Chapter 11

1077 Words

Maligalig si Teacher CJ mula nang ibigay sa akin ang dilaw na rosas. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa 'di ko pagpansin sa pagkaway niya kanina habang inaayos ang pila ng mga bata o dahil may iba pa iyong kahulugan. Aaminin kong kinilig ako ng kaniyang iabot sa akin ang bulaklak matapos din niyang ilathala ang kahulugan niyon. "Ang weird niya talaga!" naiiling kong bulong sa isipan habang tinitingnan siyang maglakad patungo sa silid na aming aayusin. Nang makarating na kami sa may loob ng silid-aralan, agad kong ibinaba sa upuan ang aking bag pati na rin ang bulaklak na kaniyang binigay. "So, ano ba ang maitutulong ko rito?" kapagkuwa'y tanong ko sa kaniya habang inililinga ang aking paningin sa kabuuan ng silid-aralan. Napansin kong kulang sa dekorasyon at medyo maalikabok na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD