. "What happened? A-anong ginawa mo?!" Natatarantang tanong niya. "N-nothing," hindi na rin ako makapagsalita ng maayos dahil naguguluhan ako sa nangyayari. "Okay ka lang ba?" tanong nito. "Y-yeah," I answered. "Let's go home." Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit kaya naging ganun bigla si Gohan? Kumusta na kaya siya? Sana'y okay lang siya. Mula kaninang pag-uwi namin ni Klioh sa kaniyang condo unit ay binabagabag na ako ng mga tanong na ito. Ano kayang problema ni Gohan? Una, hindi pwedeng magtrabaho ang mga babae sa kanyang restaurant. Pangalawa, may rumour na kumakalat about his condition. Ikatlo, anong nangyari sa kaniya kanina? Bakit bigla siyang naging ganun nang may narinig na kung ano sa kabilang linya? "Hays," napabuntong-hininga ako. Napatingin ako kay Klioh na nasa kabilang kama habang mahimbing ang tulog, samantalang ako ay gising pa kahit na ala-una na ng madaling araw. Kinuha ko ang laptop ko at dali-daling binuksan at pumunta sa google. Iba ang pakiramdam ko sa restaurant na 'yon. Ano ba ang meron doon? Search: K's resto bar and resort. May kung ano-ano akong nakitang results. Kung anong year tinayo ang K's resto at ang location ng iba't ibang branch nito. Out of many results, one article caught my attention and this was 3 years ago. K's resto bar and resort, murder case.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD