Chapter 12

1124 Words

Nang magpaalam na ang principal, inihatid pa muna siya ni teacher CJ palabas ng silid-aralan. Nakabusangot na mukha ang isinalubong ko kay teacher CJ sa kaniyang pagbalik kasabay nang pagtalak ko sa kaniya. "May usapan tayong hindi mo na ako tatawaging Miss Lacsamana, pero paulit-ulit mo pa ring ginagawa," angil ko pa sa kaniya. "Hindi kita maaaring tawagin na Jona sa harap ng mga kapwa ko guro sapagkat nasa loob tayo ng paaralan," mahinahong sagot naman niya sa akin. "Kung gano'n ay tawagin mo akong Misis Lacsamana at hindi Miss Lacsamana," mariing pahayag ko sa kaniya. "Sa pagkakaalala ko kasi, patay na ang ama ni Jordan kung kaya single ka na sa mga panahong ito," sagot naman niya sa akin. "At anong kinalaman nang nawala kong asawa sa pormalidad na pagtawag mo sa akin, Mr. San Raf

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD