"Ihahatid ko na kayo pauwi," ani ni teacher CJ. "Huwag na, Teacher!" kontra ko agad sa kaniyang sinabi. "Mahirap nang masundan ng unggoy!" simpleng banat ko pa. Palihim akong napangiti nang makita ko ang pagngiwi ng mukha ni CJ. "Mommy si teacher po ang naghatid sa akin kahapon sa bahay pero hindi naman kami nasundan ng unggoy," komento naman ni Jordan. Matalim na tumingin ako kay teacher CJ nang marinig ko ang paghagikhik nito. "Jordan, gusto mo bang ihatid ko kayong dalawa ng Mommy mo sa bahay ninyo?" malambing pa niyang tanong sa aking anak. "Opo, Teacher!" masayang bulalas naman ni Jordan. "Pero bibili pa tayo ng ice cream diyan sa labas, Baby," agaw pansin ko naman sa anak. "Teacher, pwede mo ba kaming hintayin ni Mommy? Bibili lang po kami sandali ng ice cream diyan sa may

