Chapter 4

1208 Words
Chapter 4: Knife D A L I A Araw ng sabado kaya wala akong pasok sa school. Isang linggo na akong nagtatrabaho sa K's resto. Tuwing weekdays panggabi lang ako at tuwing weekends naman ay 12:00 PM to 12:00 AM ang schedule ko. Ito ang unang sabado ko dito. Ang dami ngang customer mula kanina e. Kapag may umalis, ilang minuto lang may dadating na bago. Edi sana lahat, may dumadating na bago no? As if naman may lovelife ako kung makapagdrama. Nag-decide ako magpatuloy sa pagtatrabaho dito dahil nga kailangan ko talaga ng pera. Tsaka nakapagpirma na rin ako ng contract. Tinanong ko kay Klioh ang tungkol sa murder case na nakita ko sa internet nung nakaraang linggo, pinuntahan ko kasi yung site pero wala akong makita ni ano, blank page ang nakita ko. Ang sabi ni Klioh hindi raw totoo 'yon at case solved na raw 'yon, wala raw murder na naganap dahil inatake raw sa puso yung babae, na nagngangalang Aminah Beltran, nalaman daw kasi nito ang balita tungkol sa nanay niya, na isinugod ito sa hospital. Sa loob ng isang linggong naging maayos naman ang pagtatrabaho ko dito. Mula nang mangyari yung insidente sa office ni Gohan ay hindi ko pa siya ulit nakikita. Ganun daw talaga si Gohan, sa office at kitchen area lang daw siya lagi. May sarili raw pintuan si Gohan sa office niya na direct sa kitchen area. "Good afternoon mam, here's your order. Enjoy your meal," bati ko sa babaeng customer na may kasamang batang babae. Napatitig ako ng ilang segundo sa kanila bago umalis. Kumusta na kaya ang pamangkin ko na si Namie. "Tita Dalia, don't leave me please," sambit ni Namie habang walang tigil sa pag-iyak. "I need to go baby, babalik ako promise." "Promise?" tanong niya. "Promise." Huminga ako nang malalim matapos maalala si Namie, miss ko na siya. Kahit na 6 years old pa lang siya noon ay pinaramdam na niya sakin kung gaano ako kahalaga sa kaniya. "Excuse me, miss?" Napalingon ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko habang kasalukuyan akong nakatayo sa tabi ng counter at naghihintay ng ibang order na ise-serve. Bumungad sakin ang napakaganda at napakatangkad na babae. Nakasuot ito ng fit na dress at nakatali ang kulot niyang buhok. Nginitian ko siya bago nagsalita. "M-mister po hehe." Hindi kasi ako pwedeng umasta bilang babae dito, kailangan kong panindigan ang pagiging lesbian ko. "Yes po mam? Ano pong kailangan niyo?" "Hmm," she smiled pero parang nagdududa siya sa sinabi ko. "Pwede ko bang makausap ang owner ng restaurant niyo?" "N-naku... hindi ko po—" "Sir Gonnie is not here." Putol sakin ni Klioh, nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Pero ba't siya nagsinungaling? Napasinghal ang babae at napatango sa sinabi ni Klioh. Nginitian niya kami bago siya muling nagsalita."Mm, okay. Thank you." Naglakad siya papunta sa isa sa mga dining table at bago umupo ay muli siyang lumingon sa direksyon namin. "Anyway, mister Dylan you're beautiful. Sayang lang at hindi ka straight." She said while she's smiling. Hindi na ako nagtaka na nalaman niya ang pangalan ko na Dylan, dahil sa name plate na suot ko. "Actually, may kamukha ka sa isa sa mga kaibigan ko. Gusto ko ikaw kumuha ng order namin mamaya ah, para ma-meet mo sila. Parating na din naman sila," dagdag pa niya at tuluyan ng umupo. Nginitian ko siya bago niya binaling ang tingin sa kaniyang cellphone. "Sayang?" Klioh whispered. "Ano ang sayang sa pagiging lesbian? Maganda sana siya, kaso kinulang yata sa utak." "Psssh." suway ko kay Klioh. "She might hear you." "I don't care!" "Hays," napasinghal ako. "Are you siding her, Dalia? Aha!" Klioh laughed sarcastically. "Sa tingin niyo pinili namin maging ganito? Sinong taong pipiliin ang mahusgaan ng maraming tao na kagaya niya?" "N-no Klioh, it's not like tha—" napahinto ako sa pagsasalita nang dali-dali siyang naglakad palayo sa akin at bumalik sa bar area. These past few days pansin ko ang pagiging mainitin ng ulo ni Klioh, ano kayang problema niya? Sa loob ng mahigit 3 years namin na pagkakaibigan ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Napabuntong hininga ako bago mapatingin sa bagong luto na mga pagkain na ready to serve na. Kinuha ko ito at dahan-dahang naglakad papunta sa isang table na nag-order ng mga pagkain na 'to. Habang naglalakad papunta roon ay naagaw ng atensyon ko ang tatlong babae na naglalakad papasok ng restaurant. Matatangkad ang mga 'to at magaganda. Hindi ko gaano makita ang itsura ng isa dahil nakatutok ito sa kaniyang cellphone. Napatingin ako sa kanila nang ilang segundo at naagaw ng atensyon ko ang pinag-uusapan nila. "That's what will happen to you get pregnant early," sambit ng isa sa mga babae. "Even though you're successful in your life, you won't enjoy it 'cause you already have responsibilities hehe." Pinag-uusapan nila yung dalawang mag-nanay kanina na sinerve-an ko ng pagkain. Napataas ako ng kilay dahil sa topic nila. "Yeah, you're right hehe," sang-ayon ng isa sa mga babae na hindi ko pa nakikita ang itsura. Napatungo ako ng ulo nang mapagtanto na familiar ang boses nung isang babae. "Aemielle!" Halos mapanting ang tenga ko nang marinig ko ang boses nung babae kanina na naghahanap kay Gohan. Tinawag niyang Aemielle ang isa sa mga babae. Nakumpirma ang hinala ko nang makita ko ang itsura niya. Siya nga ang ate kong si Aemille. Pero bakit nag-agree siya sinabi ng kasama niya about sa pagkakaroon ng anak? Is she denying Namie? "Excuse me, our oder please!" medyo malakas na sambit nung nasa bandang dulong table. Agad naman akong nagmadaling naglakad upang i-serve ang kanina pa nilang order nang biglang... "What the hell?!" sigaw nung isa sa tatlong babae. Shit! Sa pagmamadali ko ay muntik ko nang matapon ang soup na nasa tray na hawak ko. "S-sorry po mam," paumanhin ko. Hindi ako tumingin sakanila upang hindi ako makita ng ate ko. "Stupid," iritang sambit nito. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagmadali na akong naglakad palayo sakanila para maibigay ang order nung nasa dulong table. Hindi niya pwedeng makita na ganito ang itsura ko at mas lalong hindi niya pwedeng malaman na nagtatrabaho ako rito, panigurado pagtatawanan niya ako at sasabihing tama sila na mahihirapan lang ako dito sa Maynila. Matapos kong ma-serve yung order ay dali-dali akong naglakad pabalik ng counter. Nang mapadaan ako sa table nina ate ay narinig ko ang pinag-uusapan nila. "Yeah, lesbian siya. Pero magkahawig talaga kayo. You should meet her." Mas binilisan ko pa ang paglalakad bago pa nila ako makita nang biglang... "Oh, there she is!" malakas niyang sabi. "Dylan!" Hindi ko siya nilingon at nagkunwari na hindi sila narinig. Dali-dali akong naglakad para makapagtago dahil naramdaman ko na susunod siya. "D-Dylan!" Hindi ako lumingon, sa sobrang kaba at 'di malaman ang gagawin ay bigla akong napapasok sa kitchen area kahit na ipanagbabawal na pumasok kami rito. Nakahinga ako ng maluwang nang mapansin kong walang tao sa loob. Napasandal ako sa likuran ng pintuan at napaupo habang hinahabol ang hininga ko. Kinuha ang phone ko para tawagan si Klioh at sabihin sakanya ang nangyari ngunit pagtungo ko sa aking ulo ko ay bumungad sa akin si Gohan... Habang may hawak itong duguan na kutsilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD